SSNHB - 08

52 4 1
                                    

Narito ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Para na akong guwardiya dahil lagi akong nagbabantay dito sa may gate namin, pero ngayong araw ay inaantay kong lumabas sila mama at papa. Narinig ko kasi na pupuntahan ulit nila yung abogado na kinuha nila para sa kaso ng pagkamatay ko.

Nakita ko na sila na papalabas at lulan ng sasakyan namin. Agad naman akong sumunod sa kanila sa pupuntahan nila. Sa totoo lang ay ngayon lang ako sasama sa kanila sa pag-asikaso ng kaso ko. Gusto kong makita at marinig mismo yung buong pag-uusap nila ng abogado na kinuha nila, at gusto ko din makilala ito.

"Sa tingin mo may progress na kaya sa kaso ng anak natin?" Narinig kong tanong ni mama kay papa na nagdadrive.

"Sa tingin ko mayroon naman na. Hindi naman siguro tatawag si Atty. Ramirez kung wala pa rin." Sagot naman ni Papa. Lalaki o babae ba 'tong si Atty. Ramirez? Ito din yung isa sa gusto kong malaman e.

"Sana good news ang ibabalita ni Atty. Ramirez sa atin." Sabi ni Mama at umusal nang taimtim na dasal.

Ilang oras pa ay nakarating na sila sa isang coffee shop. Dito ba sila magkikita? Hindi ba delikado at nasa open area sila?

Nakita kong pumasok na sila mama at papa sa loob kaya naman sumunod na ako. Nakita kong may tumayo na babae at nakipag-kamay sa mga magulang ko. Lumapit naman ako para mas marinig sila at mas makita ko ng malinaw ang mukha ng abogado ko.

Napahinto ako sa paglapit ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung nakita ko nung mismong araw na naaksidente ako. Siya yung babaeng nasa loob ng sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kung ano yung naramdaman ko noong unang mag tama ang paningin namin ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

"Good afternoon Mr. and Mrs. Vargas. Have a seat po." Magalang  na bati nito. Hindi ko mai-alis ang tingin ko sa maamo niyang mukha.

"Good afternoon din Atty. Ramirez. Ano po ang balita?" Tanong agad ni mama ng makaupo sila sa harap nito. So siya yung abogado ko? Pinaglalaruan ba ako ng mundo?

"Well, Mr. and Mrs. Vargas gusto ko lang po sabihin sa inyo na on-going pa rin ang kaso ni Mark Herrera, and I wanted to tell you na I am making sure na makukulong siya at pagbabayaran niya yung mga kasalanan niya." Sagot ni Atty. Ramirez sa mga magulang ko. Mark Herrera? Siya ba yung nagda-drive ng kotse na nakabangga sakin?

"We're rooting on you Atty. Ramirez. Umaasa kami na pagbabayaran ng lalaking iyon ang pagkamatay ng anak namin." Sabi ni mama.

"Don't worry Mrs. Vargas, patong-patong ang kaso nito ni Mark Herrera kaya sinisiguro ko na makukulong talaga siya." Sagot ulit ni Atty. Ramirez.

"Paanong patong-patong Atty? May iba pa ba siyang kaso na kinakaharap?" Tanong ni papa.

"Yes. Mr. Vargas. So don't worry malalakas ang mga ebidensiya na hawak ko laban sa hayop na 'yon. For now, ito pa lang po ang mairereport ko sa inyo. Mag u-update na lang po ako sa inyo kung kailan ang hearing." Naka ngiting sabi ni Atty. Ramirez sa mga magulang ko.

"Salamat talaga Atty. Tatanawin namin itong isang malaking utang na loob." Naluluhang sabi ni mama habang hawak-hawak ang kamay ni Atty. Ramirez.

"No need po. Trabaho ko po ang tumulong sa mga nangangailangan."

"Salamat talaga iha. Paano, mauuna na kami. Mag-iingat ka ha." Paalam ni papa at tumayo na sila ni mama. Ngumiti lang si Atty. Ramirez at nakipag-kamay muli bago umalis ng coffee shop sila mama at papa.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Nang maka-alis na sila mama ay napabuntong hininga naman si Atty. Ramirez. Bakit parang lahat ng abogado na nakikita ko ay hindi mukhang stress kahit ang dami nilang binabasa at inaasikasong kaso?

Mahigit isang oras pang namalagi si Atty. Ramirez sa coffee shop bago siya umalis doon. Sinundan ko naman siya palabas hanggang sa makasakay siya sa sasakyan niya. Tinignan ko ang paligid namin at nakita ko ang isang lalaki di kalayuan sa coffee shop na nakamasid sa bawat galaw ni Atty. Ramirez. Umalis ito sa kinakatayuan niya at sumakay sa pulang sasakyan na nasa tapat niya ng makita na papa-alis na si Atty.

Sino kaya yung lalaking 'yon? Mukhang hindi gagawa ng matino ang itsura. Sana mali lang ang nasa isip ko.

Ilang oras na matapos ang pakikipag-usap ko kila Mr. at Mrs. Vargas tungkol sa kaso ng anak nilang si Ken. Mabilis lang ang naging usapan namin, pero nag stay pa ako sa coffee shop ng ilang oras para doon na muna basahin ang ibang kaso na hawak ko pa.

Napansin kong papagabi na kaya naman tumayo na ako at umalis na. Naging alerto agad ako ng makaramdam ako na parang may nagmamasid sakin. Nagkunwari akong may tumawag sakin at pasimple kong pinalibot ang tingin ko sa paligid ko. Hindi na bago sakin ang ganitong pakiramdam dahil halos araw-araw ata akong nakakatanggap ng death threat mula sa mga kilalang tao na tinanggihan ko ang kaso o hindi kaya ay ang mga sinampahan ng kaso ng mga kliyente ko.

Napansin ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan na pasimple lang din na nagmamasid sa galaw ko. Agad kong nalaman na minamanmanan ako nito dahil siya lang tao sa pwesto niyang iyon. Agad kong nilagay ang cellphone sa bag ko at sumakay na sa sasakyan ko. Pinaharurot ko ka-agad ang sasakyan ko at tinignan sa side mirror ko kung sinusundan ba ako. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita koi tong sumakay sa pulang sasakyan na nasa harapan niya kanina lang.

Medyo malayo ang pagitan ng sasakyang ito sakin para siguro hindi ko mahalata na sinusundan nila ako. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho at napansin kong bumilis din ang sasakyang nasunod sakin.

"Tangina. Akala niyo naman matatakot niyo ako dahil sinusundan niyo ako. Sige lang nang maging isa kayo sa mga ebidensya na magagamit ko." Bulong ko sa sarili ko at mas binilisan pa ang pag mamaneho.

"Kung sino man ang nag-utos sa'yo, magdasal na siya kay Satan dahil hindi ako natatakot sa kaniya." Dagdag ko pa. Kinabit ko ang cellphone ko sa Bluetooth at tinawagan si Ate Marie.

"Hello Ate, may humahabol na naman sakin ngayon. Siguradong inutusan to ng isa sa mga kalaban ko sa kaso na hawak ko." Agad na sabi ko ng sumagot si Ate.

"Ha? Tangina. Ang dudumi talaga ng mga hayop na 'to. Mag-iingat ka ha." Sabi ni ate sa kabilang linya. Tumingin ako muli sa side mirror ko at nakitang nakabuntot pa rin sakin ang mga hayop.

"Kayo ang mag-ingat. Double your house security, sabihan mo na din sila Ate Marj. I'll be okay don't worry. Ililigaw ko lang 'tong mga langaw na 'to." Sabi ko kay Ate.

"Okay okay. Just be careful. Call me again pag pauwi kana." Sabi ni ate. I drop the call and focus to drive faster.

Buti na lang dahil lumuwag ang daan kaya nakasingit ako sa sasakyan na nasa harapan ko. binilisan ko ang pag mamaneho ko at sumingit sa mga nasa unahang sasakyan ko pa. Nang makakita ako ng malulusutan ay agad kong siningit ang sasakyan ko doon. Nang tignan ko muli sa side mirror ko ang pulang sasakyan na sumusunod sakin ay medyo malayo na sakin ito at nahihiripang habulin ako dahil bumagal ang takbo ng mga sasakyan dahil sa traffic.

Nang lumuwag at bumilis ulit ang takbo ay isa ako sa mga mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Hindi ko na makita ang pulang sasakyan na sumusunod sakin ng lumiko ako kabilang high-way. Buti na lang at nawala na ako sa paningin nila. Agad akong nag drive papunta sa condo ko sa Quezon City.

Hindi na muna ako uuwi sa Cavite mahirap na dahil baka pina-imbestigahan na din ako. Walang nakaka-alam na may condo ako dito sa QC, kahit sila Ate Marie ay hindi nila alam ang tungkol dito. Dito ko na lang muna papalipasin ang gabi at bukas na lang ako uuwi sa Cavite.


Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now