Chapter 28: Not bad at all

88 4 4
                                    

Third Person.

" tsk " yan ang agad na lumabas sa bibig ni Nathan nang makita ang mga babaeng nakatayo sa kanto ng 1st street

Hindi nya na sana papansinin ang mga ito pero mukhang sya talaga ang hinihintay ng mga babaeng yun dahil nang makita sya ay agad na naglakad ang mga ito palapit sakanya.

" damn. wala bang klase ang mga to? " inis na tanong ni Nathan sa sarili habang walang ganang nakatingin sa mga babaeng papalapit.

--

" oh come on! sige na naman pumayag ka na " pangungulit ni Steal kay Nathan.

" ilang beses ka bang inire ng nanay mo? sinabi ng hindi ako pwede mamaya " paulit-ulit na sagot ni Nathan sa walang humpay na pangungulit sakanya ni Steal na pumunta sa amphitheater ng paaralan nila.

" ano ba kasing gagawin mo mamaya? mas importante ba yan kesa sa nampyeon mo? " napabuntong hininga na lang si Nathan nang muli na naman syang paandaran ng pagpapa-cute ng binata.

parang batang naka-pout si Steal habang tila koalang nakakapit sa kaliwang braso ni Nathan. Kanina pa ganun ang sitwasyon nila, pasalamat na lang talaga si Nathan at mukhang nasanay na ang mga kaklase nila na ganun ka-clingy si Steal sakanya kaya hindi na rin sila masyadong binibigyan ng pansin ng mga ito dahil kung hindi ay malamang mabigyan nya ng kobra de gulat ang pasaway na si Steal.

" kahit na mangulit ka ng mangulit, hindi magbabago ang isasagot ko" ani Nathan.

" Edi wag! " mabilis at padabog na bumitaw si Steal sa pagkakayakap sa braso ni Nathan saka parang batang nag-cross arm habang nakanguso na nakatingin sa pisara kung saan nakasulat ang pinakokopya ng kasalukuyang teacher nila.

Naiiling na nagpatuloy na lang sa pagsusulat si Nathan. Nasanay na lang sya sa ganung asal ni Steal na madalas umaakto na parang bata sa tuwing hindi nya ito napagbibigyan. Minsan nga ay naiisip ni Nathan na baka may MPD ( Multiple Personality Disorder ) ang binata dahil pabago-bago ang ugali nito. Minsan isip bata, minsan sobrang seryoso, masungit at madalas manyak.

Hanggang sa tumunog ang bell ay hindi nagpansinan ang dalawa. Nauna pang lumabas ng classroom ang si Steal kasama ang mga kaibigan nito na balak pa sanang antayin ang grupo ni Nathan dahil palagi naman na silang sabay-sabay na kumakain pero dahil tampururot si Steal ay wala ng nagawa ang mga kaibigan nito kundi sundan ang binata.

" Oh? anong nangyare dun? " salubong na tanong ni Angela nang makalabas si Nathan, Joy at Dianne ng classroom nila. Ang tinutukoy nito ay si Steal na nasalubong nya nung papunta si Angela sa room nila Nathan.

" Hay naku, umiral pagka-spoiledbrat ni Steal.. as usual ganun sya lagi kapag hindi sya napagbibigyan ni Nath " sagot ni Joy na nagkibit balikat na lang.

" kaya naman pala.. mukhang sa wakas tahimik ang lunch break naten " tuwang sabi ni Angela na pumalakpak pa saka pumulupot sa braso ni Nathan

" Sa wakas " pag-sang-ayon naman ni Nathan saka sabay-sabay na silang naglakad patungo sa cafeteria. Oo, sa wakas kahit na isang araw lang ay matatahimik ang lunch break nila dahil wala ang napaka-clingy na si Steal.

--

" Argel pwede bang pumirmi ka, kanina ka pa palakad-lakad nahihilo na ko " reklamo ni Renz na kanina pa hilong-hilo kakatingin kay Steal

" I can't help it.. I mean.. baka hindi talaga pumunta si Anae " paliwanag ni Steal saka muling naglakad pabalik sa pwesto nya kanina. Kanina pa palakad-lakad si Steal, literal na pabalik-balik syang naglalakad sa harap ng mga kaibigan nya habang kagat-kagat ang dulo ng hinlalaki nito- isang mannerism ni Steal sa tuwing nag-aalala sya, natatakot o kinakabahan.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now