Chapter 37: Orphanage and sins

81 3 1
                                    

" Sorry natagala-----" natigilan si Kurt saka napabuntong hininga nang sundan kung ano ang tinitingnan ng kaibigan " Are you okay? " tanong ni Kurt sa kaibigan

Bumaling naman si Mario kay Kurt. Hindi nya namalayan na nasa tabi nya na pala ito " hmmm.. tapos ka na? " tanong nya

" Oo, pasensya na pinaghintay kita.. tara na? " aya nito

Tumango lang si Mario. Muli nya pang nilingon si Nathan na kasama si Steal bago sya tuluyang maglakad palayo sa wedding booth.

" It's okay brod.. Steal will take care of her " mabilis na napalingon si Mario kay Kurt.

" Alam mo ang plano ng lalaking yun kay Nath.. he's---"

" Well, let's say na sa ganun nga sila nag-umpisa.. pero sa mga nakikita ko mukhang hindi na lang tungkol sa paghihiganti ang ginagawa ni Steal.. at alam kong nakikita mo rin yun " putol ni Kurt sa sasabihin sana ni Mario

" Magaling lang syang umarte " depensa ni Mario

" Siguro.. pero hindi nagsisinungaling ang mga mata.. " ani Kurt

" I don't care kung totoo o hindi yung pinapakita nya kay Nath.. basta kapag sinaktan nya si Nathan, ako mismo ang tatapos sakanya "

" You know you can't d---"

" as if I care.. wala akong pakialam kung sino pa sya, sa oras na saktan nya si Nathan.. that will be the end of his life " tiim bagang na tinuran ni Mario.

--

Hinayaan lang ni Nathan na hilahin sya ni Steal sa kung saan man nito gustong pumunta. Kung ano-anong booth ang pinuntahan nila at sa totoo lang ay ramdam na ramdam na ni Nathan ang pagod. Kanina pa sya palibot-libot sa mga booth.

" Anae.. try naten yun " napakunot ang noo ni Nathan nang tingnan ang tinuturo ni Steal. Bago pa man sya makatanggi ay hinigit na sya ni Steal papunta sa booth na tinuro nito.

" Hi Prince Steal " nakangiting bati ng babaeng nagbabantay sa booth

" Hi! Gusto sana namin i-try.. " ani Steal

" Sure.. simple lang naman ang mechanics, bubunot ka lang dito " pinakita nito ang malaking papel kung saan may mga logo na nakalagay, yun yung magiging bunutan " and kung anong mabubunot nyo, sainyo na " nakangiting paliwanag nito

" That's it? " tanong ni Nathan

" Yup.. 5 pesos nga pala kada bunot " habol nito

" Okay, ita-try namin " ngiting-ngiti na sabi ni Steal

" pass ako " mabilis na napalingon si Steal nang marinig yun mula kay Nathan na awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay nang makita ang nakahabang nguso ni Steal.

" What? hindi pwede yun.. we should try this together " paliwanag ni Steal

" That's nonsense... ayoko ng mga ganyang laro o ano mang tawag mo dyan " walang kagana-ganang sabi ni Nathan

" Anae.. masaya to.. ayaw mo nun makikita naten kung gaano ka talaga kaswerte "

" Ayoko pa rin " mataray na sabi ni Nathan.

" Anae naman ii " parang bata na nagmaktol ito.

Napairap naman si Nathan nang makita na parang kinilig at natuwa pa yung babae na bantay nung ginawa yun ni Steal. Sa totoo lang ay hindi nya maintindihan kung anong maganda sa nakita nito, dahil sya? sobrang naiirita sya sa tuwing umaakto na parang bata si Steal, imagine kasi na ang tangkad nito, lalaking-lalaki at biglang magmamaktol na para bata?

Casanova Prince Met Gangster PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ