SSNHB - 25

50 4 0
                                    

Buong biyahe ay tahimik lamang ako. Kahit sina Liam at Dustin ay tahimik lang rin pero bakas sa mukha ang pag-aalala. Kada sigundo at minutong lumilipas ay parang saksak sa puso ko. Gusto ko na agad makarating sa pupuntahan namin at makita si Mia. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko, at pinagmasdan ang larawan namin ni Mia na kuha kahapon habang nakasakay kami sa Ferris Wheel.

Hindi ko namalayan nan aka-idlip pala ako habang nasa biyahe dahil naramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa akin ni Dustin. Minulat ko ang aking mata at nakitang nasa labas na si Liam at may kausap sa cellphone niya.

"Nandito na tayo Ken." Pagtawag ni Dustin sa atensyon ko. Tumango naman ako at inayos ang suot ko. Agad din kaming lumabas ng sasakyan, sila na ni Liam ang nagbayad sa driver. Nang makita kami ni Liam ay sumenyas itong sumunod sa kanya papasok sa loob ng ospital. Malalaking hakbang ang ginawa ko at nauna nang lumpit sa nurse station nang makapasok kami.

"Miss, may I know kung saan ang room ni Mia Ramirez? Haamiah Ramirez." Tanong ko sa nurse na nasa harapan namin.

"One moment, sir." Aniya bago tumingin sa mga records niya. Tumango lamang ako at hindi mapakaling nag-aantay. Ngayong nandito na ako sa loob ng ospital ay bumalik sa akin ang huling memorya ko sa lugar na ito. At hindi maganda ang memoryang iyon, dahil dito na pala ako susuko at kukunin ng Maykapal.

Ngayon, hindi ko akalain na narito na naman ulit ako, pero ang dahilan na ay si Mia. Ang babaeng mahal ko. Parehas kaming naging biktima ng aksidenteng ito, pero ang pinagkaiba lang ay alam kong sinadya at plinano itong sa kanya.

Napukaw ang pag-iisip ko ng tawagin muli ng nurse ang atensyon ko. "Sir, Ms. Ramirez is currently at the operating room. Doon sya sinugod dahil sa matinding sugat na tinamo." Pagpapaliwanag nito.

Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Dustin. "Saan ang OR miss? Okay lang ba na doon kami mag-antay?" Tanong nito. Tumango naman ang babae at tinuro ang daan papunta doon. Nagpasalamat naman si Dustin at niyakad na kami ni Liam para makapunta doon.

Nang makarating sa tapat ng OR ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari sa akin. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan dahil sa pamilyar na katahimikan sa hallway. Walang ibang dumadaan at kami lang narito ngayon. Nakita kong umupo sa may upuan sa gilid ng pinto ng OR si Liam at Dustin. Habang ako ay naiwan na nakatayo sa tapat ng pintuan ng pamilyar na lugar na ito.

Hindi ko maiwasang kabahan at matakot habang nakatingin sa malapad na pinto sa aking harapan. Kung may lugar man ako na hindi na kayang harapin pa ay itong Operating Room ng ospital iyon. Dahil alam ko ang pakiramdam nang nasa loob nito, at ang pakiramdam habang nag-aantay sa labas nito. Habang nasa loob ka nito, malakas ang loob mo dahil alam mong maraming tao ang kumikilos upang mailigtas ka. Kampante ka na makikita mo pa ulit ang mga taong nag-aantay sa'yo sa labas ng kwartong ito.

Samantalang ang mga taong nasa tapat ng kwartong ito ay puro sakit ang nararamdaman. Para bang hirap na hirap silang tanggapin ang nangyari sa'yo. Kung ikaw na nasa loob ay lumalaban, sila na nag-aantay sa'yo ay unti-unting nanghihina sa bawat minutong lumilipas. At ngayon, habang nakatingin ako sa pinto na naghihiwalay sa amin ni Mia ngayon ay pinipilit kong maging malakas rin para sa kanya.

I know Haamiah is a strong person. I know na lalaban siya para sa akin, sa pamilya niya, at sa mga taong umaasa sa kaniyang matutulungan niyang mabigyan ng hustisya. I know she will not let those bastards rise, laugh and enjoy the rest of their lives just because they try to take another life. Alam kong lumalaban si Mia, kaya ako habang nag-aantay dito ay pipilitin ko ring maging positibo at maging malakas. I just have to put my trust on Him, na hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Haamiah habang lumalaban ito sa buhay niya.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now