Chapter 24: Dark Phoenix and Oukoku

96 3 2
                                    

Renz.

Sobrang daming taong nanunuod. hindi ko alam na para palang mini Stadium ang style Arena na sinasabi nila. nasa baba ang field at may malaking LED screen sa lahat ng anggulo na tulad ng sa mga stadium.

pinaka-tuktok ang pwesto namin pero nakikita pa rin naman namin ang mismong nangyayare sa field at isa pa may LED screen naman na sabay lang sa kung anong nangyayare sa baba.

" Pupunta ba talaga sya? I heard hindi sya umuwi kagabe a " ani Angela kay Eggie. They're one row apart nasa bandang baba namin si Eggie at pinapagitnaan ako ni Angela na naka-dequatrong nakaupo at nung lalaking kasama ni Michael kanina.

" Sa totoo lang hindi ko alam. pero ilang beses namin syang tinext e. siguradong pupunta yun " sagot ni Eggie

" Tsk. She was injured the last time I checked her. Sana lang talaga wag na syang---"

biglang nag-hiyawan ang mga tao na talagang ikinagulat ko yung iba nagtayuan pa. Teka anong nangyayare?

" Mukhang hindi ka malakas kay Lord, she came " saad ni Michael na nasa tabi ko.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila pero nang rumehistro sa malaking screen kung sino ang importanteng tao na dumating ay wala na kong nagawa kundi ang titigan ito.

She's wearing a black mask na sapat lang para takpan ang itaas na bahagi ng mukha nya. Nakasuot sya ng itim na sando at..

" are those bruises? " sabi ni Angela habang tulad ko at ng ibang tao ay titig din sa babaeng naka-flash sa malaling LED screen. Tama andami nitong pasa at galos.

" Eggie you need to canc----"

" You know we can't " tiim na sabi ni Michael

" FVCK! SHE'S NOT IN GOOD SHAPE TO CONTINUE THIS DEAL FIGHT! KAPAG MAY NANGYARE KAY NATHAN I WILL KILL ALL OF YOU! " that's it. lahat kami natigilan sa sinabi ni Angela. lalo na ako. So? Si Nathan ang babaeng yun?

Mabuti na lang at busy ang mga taong nasa paligid namin sa kaka-cheer kaya hindi nila narinig ang mga sinabi ni Angela, o hindi nga ba? pero walang ibang nag-react maliban samin kaya siguro naman wala di ba?

" Angela, you just blur----"

" He knew it " mahinang sabi ni Gelay nang bahagya syang kumalma at bumalik sa pagkakaupo

" what? anong---"

" He and his friends knew it.. " muling sabi ni Angela saka nakataray na binalingan ako " right? "

wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpapalit-palit ng tingin kay Angela at sa mga kasama nyang masamang nakatingin saken. okay? wala naman akong ginawang masama, bat ganyan sila makatingin?

" totoo ba? alam na ni Steal na gangster si Master? " it was Eggie. teka? Master? ah, kunsabagay sinabi ni Steal na gang leader si Nathan. yun siguro ang tawag nila sa leader.

" He just found out yest----"

" alam ba ng kaibigan mo ang pinapasok nya? at ikaw? alam mo ba ang kapalit kapag nagtagal ka pa dito? " for the first time nagsalita sa wakas yung lalaking kasama ni Michael kanina.

" Ano naman? nalaman ko naman na gangster kayo wala naman nangyare saken kaya anong iba nun kung malaman ni Argel na gangster si Nathan? pareho lang----"

" he has a point. stop it Bry " ani Kurt

" tsk. sabihin mo sa mayabang mong kaibigan na tigilan nya na ang Princess, kung nag-aalala ka talaga sakanya pipigilan mo sya. You know there's a saying ' curiosity kills the cat '. If you guys still wants to live then stop right here " banta nya.

Casanova Prince Met Gangster PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang