CHAPTER 12: Intention

90 4 1
                                    

Unedited

Third Person.

" The press will be there, are you sure---"

" He asked me to be there.. but I don't think he will introduce me as his daughter anyways " Putol ni Nathan sa sinasabi ni Angela.

Kasalukuyan silang nasa unit ni Nathan. It's been a three days mula nang magkausap si Nathan at Norman at tatlong araw na lang ay magaganap na ang Engagement ni Mario at Anna na dadaluhan ng media.

" Hayss.. alam mo hindi ko talaga alam kung bakit ginagawa to ng daddy mo e. Alam naman nating lahat na kayo dalawa ni Mario---"

" Mario sees me as his lil sister.. " walang ganang sabi ni Nathan pero kahit na ganun, alam ni Angela na malungkot at nasasaktan ang dalaga sa sinabi nito.

mula sa inuupuang sofa ay lumapit si Angela sa pwesto ni Nathan at niyakap ito. Hindi alam ni Angela ang tamang salita na sasabihin kay Nathan kaya niyakap nya na lang ito para iparamdam sa dalaga na kahit na anong mangyare ay palagi syang nasa tabi nito.

" Nath.. kung wag ka na lang kayang pumunta? I mean, oo sinabi nga ng chairman na pumunta ka pero kung ayaw mo talaga..."

" I want to see him one last time.. that's the reason why I'm going.. " paliwanag ni Nathan.

tumango na lang si Angela saka muling yumakap kag Nathan na wala ng kahit na anong sinabi. Nanatili lang itong nakatingin sa flat screen tv na nasa harapan nila kung saan naka-play ang palabas na hindi naman na nila nasubaybayan.

--

" I swear hindi ko talaga nagalaw yung Olivia na yun " depensa ni Renz sa mga kaibigan na kanina pa inaasar ang binata.

" I saw you guys walking straight to janitor's room tapos sasabihin mo na walang nangyare? fvck you and your dick Renz.. ikaw pa ba? " sabi ni Edward

" Tangina! sinabi ngang wala talagang nangyare samin.. she insisted and seduced me pero wala hindi talaga tumayo si junjun kaya walang nangyare! " paliwanag ni Renz

" Huh? imposible yun, ang hot kaya ni Olivia, From what I heard she's a freelance model kaya imposibleng hindi ka nalibugan sakanya nung----"

" You should trust what he said " sabay-sabay na napalingon ang tatlo nang may pamilyar na boses na sumali sa usapan nila.

" BROD!!! TANGINA LONG TIME NO SEE " yumakap si Renz kay Steal, sumunod naman na yumakap ang dalawa pa.

" Isang buwan lang akong nawala " natatawang sabi ni Steal sa mga kaibigan na kung umakto ay parang isang dekada na silang hindi nagkikita-kita

" Isang buwan? tsk. Sinabi ni Archie na nakauwi ka na. nung nakaraang linggo pa, bakit hindi ka pumasok? " sita ni Jeremy

" Aish. that woman.. hindi talaga mapigilang dumaldal e " naiiling na sabi ni Steal.

" What? so ibig sabihin nakauwi ka na pala last week pa? bat hindi mo man lang kami sinabihan? " tanung ni Edward

" oo nga, alam mo ba na pinagtutulungan ako ng dalawang yan? alam mo naman na ikaw lang ang kakampi ko e.. bakit ngayon ka lang pumasok? " sumbong ni Renz

" One month ang suspension ko because of that bullying issue.. Alam nyong kahit anak ako ng may-ari ng school, I still need to obey the Chairman " paliwanag ni Steal. Nagsitanguan naman ang mga kaibigan ni Steal

Sabay-sabay na silang naglakad papunta sa building nila. Pagkapasok ng building ay agad na sinalubong ang apat ng mga estudyanteng humahanga sakanila.

Dahil isang buwan nawala sa eskwelahan si Steal ay may mga estudyante pang nagbigay sakanya ng mga prutas at agahan tulad ng tinapay.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now