SSNHB - 21

43 6 12
                                    

It's Sunday today kaya naisipan kong pumunta ng mall to relieve some stress dahil malapit na ang trial ng kaso ni Ken at Grace, at para na rin makabili ako ng bagong damit. Ang tagal na rin noong huling pumunta ako ng mall.

"I'm so sorry bebi, I really can't go with you. May biglaang conference ako na kailangang puntahan at sa Thailand iyon. I'm on my way to the airport na dahil 3 pm ang flight ko." Sabi ni Ate Marie sa kabilang linya.

"Grabe, kakagaling mo lang ng Singapore at kakauwi mo lang noong isang araw, tapos ngayon lalakwatsa ka na naman." Sabi ko sa kanya at umupo na. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at tinignan ang oras, it's 11 a.m. already at late ako gumising dahil nga wala naman akong pasok at napuyat ako sa mga ibang kaso na hawak ko.

"You know how I hate staying here in the Philippines. If opportunities knock on my door, aalis talaga ako ng walang pag-aalinlangan." Sagot naman ni Ate na dinugtungan pa ng tawa. Napatawa na lang din ako sa kanya dahil totoo naman.

Sobrang gala talaga si Ate Marie kaya madalas din silang nag-aaway ni Tita dati. Pero ngayon, dahil sa trabaho ni ate, at sariling pera naman na ni ate ang ginagastos niya ay wala ng magawa sila Tita para pigilan siyang gumala at yung gala niyang pang around the world.

"Okay, mag-iingat ka ha. Sabihan mo naman ako kung nakauwi ka na. Ang dami kong ikukwento sa'yo. Kahit sila Ate Marj hindi pa nagpaparamdam sakin." Medyo nagtatampong sabi ko sa kaniya. Sa sobrang busy namin ay nakalimutan na naming dalawin ang isa't isa kahit na diyan lang din naman sa kabilang kanto ang mga bahay nila.

"Nasa Siargao sila Ate Marj ngayon, tawagan mo kung kailan uwi nila. Basta ako 1-week ako sa Thailand." Sagot naman ni Ate. Napalingon ako sa may pinto ng may mahinang kumatok doon at bumukas iyon.

Napangiti ako ng sumilip si Ken doon, sinenyasan ko sya na sandali lang saka ako bumalik sa pakikipag-usap kay Ate Marie. "Okay, I'll just call them na lang later. Ingat ka ha, love you. I'll hang up na, magpeprepare pa ako dahil bukas na ang trial ng kaso ni Mark Hererra." Pagbalita ko kay Ate.

Nakita kong pumasok si Ken at dumiretso ito sa slide door ko at lumabas sa may veranda para kunin ang mga damit ko na nakasampay doon. Nakalimutan ko na pala iyon ipasok kagabi dahil sobrang tutok ako sa trabaho.

"OMG! Good luck bebi. I know maipapanalo mo yan. Mag-ingat ka ha. O siya, sige na bebi, I gotta go, nandito nako sa airport." Paalam ni Ate Marie sakin.

"Yes, I know I will win this case. Have a safe flight, wag ka na maghanap ng bebe dyan ha. May irereto ako sayo pag-uwi mo. Bye, love you!" Natatawang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iling ni Ken dahil alam niyang si Liam ang tinutukoy ko na irereto ko kay Ate Marie.

"Basta masarap... masarap magluto, g ako diyan HAHAHA. Chareng, sige na bye!" Sabay kaming natawa sa kalokohan niya. After she ended the call ay pinatong ko na sa side table ko ang cellphone ko at bumaling kay Ken na nakaupo na sa sofa at tinutupi ang mga damit ko.

It's been a week since nung nabuhay siya ulit. It still gives me creeps most of the time, pero hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa nakakalokong paraan ng tadhana para pagtagpuin kami.

"Ken, iwan mo na yang mga damit ko dyan, ako na ang magliligpit niyan." Pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Matatapos ko na rin naman." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagtutupi. Hinayaan ko na lang din siya dahil alam kong hindi naman siya magpapapigil.

Sa halos isang linggo naming pagsasama dito sa bahay ko ay unti-unti ko nang nadidiskubre yung ugali niya at ang mga hilig niya. Ken is stubborn most of the time, but he is sweet, caring, and thoughtful. Sobrang honest niya rin, na kung hindi ka sanay ay mao-offend ka talaga. These are some things that I observed to him tuwing magkasama kami.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt