Chapter 19: Beware‼️

99 5 2
                                    

Third Person.

" ANAE! " malayo pa lang ay kita na ni Nathan ang napaka-lapad na ngiti ng binatang si Steal na tumatakbo palapit sakanya

" fvck hindi ba talaga ako titigilan ng gago na to? " inis na sabi ni Nathan sa sarili saka dumiretso na ng lakad. Nagpanggap pa syang hindi nakita ang binata pero hindi rin sya nakatakas, naramdaman nya na lang na nakaakbay na ito sakanya

" get your hands off " as usual ay cold na sabi ni Nathan.

" Why? Akbay lang ---- ouch " natigilan si Steal sa paglalakad at napahawak sa tagiliran nya nang sikuhin ito ni Nathan.

' damn it, mukhang napalakas yung pag-siko ko. you're so fvckin' idiot Nath.. you need to calm down okay? don't lose yourself bacause of that walking AIDs ' paalala ni Nathan sa sarili habang naglalakad ng mabilis para di na sya maabutan ni Steal

' ochitsuke! '

'ochitsuke! '

' ochitsuke '

' ochits------'

" WHAT THE HELL I TOLD YOU TO LEAVE ME ALONE YOU FVCKER! " yan ang mga salitang gustong isigaw ni Nathan sa mukha ni Steal na hanggang sa makapasok sila ng classroom ay hindi pa rin sya tinitigilan.

" pwede bang lumayo ka saken " timping sabi ni Nathan kay Steal na nakaupo sa tabi nya.

" Ayoko " sabi ni Steal na nakahalumbaba pang nakatingin kay Nathan.

" Alam mo ba kung gaano nakakailang yang ginagawa mong pagtitig? " kalmadong tanong ni Nathan sa binata na mula first subject ay nakahalumbaba lang na nakatingin sakanya. Naiinis na sya dahil hindi sya makapag-focus sa kung ano mang tinuturo ng teachers nila. tatlong subj na rin ang nakakaraan, kung susumahin, tatlong oras na itong walang ibang ginawa kundi ang titigan sya.

" Hindi ko alam. sanay na kasi akong na saken ang atensyon ng lahat, hindi ako naiilang " simpleng sagot ng binata na umiling pa para ipakita na hindi talaga sya apektado sa atensyong nakukuha nya.

Iritableng binalingan na lang ni Nathan ang pisara kung saan nagtuturo ang Math teacher nila.

' tch. pinahaba pa, di na lang sinabi na makapal lang talaga mukha nya ' inis na sabi ni Nathan sa isipan.

Natapos na ang oras ng homeroom. Nang tumunog ang bell ay kanya-kanya ng nagsikilos ang mga estudyante para ayusin ang mga gamit nila dahil breaktime na

' sa wakas makakawala na rin ako sa gagong to ' kampanteng sabi ni Nathan sa sarili habang nililigpit ang mga gamit nya

Sa cafeteria..

" At sino may sabing umupo kayo dito? " tiim-bagang na tanong ni Nathan nang pagbalik nya mula sa counter ng cafeteria ay may mga peste ng nakaupo kasama ang mga kaibigan nya.

" Huh? Sorry Nath.. ang sabi kasi ni Steal pumayag kang sumabay sila sa pagkain saten " paliwanag ni Dianne.

Nakaarko ang kaliwang kilay na bumaling si Nathan sa binatang nakaupo sa upuan katabi ng upuan kung nasaan ang bag nya

" Wala akong sinab----"

" May problema ba Nathan? " napalingon si Nathan sa likod nya. Nang makita nya ang taong nagsalita ay tila bato syang naestatwa sa kinatatayuan nya. It was Mario Standing beside him..

' What is he----' all her thoughts fade out when she saw Anna standing behind the tall figure of Mario.

Napalingon si Nathan sa taong bigla na lang kumuha ng tray na hawak nya. Hindi kagaya kanina ay hindi nya nagawang pagbantaan ito nang akbayan sya ng binata

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon