SSNHB - 34

38 4 0
                                    

Days pass by so fast that I can no longer recall when was the day of my accident. Hindi ko namalayan na halos mag-iisang buwan na rin mula ng mangyari iyon. I took a glance at my figure in the full-length mirror. I am wearing a navy blue fitted crop top and a pair of mom jeans. I also put on my black cardigan and black sandals to complete my get-up.

Once I'm done, I just put a little makeup on my face and fixed my hair into a high ponytail. I took a final glance at my overall look before I get my bag and went out of the room. Pagbaba ko sa may sala ay naroon sila Dave, ate Marie, Ken, Liam, Dustin, Paulo, at Jake. Kausap ni Dave si Doctor Martinez na siyang nag monitor sa physical therapy ko.

Nang makita nilang bumaba ako ay ngumiti silang lahat. I smiled back at them and went in their direction.

"Nakakapanibago, di na ako sanay na makita kang naglalakad." Natatawang sabi ni ate Marie sa akin. I rolled my eyes on her.

"Gago, ano gusto mo? Forever na akong naka upo sa wheelchair?" Asar na tugon ko sa kaniya. Tumawa lang siya ng malakas at saka bumaling muli kila Dave at Doctor Martinez.

"Congrats Atty. Mia. You're finally ready to go back to work." Bati ni Doctor Martinez sa akin. I smiled at him and smiled.

"Thank you, Doc for being there with me." Pasasalamat ko sa kaniya.

"Masuwerte ka Atty. dahil hindi malala ang natamo mo at malakas ang katawan mo kaya mabilis kang gumaling." Saad nito sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya dahil totoo namang malakas ang katawan ko. Kaya rin naging mabilis ang therapy ko dahil hindi ko masyadong ininda ang sakit ng tahi ko. Dahil kung papairalin ko ang pagpansin sa sakit na nararamdaman ko ay mas lalo lang matatagalan ang paggaling ko.

"Just be more careful iha. Patuloy mo pa ring gawin ang exercise para tuloy-tuloy ang pagbalik ng lakas ng kaliwang paa mo." Muling paalala nito.

"Yes, doc. Thank you so much again." Tumango lang ito sa akin atsaka nagpaalam sa amin na mauuna na siyang bumalik sa hospital. Nang makaalis ang doctor ay bumaling na sa akin si Dave.

"I'll be monitoring and tracking you Mia. May ininstall akong app sa cellphone mo at ni Ken para malaman ko kung nasaan ba kayo." Bilin ni Dave sa aming dalawa ni Ken.

"It will also record all the conversations you will have. Don't worry tayong tatlo lang ni Ken ang makakarinig sa mga record na ito." Dagdag pa nito. Tumango naman ako sa sinabi niya.

Dahil sa nangyari sa akin, mas naging overprotective si Dave. Hindi ko rin siya masisisi dahil halos magkapatid na rin ang turing namin sa isa't isa. At nagpapasalamat ako dahil handa siyang gawin ang lahat maprotektahan lang ako at si Ken.

"Mauuna na ako sa law firm. Kakausapin ko pa ang mga magulang ni Grace dahil nahinto na naman itong kaso nila." Paalam ko kay Dave at Ate Marie.

"Naiintidihan naman nila ang nangyari sa'yo Mia." Sagot ni Dave sa akin. Alam ko. Alam ko naman na naiintindihan nila pero ayoko ng patagalin pa ang paghihirap na nararamdaman ni Grace.

I want to give her the justice that she's been longing for so long. I can't take the fact that she's still having nightmares and fear whenever she walks outside. Gusto ko siyang tulungan na tuluyan nang maka-alis sa bangungot na dala ng hayop na Mark Hererra na iyon.

"I know Dave. Pero yung galit na nararamdaman ko para sa mag-amang iyon ang hindi niyo maiintindihan. Gusto ko na 'tong matapos." Sagot ko sa kaniya. Tumango lamang siya at hindi na nagsalita.

"Okay, let's go." Pagbasag ni Ate Marie sa katahimikan namin. Agad namang tumayo sila Liam na kanina pa nakikinig sa amin.

"Ako na ang magdadrive Mia." Aniya ni Ken nang makalabas kami ng bahay at pumuntang garahe.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now