SSNHB - 02

82 8 3
                                    

A/n: I forgot to put the name of characters, omg singit ko na lang dito hehe sorry.

Ken as Ken Vargas
Stell as Liam Ramos
Sejun as Paulo Serrano
Justin as Dustin Dela Cruz
Josh as Jake Ruiz

Ayaaaan haha so that you'll have reference kung sino sa kanila yung tinutukoy ko dito sa story hehe. Enjoy reading 💕

~

Isang aksidente ang naganap sa boundary ng Bacoor at Imus Cavite kaninang alas siyete nang gabi.

I stopped scrolling on my phone when I heard about the news. Nilapag ko rin ang plato ko sa lamesa at tinuon ang atensyon ko sa balita. Even Ate Marie stopped eating and put her attention on the news.

"OMG. Ito yung nangyari kanina kaya sobrang late na ako nakarating. Grabe yung traffic kanina dahil dito." Sabi ko kay Ate Marie.

Nag salpukan ang isang kotse at motor sa gitna nang kalsada. Ayon sa mga pulis, lasing ang driver nang sasakyan kaya lumihis ang pagmamaneho nito sa kabilang linya na siyang dahilan nang pagsalpok nito sa isang motor na mabilis din ang patakbo.

"Buti na lang pala hindi tayo nag bar ngayon. Jusko naman." Sabi ni Ate Marie. Actually plano talaga naming mag bar ngayon, pero dahil alam naming na parehas kaming malalasing ng todo at wala ngayon si Ate Marj at ang asawa nitong si Kuya Ivan ay hindi na kami tumuloy dahil walang magmamaneho at maghahatid sa amin pauwi.

Agad na rumesponde ang mga kapulisan at ang ambulansya para agapan ang biktima na sakay ng motor na kinilalang si Ken Vargas. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian na ito nang buhay at hindi na umabot pa sa hospital. Habang ang suspek naman at driver nang sasakyan ay dinala na sa Bacoor City Police Station para imbestigahan at kasuhan.

"Oh my god. He is dead?" hindi makapaniwalang tanong ko. I don't know but all of a sudden, I feel sad and worry. I just see him earlier, he's still conscious.

"Bakit kilala mo yang Ken?" Ate Marie asked. I shake my head, still couldn't process the news I've heard.

"No. I just saw him earlier, he's still conscious. He's still fighting to live. Pero ngayon, he's dead." I explained to Ate. Ate look at me while eating again, giving me her attention and urging me to tell more.

"Actually, before siya ipasok sa loob nang ambulansiya, he stared at me. I swear he stared at me, and I don't know why but I've got this weird feeling since earlier." I continued explaining to Ate.

"Woah, so you're saying that those stares he gave you have something – like deep connection or meaning?" she asked, getting curious by now.

I sighed. "I don't know. But whatever it is, I'll figure it out soon." I tell her and continued to eat. This is my attorney speaking and acting.

"Figure out? E patay na nga yung tao. Girl just ignored it. Tsaka OMG, bilisan mo kumain nang makapag simula na tayo nang inuman." Sabi naman ni Ate bago siya tumayo at nilagay sa kusina yung plato niya.

Inubos ko na rin yung pagkain ko at sumunod sa kaniya sa kusina. Pag balik namin sa sala ay binuksan na niya ang Netflix sa may TV niya at naghanap ng papanoorin namin habang inuubos tong limang alak na nasa harap namin.





~




"Pre, una na ako. May gig pa ako mamayang 10 pm e." paalam ko sa mga kaibigan ko. Nandito ako sa bahay nang kaibigan kong si Paulo sa Cavite. Birthday kasi nang kapatid niya ngayon na si Faith kaya inimbitahan din kami ng mama niya.

"Weh, gig nga ba o babae mo lang pupuntahan mo?" Pang-aasar ni Dustin sa akin.

"Gago. Babae. Wala ngang babae. Sira na ba ulo mo Dust?" balik tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya dahil alam nilang wala talaga akong girlfriend.

"Ang aga pa Ken, stay ka muna maya-maya ka na umalis." Pag pigil ni Jake sa akin na umalis. Tinignan ko yung oras, 4 pm pa lang naman.

"Oo nga, ano naki-kain ka lang talaga? Eat and run ka Ken? Porket libre yung pagkain tsaka cake." Nagtawanan naman silang lahat na nandoon dahil sa sinabi ni Liam.

"Siraulo talaga kayo. Oo na mamaya na ako aalis. Mga 6. Kailangan ko talaga umuwi nang maaga." Sabi ko sa kanila.

Nag stay pa ako sa bahay nila Paulo nang dalawang oras. Nang sumapit na ang alas sais ay nag paalam na ako na aalis na ako. Hindi naman na nila ako pinigilan dahil alam nilang sobrang importante nang mga gig at raket ko. At saka sa Manila pa ako nakatira, maiipit ako sa traffic kung mamaya pa ako aalis.

Kinuha ko na yung susi ng motor ko sa bulsa ko saka sinuot ang helmet at binuhay ang makina nito. Paalis na ako nang sumilip mula sa bintana nila si Paulo.

"Hoy Ken ingat sa pagda-drive. Focus sa kalsada. Mag chat ka pag nakauwi ka na ha." Paalala niyang muli. Nag okay sign lang ako sa kaniya saka pinaandar na ang motor ko.

Mabilis ang patakbo ko nang motor ko dahil maluwag naman ang kalsada at walang traffic. Malapit na ako sa boundary ng Imus at Bacoor nang may makita akong sasakyan na papunta sa linya namin. Noong una akala ko ay mag-u- U-Turn lang ito kaya medyo binagalan ko ang takbo ko.

Muling bumilis ang takbo ko dahil bumalik na ulit siya sa linya nila. Huli na nang makita kong lumiko na naman siya papunta sa linya ko at dire-diretsong umaandar pasalabong sakin. Sinubukan kong iiwas ang motor ko pero huli na.

Ang tanging naririnig ko na lamang sa mga oras na iyon ay ang nakakabinging ingay nang sasakyan niya at ang preno ng motor ko na tumalsik papalayo sakin. Tanging liwanag lang din ang nakita ko nang maramdaman kong bumagsak ako mapunta sa ilalim nang sasakyang bumangga sa akin.

Hindi ako makahinga. Hindi ko maigalaw kahit man lang ang mga daliri ko.

"T-tulong..." mahinang sabi ko habang unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung may nakakarinig ba sa akin. Habang tumatagal na nasa ilalim ako nang sasakyang ito ay pahirap din nang pahirap ang pag hinga ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas nang maramdaman ko na may nabuhat sa akin. Pinilit kong imulat ang mga mata ko upang tignan ang nangyayari sa paligid ko. Madilim na ang kalangitan at ramdam ko ang dalawang taong may buhat buhat sa akin.

"Sir wag mo ho ipipikit ang mata mo." Narinig kong sabi nang isang medic na nag-aasikaso sa akin.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko, pinilit ko ring ibaling ang leeg ko sa kabilang direksyon. Ramdam ko ang panghihina nang katawan ko. Ipinikit ko saglit ang mata ko at humingang malalim, pilit na iniinda ang sakit.

"Sir, huwag ho kayong pumikit please." Paki-usap muli nang nurse. Muli kong iminulat ang mata ko, at sa aking pag mulat ay tila tumigil ang mundo ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Kita ko ang ganda niya pati na rin ang pag-aalala sa mga mata niya kahit na nakasara ang bintana nang sasakyan niya. Napatingin ako sa kalangitan nang maramdaman ko na unti-unti na akong binubuhat nang dalawang nurse matapos nila ako ilagay sa stretcher. Nang muli kong ibaling ang tingin ko sa gawi ng babae, nakita ko na nagdadasal siya nang taimtim.

Hanggang sa unti-unti na nila akong ipasok sa loob nang ambulansya ay hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng nasa loob ng sasakyang iyon. Muling nagtama ang paningin naming dalawa at naramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko dahil sa tingin na iyon.

Nang mawala na siya sa paningin ko at tuluyan na akong maipasok sa loob nang ambulansya ay doon lang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko na muli ang sakit nang buong katawan ko at unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko.





Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now