SSNHB - 18

34 4 8
                                    

"Atty. Mia nasa labas po si Sir Dave." Napaangat ang tingin ko kay Anya ng marinig ko ang boses niya. Tumango lang ako at sinenyasan siyang papasukin si Dave.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si Dave na pumasok. Umayos ako ng upo at nginitian siya.

"What brings you here?" I asked him.

"Bumisita lang ako para kumustahin ka, and to check kung nagtatrabaho ba yung mga pulis na inutusan kong mag bantay." Sabi niya ng makaupo sa sofa na nasa loob lang din ng opisina ko.

"Dave, you don't have to do it. Plus, you know how severe my trust issue is. Hindi nga tayo sure kung maaayos ba 'yang mga pulis na pinadala mo. I mean, not to generalized them, but we don't know kung may isa o dalawa ba sa kanila na kampon ni Herrera." I told him saka tumayo para umupo sa single sofa sa harapan niya.

"I know Mia, kaya nga ako pumunta dito to observed din." He explained. I sighed and let him.

"By the way, are you ready for the trial next - next week?" He asked.

"Of course. I was born to be ready, Dave." I told him and smirk. Napailing na lang sya sa naging sagot ko.

"By the way, make sure to keep all the evidence kasama na roon yung voice record na sinend mo sakin. Mukhang hindi lang ang anak nya ang makakasuhan, gusto niya rin ata." Sabi ko kay Dave at tumingin sa may bintana.

"So, you're planning on suing Mr. Herrera as well?" He asked.

"Yup. That's for all the attempt to sabotage and hurt me. Kung anong puno siya rin talaga ang bunga." Sabi ko. Hindi ko na naman mapigilan ang makaramdam ng matinding galit dahil sa mga kahayupan na pinaggagagawa nila.

"Okay, don't worry all of the evidence is safe, kaya ikaw mag-ingat ka rin." Sabi niya sakin. I nodded to him.

"O siya, bumisita lang talaga ako to check on you at sa mga inutusan kong magbantay sayo. Message me if you have some changes with the plan or anything." Sabi ni Dave at tumayo na para umalis.

I also got up on my seat and hug Dave.

"Thank you, Dave, not only for being my partner in every case I have but also for being my best friend." I sincerely told him. He hugged me back and chuckled because of the sudden change in the atmosphere.

"Ano ka ba Mia, always remember that I got your back. But please, go on date na! Kung wala lang akong girlfriend sigurado akong hindi matitigil ang kaka-issue sa ating dalawa." Sabi niya ng kumalas siya sa pagkakayakap sakin.

"Huh? Date? I can't find someone to date!" I told him.

"Sure ka? Wala? Wala kang nagugustuhan?" He teased. Napatigil naman ako sa pag sagot sa kaniya when a familiar face suddenly enters my mind.

"O bakit natahimik ka? Meron na 'no? Ikwento mo sakin yan pag sure ka na." Sabi niya saka tinapik ang ulo ko.

"Alam mo pakshet ka talaga! Wala nga. Umalis ka na nga." I said to him being annoyed. He laughed and shook his head.

"Okay, okay. Wala na kung wala. Alright, I'll take my leave then. Be careful ha. Message me if something happened." He reminded me. I nodded to him and slightly pushed him away to signal him to leave me alone already.

Nang maka-alis na si Dave ay babalik na sana ako sa working table ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

I get my phone to read the message I received. It was from Ken. Did something happen to him? I immediately opened his message afraid that something bad might happened to him.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now