SSNHB - 06

71 4 0
                                    

Minulat ko ang mata ko nang makarinig ako nang ingay. Nakita ko silang lahat na nagkukumpol-kumpulan na naman ulit. May namatay na naman ba ulit? Tumayo ako sa pwesto ko at nilapitan sila para tignan kung ano ba ang tinitignan nila doon.

Nang mapansin nila ako ay agad naman silang nag bigay ng daan para makita ko din kung ano ba yung tinitignan nila. Dahan-dahan akong lumapit doon at unti-unti kong nakita ang mga pamilyar na likod. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino at ano ba ang tinitignan nila. Nakita ko ang mga magulang ko, kapatid at mga kaibigan ko, sa harap ng puntod ko. Lahat sila ay naka-itim at umiiyak.

Ilang araw na ba ang nakalipas simula ng malaman kong patay na ako? Halos isang linggo na rin, at sa loob ng isang linggo na 'yon ay walang araw na hindi ko nakitang umiyak si mama at ang mga kapatid ko. Pati sila Liam, Jake, Dustin at Paulo na palihim na umiiyak ay nakikita ko din. Ang sakit sa puso. Hindi ko matanggap na ayon na pala yung huling araw ko.

"Let us hear the last messages of the family and friends of our beloved Ken Vargas." Narinig kong sabi ng pari.

Nakita kong pumunta sa harapan si mama. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na huwag na siyang umiyak dahil nandito lang naman ako sa tabi niya.

"Si Ken yung panganay ko. Siya yung unang-unang nag bigay ng saya sakin bilang ina. Sobrang bait niyang anak, kapatid at kaibigan. Hindi yan pala salita sa harap ng ibang tao pero sa amin sobrang daldal at kulit niyan. Hindi ko lang matanggap na kukunin na pala siya agad sa akin. Ni hindi ko man lang napaghandaan 'tong araw na 'to, at hinding hindi ako magiging handa sa araw na 'to pero ito na, nandito na sa harap ko..." Naramdaman kong niyakap ako ni Aling Edna. Ang sakit sakit makita na nasasaktan silang lahat dahil sakin. Gustong gusto kong yakapin si mama at sabihin na hindi ko siya iiwan.

"... ni hindi ko man lang siya nakita, nakausap at nayakap. Ang sakit sakit. Ken, anak kung nasaan ka man ngayon please lagi mo pa ring gabayan mga kapatid mo. Mahal na mahal kita anak. Miss na miss na kita." Huling sabi ni mama bago siya umalis sa harap. Agad naman siyang dinaluhan ni papa at ng mga kapatid ko.

"Alam mo Ken, kung nasaan ka man ngayon, gustong gusto kitang kaltukan." Panimula ni Paulo nung siya na ang mag-sasalita.

"Sabi ko diba mag-iingat ka. Sabi ko diba wag ka magpatakbo ng mabilis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na lang kita pinayagang umalis agad. Edi sana pinigilan ka pa ulit namin. Ang daya mo dre. Sabi mo sa gig ang punta mo, ang akala namin sa may manila lang, hindi..." Hindi na matuloy ni Paulo ang gusto niyang sabihin. Nasa tabi niya din sila Liam, Dustin at Jake na pare-parehas ng mugto ang mga mata.

"... tangina Ken bumalik ka na. Hindi ko ma-imagine yung bawat araw na hindi ka na namin makikita. Na hindi ka na namin makakasama sa kantahan, sayawan at kainan. Bakit ikaw pa kasi dre." Binitawan na ni Paulo yung mic at bumalik na sa pwesto niya. Tumanggi na rin sila Liam na mag salita dahil puro iyak na lang nila ang maririnig.

Tangina. Ang sakit. Hindi ko alam na mas masakit pala makita na lumuluha sila pero wala kang magawa. Nakita ko ang buong proseso at ang pamamaalam nila sakin. Hindi ko na kaya. Akala ko pag namatay ka na wala ka ng mararamdamang sakit, pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit pa rin na makita silang ganito.

Tatlong oras na din ang lumipas simula ng umuwi silang lahat at hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa puntod ko. Hindi ko magawang pumasok sa loob nito. Mas gusto ko pang matulog ulit dito sa labas. Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang makita kong may papalapit sakin.

"Ken." Tawag ni Denise sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Sa lumipas na isang linggo ay napapalapit na ang loob ko sa kanilang lahat dito.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon