SSNHB - 20

40 4 13
                                    

Nagising ako ng may maramdaman akong nakadagan sa may pisngi ko. Dahan-dahan akong umayos ng higa at minulat ang mata ko. Nasa may sala pa rin pala kami ng bahay ni Mia, at ang paa ni Liam ang nakadagan sa mukha ko. Napakalikot talaga matulog.

Tinignan ko ang orasan sa wall clock ni Mia at nakitang 9:30 na ng umaga. Agad akong tumayo at pumunta sa guest room para magpalit ng damit ng makita ko ang isang sticky notes na nakalagay doon. Kinuha ko ito at binasa.

To KV:

I know late ka na magigising, so no need to rush. Nauna na ako sa office. Spent your day with your friends muna. Don't worry about me, tinawagan ko ang kaibigan ko at nagpahatid sa kanya. Breakfast is ready at the dining, kain na lang kayo.

~Mia.

Nang mabasa ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti. Dala-dala ang sticky note ay nakangiti akong bumaba at bumalik sa sala para makita kung gising na ba sila. Nakita kong kakabangon lang ni Paulo at Jake. Narinig ko ang boses ni Liam at Dustin sa kusina kaya pumunta ako doon.

"Alam mo ang swerte ni Ken sa Atty. na nakuha nila tita ano?" Narinig kong sabi ni Dustin. Hindi muna ako tumuloy sa pagpasok sa kusina at pinakinggan muna sila na pag chismisan ako.

"Sa totoo lang ha. Ang bait ni Atty. Mia. Balita ko din ang galing nito sa korte, hindi ata sya tumatanggap ng kaso na mayayaman ang sangkot. Mas pinagtutuunan nya ng pansin yung talagang nangangailangan ng hustisya." Sagot naman ni Liam.

"Ang swerte ng magiging asawa ni Atty. kaya siyang ipagtanggol sa kahit sino." Dugtong ni Dustin.

"Malas din kung sakaling gago, kasi for sure kulong ang bagsak nun." Natatawang sagot naman ni Liam. Napailing na lang ako sa usapan nila at pumasok na sa kusina.

"Tapos na kayong pag chismisan kami?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

"Wow tamang hinala ka naman Ken, di ka nga namin pinag-usapan." Pilosopong sagot ni Liam.

"Sige kunwari di ko narinig." Sabi ko naman sa kaniya.

Maya-maya pa ay narinig na namin ang pagpasok nila Paulo at Jake sa kusina. Umupo na kami para kumain na since nakapagluto na rin naman si Mia.

Grabe nakakahiya na 'tong abala na ginagawa ko. Dapat tinutulungan ko sya ngayon.

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig kong magsalita si Paulo.

"Alam mo Ken, bagay kayo ni Atty. Mia." Sabi nito habang nakatingin sa sticky note na hawak niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil nagtaka ako saan nya nakuha yung sticky note eh ang alam ko nasa may bulsa ko yung hawak ko kanina.

"Paano mo naman nasabi yan Pau?" Tanong ni Liam.

"Wala, kasi tignan mo maalaga si Atty. ganyan mga tipo ni Ken di ba?" Sabi naman nito at ngumit ng nakakaloko sakin.

"Ano bang nakasulat dyan sa hawak mo Pau?" Curious na tanong ni Jake.

Pinakita naman ni Paulo ang nakasulat sa sticky note. Guys enjoy the breakfast. Please take care of Ken na rin on my behalf.

"Ay taray, oo nga lakas maka jowa feels ni Atty." Gatong naman ni Dustin.

Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Ako na lang talaga ang nahihiya sa mga pinag-iiisip nila.

"Hoy Ken! Ano na? Natameme ka dyan? Kinikilig ka 'no?" Pang-aasar ni Jake.

"Alam nyo, ang i-issue nyo." Sabi ko na lang sa kanila saka tinapos ang pagkain ko.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now