SSNHB - 03

70 7 0
                                    

A/n: Skl, this story is inspired by the Korean Drama Hi, Bye Mama! Sobrang ganda kasi ng plot ng stort na yon so I got inspired by it and tried to write something that is kinda similar on it. Don't worry, this story will still have it's own kind and flavor. After reading this chapter doon niyo magegets (kung napanood niyo na) yung similarities nila pero yung takbo ng kwento ay iba talaga doon sa Hi, Bye Mama! :))

Anws, enjoy reading 💖

~


"Bago ba sya dito?"

"Hindi pa rin ba siya nagigising?"

"Ang gwapo naman niya."

"Ang bata pa niya para mapunta dito"

Bakit ba ang ingay? May mga bisita ba sila mama? At saka kung meron bakit at paano sila nakapasok dito sa kwarto ko?

"Kawawa naman ang mga magulang ng batang 'to."

Ha? Kawawa? Bakit? Ano bang meron? Unti-unti ko nang minulat ang mga mata ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang tagal ko ng tulog. Bumungad sakin ang apat? Lima? Hindi ko na mabilang kung ilang mukha ang naka-tutok sa akin? Napabalikwas naman ako nang tayo dahil hindi ko kilala ang mga ito.

"Sino kayo? Paano kayo nakapasok dito sa kwarto ko?" tanong ko sa kanila. Lumayo naman silang lahat sakin agad.

"Wala ka sa kwarto mo iho." Sagot ng isang ginang sakin. Siguro kasing edad lang siya ni mama.

Agad ko namang tinignan ang buong paligid ko. Oo nga wala nga ako sa kwarto ko. Pero nasaan ako? Tinignan ko ang suot kong damit, suot ko pa rin yung damit na suot ko nung pumunta ako kila Paulo. Muli kong pinalibot ang tingin ko sa buong paligid ko pati na rin sa mga taong nasa harapan ko.

"Nasan ho ako?" tanong ko muli sa kanila.


"Hindi mo pa ba alam iho?" tanong nung isang lalaki sakin. Siguro kasing edad lang din siya ni papa. Hindi naman sila puro matatanda na, may mga kaedad ko din at mayroong bata pa. Nasan ba kasi ako? Paano ako napunta dito.

"Ang alin ho? Paano po ba ako napunta dito?" tanong ko muli. Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari.

"Ano ang huli mong natatandaan na nangyari sayo?" tanong naman sakin nang isang babae, siguro mas matanda lang sakin ng ilang taon 'to.

Inalala ko naman ang nangyari sakin. Pinikit ko ang mata ko at hinawakan ang ulo ko nang sumakit ito. May mga nag flash sa isipan ko. Nakita ko ang sarili ko na umaalis na sa bahay nila Paulo. Maya-maya pa ay nakita ko na ang sarili ko sa aksidente. Hanggang sa nakita ko kung paano dumating ang mga pulis at ambulansya, paano ako inalis sa ilalim ng sasakyan, ang pag lagay sakin sa stretcher, at ang pag pasok sakin sa ambulansya.

Napadilat ako nang makita ko muli ang mukha nung babaeng 'yon. Yung mga mata niya na puno nang takot at pag-aalala. Sino siya? Bakit ganoon na lang kung bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin naming?

"Naalala mo na ba?" tanong muli sa akin nang babae.

"Oo. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako nandito? Hindi ba dapat nasa hospital ako? Anong ginagawa ko dito? Paano ako napunta dito?" sunod sunod na tanong ko sa kanila.

"Teka, isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Ano muna pangalan mo?" tanong sakin nung lalaking katabi nung babaeng nag tanong sakin. Siguro nasa sampu din sila na nasa tapat ko.

"Ken. Ken Vargas ang pangalan ko." sagot ko sa kanila. Isa isa din naman silang nagpakilala sakin.

"Well, apparently Ken nasa hospital ka talaga." Sabi ni Maureen sakin. Siya yung mas matanda lang siguro ng ilang taon sakin.

"Huh? Hospital ba 'to?" naguguluhang tanong ko.

"Gagi hindi. I mean physically nasa hospital ka. Pero spiritually nandito ka." Sagot niya muli.

Physically, hospital. Spiritually nandito. Wala akong maintindihan.

Napansin siguro nila na mas lalo akong naguluhan dahil napa-iling na lang ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay napabuntong hininga.

"Ang ibig sabihin ni Maureen, Ken ay patay ka na. Yung katawang lupa mo nandoon sa hospital. Pero ikaw nandito ka na sa lugar kung nasaan dapat ang mga katulad nating kaluluwa na lang." paliwanag ulit ni Tom.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ako? Patay na? Agad naman akong tumayo at tumakbo palabas ng lugar na 'to. Pag labas ko ay madilim at tahimik na kalsada lang ang bumungad sakin. Inikot ko pa ang paningin ko sa buong paligid, nagbabakasakaling makilala ko ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan ako.

Muli akong pumasok sa loob at lahat sila doon ay nakatingin lang sakin, tila alam nila na babalik ulit ako dito. Muli akong umupo sa pwesto ko. Hindi pa rin na-aabsorb ng utak ko yung mga sinabi nila.

"So patay na ako? At patay na rin kayo?" muling tanong ko. Lahat naman sila ay tumango at walang ekspresyon ang mga mukha.

"Alam kong mahirap paniwalaan at tanggapin. Halos lahat kami dito at yung iba pa ay ganyan din ang reaksyon noong una." Sabi ni Denise, ka-edad ko lang siya.

"May pupunta dito bukas ng umaga. Doon mo na lang itanong yung iba mo pang katanungan dahil sigurado kaming mas masasagot ka niya ng maayos at malinaw. Sa ngayon, mag pahinga ka na lang muna ulit, kahit hindi naman talaga tayo nakakaramdam ng pagod." Sabi ni Aling Edna. Siya yung tinutukoy ko na ka-edad lang ng mama ko.

"Sino ho ang pupunta bukas? Matutulungan niya ba talaga ako?" tanong ko ulit sa kanila. Oo na alam ko naman na puro ako tanong, pero kasi nag-aalala na ako kila mama. Hindi ko alam kung alam na ba nila ang nangyari sakin. Sila Paulo, Liam, Dust, at Jake kung nabalitaan na ba nila?

"Siya yung taga-pangalaga ng lugar na 'to. Bukas ng umaga malalaman mo naman na dumating na siya pag may narinig kang ma-ingay na tunog ng kampana." Sagot ni Tom.

"O siya lumalalim na ang gabi. Kami'y papasok na sa mga kwarto namin." Paalam ulit ni Aling Edna. Isa-isa naman na silang nagsi-alisan at pumasok sa mga puntod nila.
Ayon ba yung kwarto nila?

Saan ako matutulog? Wala pa naman akong puntod dito. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa dami ng tanong at gumugulo sa isipan ko. Napuno na ng katahimikan ang buong paligid. Gusto kong umalis dito. Gusto kong puntahan sila mama. Gusto kong makita yung katawan ko. Gusto kong malaman kung totoo ba talagang patay na ako, o baka naman panaginip ko lang to.

"Ganyang ganyan din ako noong bago lang ako dito, ang pinagkaiba lang natin ako alam ko na patay na talaga ako. Pero hindi lang ako makapaniwala na dito ako mapupunta." Napalingon ako sa nag salita. Nakita ko si Tom na nasa tabi ko na.

"Bakit? Saan ba ang akala mo na patutunguhan mo?" tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti ng malungkot.

"Sa lugar kung saan dapat kong pagdusahan pang-habang buhay itong malaking kasalanan na ginawa ko." sagot niya at iniiwas ang tingin sakin. Nasa malayo lang ang tingin niya. Umiwas na rin ako ng tingin at tinuon na lang sa kawalan.

"You commit suicide don't you?" tanong ko sa kaniya. I see him nod his head on my peripheral vision. Napa-iling na lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I don't want to judge him either dahil hindi ko naman alam kung ano ang pinagdaanan niya talaga.

Ilang minuto pa kaming tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Maya-maya pa ay naramdaman ko na siyang tumayo. Sumenyas lang siya na babalik na siya sa puntod niya, tumango lang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Papalipasin ko na lang ang buong magdamag dito na mag-isa at puno nang katanungan ang isipan.




Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now