SSNHB - 05

64 3 1
                                    

"Ma'am may client po na gustong kayo ang mag handle ng kaso ng anak nila." Tawag ni Anya sa atensyon ko. Lunch break pa rin ngayon at kakatapos ko lang kumain kaya nag browse muna ako sa social media accounts ko.

I looked at her and nod. "Just give me 5 minutes then papasukin mo na sila." I said.

Agad namang lumabas si Anya. Pumunta agad ako sa CR dito sa loob ng office ko saka nag tooth brush at mouth was, nag retouch na din ako ng make-up ko. Pag labas ko ay sakto ding sumilip si Anya kung naka ready na ba ako, I nod at her and signalled her na papasukin na yung client.

Pumasok naman agad ang mag-asawa na siguro ay parehas na nasa mid-40s ang edad.

"Good afternoon ho, Attorney." Bati nilang mag-asawa sakin.

"Good afternoon din po. Ano po ang maitutulong ko sa inyo?" tanong ko sa kanila ng makaupo sila sa tapat ko.

"Naghahanap po kami ng lawyer na pwedeng humawak sa kaso ng pagkamatay ng anak namin." Sagot ng ginang. I immediately pay attention to them.

"Ano ho ba ang ikinamatay ng anak ninyo?" tanong ko sa kanila.

"Car and motor accident iha. Siya yong nabalita noong nakaraang araw." Sagot naman nang asawa noong ginang.

"Wait, ito ho ba yung aksidenteng naganap sa may Cavite?" tanong ko muli sa kanila. Tumango naman silang dalawa.

"So kayo po yung magulang ni Ken Vargas?"

"Kami nga iha. Pwede bang ikaw ang kunin naming abogado para maipakulong yung hayop na dahilan kung bakit nawala na sa amin ang anak namin." Tanong ng tatay ni Ken.

"Sige ho, sino po ba yung suspect?" Tanong ko.

Hindi ko na kasi napanood pa sa balita kung may naging update ba doon sa sinabing driver ng kotse na 'yon dahil nga nag-aya na si Ate Marie na mag inom. At sa mga nakalipas na araw din ay naging abala na ako sa mga kaso ko lalo na doon sa kaso noong dalagang ginahasa. Sobrang ilap ng mga ebidensya sakin nitong mga nakaraang araw pero ngayon ay may hinihinalang lead na ako kung sino ang hayop na gumawa noon.

"Si Mark Herrera ho attorney."

Mark Herrera?

Naka-alis na ang mga magulang ni Ken Vargas, at tinanggap ko na rin ang kaso nila. Kung tama ang hinala ko, itong Mark Herrera na 'to ay ilalagay ko talaga sa loob ng kulungan at sisiguraduhin kong mapapanagutan niya ang mga kasalanan niya.

Agad kong inasikaso muli ang kaso ni Grace, siya iyong anak nung mag-asawa na lumapit sakin noong araw din na namatay si Ken Vargas. This is getting heavy.

I am already walking towards the elevator when I saw Ellena talking with someone, probably her client. I walked past them and wait for the elevator to open. Nang bumukas ito ay sumakay agad ako sa loob.

Nakahabol din sila kaya umurong ako sa pinaka loob. I am actually not interested to hear what they're talking about pero dahil nakalimutan kong ilagay ang airpods ko bago lumabas ng office ay naririnig ko na ang di ko naman dapat marinig.

"So Attorney Ellena, ikaw na ang bahala sa kaso ng anak namin ha. Aasa kaming mailalabas mo siya doon sa kulungan na iyon." Narinig ko na sabi nung matandang lalaki.

"Don't worry Mr. Herrera, ako po ang bahala sa kaso ng anak niyo." Sagot naman ni Ellena.

Mr. Herrera? Don't tell me ito yung magulang ng hayop na Mark Herrera na iyon? At si Ellena ang hahawak ng kaso nito.

"Aasa kami sa'yo iha." Sabi naman nung ginang. Napansin kong lumingon sakin si Ellena so I keep my eyes in front. Not minding them at all.

Nang bumukas ang elevator ay nauna na akong lumabas sa kanila. Narinig ko pang nag paalam si Ellena sa mga kliyente niya. I was about to go inside my car when I heard her call my name.

"Attorney Ramirez..." Tawag niya ulit sakin. I stopped walking and look at her.

"Ahm, sorry to disturb you. Pero kasi kinakabahan ako doon sa kaso na hahawakan ko. Ahm, baka pwede makahingi ng konting advice?" Sabi niya ng makalapit siya sakin. I look at her with my poker face and tell her,

"Just make sure you'll win that case, and if not don't get depressed. Because people who are found guilty with their act should be put behind the bars." I said to her and got inside my car and drove away. I look at my side mirror and saw her still standing there looking and looking in my direction.

One week have been passed and so far I can tell that there's an improvement on my cases, most especially on Grace and Ken's case. It's been a tough week and I barely sleep because I need to read and study and attend other court hearing from my other client.

While Ellena, always greets me every time she sees me. I think she's trying to get on my side. Well, unfortunately for her I don't make friends in this law firm. I just cannot engage myself and attach with them because it will surely affect me in all aspect – specially on my emotional and mental aspect.

Sa mga nakalipas na araw din na inaasikaso ko ang kaso ni Ken at Grace ay hindi mawala sa isip ko ang naging tagpo namin ni Ken. Sobrang bilis lang ng tagpong iyon pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi siya mawala-wala sa isipan ko. Tapos ngayon ay ako pa ang hahawak ng kaso niya.

"Ugh! Why am I stressing myself over this nonsense?" I asked myself. I'm already here at my house. Sobrang tahimik ng bahay ko because I live alone. Since I cannot contain the stress I am feeling right now, I call Ate Marie.

"Yow. What is up?" She answered on the other line. I sighed before opening up to her.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" I asked her. Hindi ko kasi maalala kung nasabi ko na ba sa kaniya na ako ang hahawak ng kaso ni Ken.

"Ang alin? We're both busy and I don't know what you're talking about in particular."

"I am handling Ken Vargas case," I said to her.

"Huh? Ken Vargas? Who that?" She asked again. Ugh. I totally forgot that Ate Marie doesn't give a fuck on people that she's not familiar or even interested with.

"Ugh. The one on the news last week. Yung naaksidente." I explained to her.

"Ahhh. Yung sinabi mo na I'll figure it out eme just because of that weird feeling you have nung mag tama ang paningin nyo?" She clarified.

"Yes!"

"Wow. What a coincidence I guess?" She said and laughed.

"Bitch! You're no help!" I snapped at her. Kainis naman kasi e. Stress na nga ako dito tapos tatawanan lang ako.

"Aba! Anong gusto mong gawin ko? Ako humawak ng kaso na yan."

"Bobo mo. Wala akong sinasabi. Ah basta, share ko lang." Inis na sabi ko sa kaniya.

Tumawa naman ulit siya, she's really having fun seeing me suffering from all this stress, napakabait.

"Okay ayan lang ishe-share mo? I'll hang up na. Tatapusin ko pa presentation ko bukas. I'll drop by there later dadala ako pizza. Wag ka muna matulog." She said.

"Okay. Yay! Pizza. You da best. Love you." I said to her. I feel myself salivating over pizza. Magkakaroon na siguro ako.

"Wow kanina bobo at walang ambag ako, tapos ngayon I'm da best na. Gulo-gulo mo utak ko hayop ka." Rinig ko pang reklamo niya bago niya binaba ang tawag. I just laughed because of her rant. After a minute of laughing and staring blankly on my laptop, I started working again.


Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now