CHAPTER 9: Area Trese

135 7 1
                                    

" OWWWW! THAT WAS A CLEAN HIT! THE REFEREE SAID IT WAS 3 POINTS FOR DARK! " sigaw ng announcer na nakaupo sa itaas ng venue kung saan kita sa pwesto nito ang nangyayare sa ring na nasa ibaba.

Malakas ang sigawan ng mga tao sa bawat atakeng ginagawa ni Nathan o mas kilala sa lugar bilang si Dark Phoenix - ang Leader ng isa sa pinaka kinatatakutang gang sa buong distrito at kalapit nito - Ang Dark Kingdom Society.

Nakatayo lang si Nathan sa gitna ng ring, tulad kanina ay hinihintay nya lang na lumapit sakanya ang kalaban nya ngayon. Nasa isang Deal fight sya, wala sana syang balak na sumali sa ganito pero dahil kailangan nyang kumita ng pera para sa sarili nya ay wala na syang nagawa dahil ito lang din naman ang alam nya kung saan sya kikita ng malaking pera.

Halos dalawang na rin mula nung palayasin sya sa bahay nila. Maging ang condo unit na binili sakanya ng Mommy nya ay binawi ng mga ito kaya naman kasalukuyan muna syang tumutuloy sa Hide-Out nila hangga't wala pa syang malilipatan.

Nakatingin lang si Nathan sa lalaking mabilis na tumakbo palapit sakanya. Inobserbahan ni Nathan ang postura ng lalaki

' tch. he's too obvious na aatake sya gamit ang kanang kamay nya '

At hindi nga nagkamali si Nathan dahil nang makalapit ito sakanya ay agad itong umatake, sumuntok ang lalaki gamit ang kanang kamay nito at dahil nabasa na ni Nathan ang gagawin nito ay bale walang nailagan nya ang atake na yun.

yumuko si Nathan, dahil sa pag-atake ng lalaki ay mahihirapan itong depensahan ang sarili kaya kinuha nya ang pagkakataon na pasukin ang personal space nito. agad na lumusot si Nathan para pasukin ang depensa ng binata saka malakas na pinakawalan ang kanang kamao nya na tumama sa baba ng lalaki dahilan para lumipad ito at walang malay na bumagsak sa sahig ng ring.

" WHAT THE HELL! ISANG UPPER CUT ANG PINAKAWALAN NI DARK AT NGAYON AY BUMAGSAK SI GIN SA SAHIG... " Malakas ang naging sigawan ng mga manunuod na tila ba alam na nilang tapos na ang laban

Bumilang ang referee na lumapit sa nakahandusay na lalaki, nang mapansin na hindi ito gumagalaw ay naupo ito saka inobserbahan ang binata. Sumenyas ang referee sa announcer

" AT KNOCK OUT ANG HATOL NI REF!!!!! " lalong dumagundong ang buong lugar dahil sa anunsyong yun " AT ANG NANALO SA LABANG ITO AY WALANG IBA KUNDI SI........"

" DARK PHOENIX!!!! " sabay-sabay na sabi ng mga tao kasabay ng pag-cheer ng mga ito.

Naglakad na palabas ng ring si Nathan na agad na sinalubong ng mga kasamahan nya na sobrang laki ng ngiti sa mga labi dahil sa pagkapanalo nila sa laban.

" ang galing mo talaga master " komento ni Eggie nang maalalayan nilang bumaba sa ring si Nathan.

" Grabe nakita nyo ba yung upper cut na ginawa ni Master? sobrang angas " ani Aldrin

" Ni hindi ka man lang pinagpawisan dun, princess a " sabi pa ni Michael

" tch. e puro yabang lang naman yung si Gin " sabat naman ni Bryan.

" yung bag ko? " natigilan ang magkakaibigan nang magsalita si Nathan. Hindi pala narinig ng dalaga ang mga pinagsasabi nila kanina.

" Eto Princess " inabot ni Michael ang bag ni Nathan.

" I'm going now, Kunin nyo na lang yung cheque " yun lang ay tumalikod na si Nathan sa mga ito

" teka? Master saan ka pupunta? " tanung ni Alyssa

" I'm off now " yun lang ang sinabi ni Nathan saka tuluyan ng naglakad palayo, iniwan ang mga kasamahan nyang walang ideya sa kung saan sya pupunta.

Casanova Prince Met Gangster Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें