CHAPTER 10: FRIENDS AND FOE

118 6 1
                                    

A/N: unedited chapter sorry.

***

Sinalubong ng pamilyar na amoy, malakas na tugtugan at ibat-ibang kulay ng ilaw si Steal at Renz nang sa wakas ay narating na nila ang Bar na hinahanap nila.

Inoobserbahan lang ni Steal ang paligid. Wala namang pinag-iba ang bar na ito sa bar na palagi nilang tinatambayan. Mga taong nagsasayawan, inuman, kantahan at sa mga gilid ay may mga naglalandian as usual. Ang tanging pinag-kaiba lang naman ay hindi mo makikilala kung sino ang makakasalamuha mo sa lugar na ito dahil maliban sa nakasuot ang lahat ng maskara ay kailangan mong sundin ang rule #1 na mahigpit na ipinagbabawal ang magsabi ka ng kahit na anong personal na impormasyon tungkol sayo.

" Brod, Is it okay with you na----"

" I'm fine.. dun lang muna ko sa bar counter, dun mo ko puntahan kapag tapos ka na " putol ni Steal sa sasabihin ng kaibigan na si Renz.

" Thanks brod " sabi ni Renz saka tinapik ang balikat ni Steal. Tumango lang si Steal habang sinusundan ng tingin ang kaibigan na unti-unti ng nawala sa gitna ng madaming tao.

Tulad ng sinabi ni Steal ay nagpunta nga sya sa bar counter. Naupo si Steal sa isa sa bakanteng stool na nanduon

" Here " nagtatakang nilingon ni Steal ang bartender na naglapag ng alak sa harap nya. Mukhang napansin nito ang tanong sa isipan ni Steal kaya muli itong nagsalita " I'm always right to point out who's new " nakangiting sabi nito

" I don't understand what you're saying " parangkang sabi ni Steal

" This is your first time here, right? " nakangiting tanung nito

" I don't know " sabi ni Steal

" eeengk.. wrong answer.. you're supposed to ask me kung paano ko nalaman " sabi nito

agad naman napaarko ang kilay ni Steal " tch. weirdo " bulong niya

" hahaha, there's a lot of weirdos in these place anyways and I'm pretty sure that this is your first time " the bartender chuckled as he mixed some liquor

" how can you tell? " tanung ni Steal

" dahil hindi mo tinanggal yung binigay ko sayo.. and I'm not familiar with your appearance " sabi ng bartender saka ibinigay sa kung sino ang alak na tinimpla nito

" Hindi naman kasi ako um-order " maikling sabi ni Steal

" exactly! you're hesitating right? you don't have any money and cellphone with you kaya hindi mo alam kung paano ka magbabayad, tama? "

" what---"

" just tell him what you want " napalingon si Steal sa biglang nagsalita. ngumiti ito sakanya saka naupo sa stool katabi nya " Ibang tao ang nagbayad para sayo no? sobrang obvious na bago ka lang dahil wala kang alam sa kalakaran dito " sabi nito saka bumaling sa bartender na nasa harap nila " usual " pagkasabi nun ay agad na naghalo ng alak ang bartender

" So halatang hindi ako gangster? " wala sa loob ay tanung ni Steal. napakunot ang noo ni Steal nang malakas na tumawa ang lalaking kausap nya " what's funny? " medyo inis na tanung ni Steal dahil wala syang idea kung bakit sya biglang tinawanan ng lalaki e hindi naman sya nagpapatawa

pilit nitong pinigilan ang pagtawa saka umayos ng upo " sorry, I can't help it.. so you're one of those ignorant locals? " kita nito na kumunot ang noo ni Steal kaya muli itong nagsalita " sorry, what I mean is.. talagang iniisip mo na lahat ng nandito ay gangsters? "

" you can't blame me.. this bar is located to this area anyways " sabi ni Steal saka sa wakas ay ininom na ang alak na binigay ng bartender sakanya kanina. Gumuhit ang init nito sa lalamunan nya

Casanova Prince Met Gangster PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora