CHAPTER 48: Photograph

21 1 1
                                    

Steal.

" Bakit ba kasi sinama mo pa 'ko dito? " reklamo ni Anae.

Kasalukuyan kaming naglilibot ngayon sa mall. Nautusan kasi ako ni Archie at sakto naman na nasa unit ako ni Anae kaya sinama ko na sya. Instant date din kumbaga hehe.

Nakangiting inakbayan ko sya " ayaw mo ba kong makasama, Anae? "

kita kong napairap sya " Tsk. spell asa? " as usual ay cold na sabi nya

" A-S-A? " I spelled the word she said

Tiningnan nya naman ako ng masama, Ilang segundo rin yun kaya akma ko na sana syang tatanungin pero bigla na lang syang nagsalita " tsk. bilhin mo na lang kung anong bibilhin mo, dami mo pang sinasabi " umirap pa sya saka nauna ng maglakad

" E? pina-spell nya di ba? " tanong ko sa sarili ko saka tumakbo na para habulin sya.

Sumakay kami ng escalator at sa totoo lang, parang kada sakay namin ay nananalangin akong walang mamatay dahil yung tingin ni Anae sa mga taong naka-pwesto sa harap namin na nagdadaldalan e parang gusto nya ng ilaglag, pero mabuti na lang at walang nangyareng patayan dahil sa huli ay matiwasay kaming nakarating sa 3rd floor kung na saan ang boutique na madalas bilhan ni Archie ng mga gamit nya.

" Good evening Sir Steal, Good evening Miss " bati ng isa sa mga staff na nagbukas ng full glass door para samin.

Nakangiting binati ko rin ito pabalik at tuluyan na kaming pumasok ni Anae sa loob ng boutique. Pagkapasok pa lang ay sinalubong agad kami ng amoy rosas na syang agad bubungad sayo pagkapasok mo. I saw Anae scrunched her nose, hindi nya ata gusto ang mga matatamis na amoy. I held her hand to kaya napalingon sya saken " mabilis lang to " bulong ko sakanya.

" It's okay.. take your time " she whispered back.

" Maupo po muna kayo.. tatawagin ko lang po si Ms. Ever " sabi ng staff sa amin na ginuide kami kung nasaan ang pink na sofa.

Lahat ng makikita mo sa paligid ay kulay pink or any shade of pink and to complete the look of the whole boutique, mapapansin din na nature inspired ang mga displays nila. It's a boutique called ' Le Rosse ' pronounced as ' luh ross ', it's a fashion boutique na pagmamay-ari ng kapatid ko. Yes, Archie owned this boutique pero ang nagma-manage ay ang pinsan namin na si Aerith na anak ni Aunt Anastasia.

Inalalayan kong maupo si Anae sa sofa. Tiningnan ko ulit sya to make sure na ayos lang ba talaga sakanya na mag-antay

" I'll be fine don't worry " she assuredly said.

Tumango na lang ako and promised her na saglit lang ako bago ko sya tuluyang iniwan dun.

One of their staff guided me, siya ata yung Ms. Ever na sinasabi kanina. papunta sa pinaka-loob pa ng boutique kung saan duon ay sinalubong ako ni Aerith.

" You're with a girl.. sino yun? " maintrigang tanong nya nang iabot saken ang pinakukuha ni Archie.

" She's my wife " Simpleng sagot ko pero ang loka-loka tulad ng inaasahan ay tinawanan lang ako.

" Ikaw pipirme? Don't me Argel " natatawang sabi nya na naiiling pa.

" Hindi kita pinipilit maniwala, dyan ka na nga " sabi ko na lang saka tinalikuran sya pero mabilis nya kong hinawakan sa braso to stop me from leaving.

She's looking at me na para bang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin syang nakatitig lang saken bago muling magsalita " I want to meet her " matapos yun ay lumabas na sya sa kwarto kaya sinundan ko naman sya at nang maabutan ay hinawakan ko sa braso.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now