Chapter 25: Game

96 3 2
                                    


Bzzzzr bzzzzzt bzzzzzzt

Nagising si Nathan dahil sa walang tigil na pag-vibrate ng cellphone nyang nakaipit na pala sa pisngi nya. antok na kinuha nya yun saka pinukol sa kung saan

“ what --- hoy! Ano to? Bakit ang kalat ng kwarto mo? “ kinuha ni Nathan ang unang unan na nahawakan nya at tinakip yun sa buong ulo para pigilang marinig ang pagbubunga ng taong bigla na lang pumasok sa kwarto nya

Inis na napairap naman si Angela nang makita ang ginawa ni Nathan. Naglakad sya palapit sa kama ng dalaga saka malakas na hinila ang unan na nakataklob sa ulo nito pero agad din itong kumuha ng kumot saka nagtalukbong kaya sa inis ay hinila ulit yun ni Angela.

“ Nathan ano ba?! Bumangon ka na nga, wala ka bang balak na pumasok? Hindi pwedeng ganyan ka na habang buhay! Kailangan mong mag-aral para magkaroon ka ng magandang trabaho sa fut-----“

“ I don’t care “ antok na sabi ni Nathan saka dumapa at sinubsob ang mukha sa malambot na kama.

“ Alam mo bang ilang araw na kong kinukulit nila Dianne at Joy? Baka nakakalimutan mo na alam nila kung saan ka nakatira? Paano kung puntahan ka nila sa bahay mo? baka nakakalimutan mo rin na madami ng nakakaalam kung sino si Dark Phoenix? Matapos yung gulong ginawa mo nung nakaraan sa Eden during your beef, sa tingin mo mananahimik yung mga gangster na may galit sayo? Paano kung madamay yung dalawang yun, anong gagawin mo? “ parang nanay na sermon ni Angela kay Nathan na hindi umimik. Nanatili lang itong nakahiga at nakapikit.

“ sige ikaw ang bahala, hindi ko naman kargo yung dalawang yun e. kunsabagay, hindi mo nga naman sila pinilit na maging kaibigan ka, one-sided nga lang pala yung friendship nyo kaya bakit ka mag-aalala di ba? “ sarkastikong sabi ni Angela habang isa-isang nililigpit ang nagkalat na bote ng alak sa buong kwarto ni Nathan.

Ang tatlong araw na dapat ay pahinga ni Nathan dahil sa injury nya ay umiksi ng dalawang araw, nang gumaling ay agad itong nagpumilit na lumabas. Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos makalabas ni Nathan pero kahit na may pasok ay hindi na ito pumapasok sa eskwela. kaya naman bilang kaibigan ay pilit na kinakausap ni Angela si Nathan na pumasok pero sadyang matigas ang ulo nito

Ilang araw lang din matapos ang paglabas nito ay agad na sumabak sa laban si Nathan, she’s still restricted sa pakikipag-deal fight pero wala ring nagawa ang mga kasamahan nya nang sumali sya sa isang beef laban sa isa sa pinaka-sikat na rider sa trese at dahil sa kapilyuhang ginawa ni Nathan ay aksidenteng nahubad ang maskarang suot nya dahilan para makita ng mga nanunuod ng beef ang totoong itsura ni Dark Phoenix na syang agad ding nag-trending at kumalat sa website ng mga gangsters.

Wala namang dapat na ipangamba si Nathan kung sakaling malaman ng ibang tao ang itsura nya dahil sigurado naman na puro gangsters o fans ng mga gang ang nanunuod that time dahil exclusive lang yun para sa mga tao ng Area Trese, kaya sigurad0 syang hindi na yun kakalat sa labas. pero tama si Angela, paano kung madawit sila Dianne at Joy, madami pa namang galit kay Nathan. kaya posibleng mapag-initan ang dalawa lalo na't;t mabilis mag-search ang mga tao sa Trese at kung tungkol sakanya ang usapan siguradong alam na rin ng mga ito kung saan sya nag-aaral.

Pero wala talaga sya sa wisyo na bumalik sa pag-aaral, maliban sa tinatamad sya ay ayaw nyang makita ang pagmumukha ni Mario at Anna. Isa pa, hindi nya alam kung anong mararamdaman o gagawin nya kung sakaling mag-krus ang landas nila ni Mario sa academy.

Angela.

“ hindi pa rin gustong pumasok ni Princess? “ tanong Mikey saken.

Kasalukuyan kaming nasa bilyaran dito sa 11th street. Hindi naman to kalayuan sa MQA, sapat lang na hindi ito umabot sa 500 meters radius rule ng academy. isa pa madalas na tambayan ng mga estudyante ang 11th street dahil isa ito sa pinaka malayang street para sa mga estudyanteng gaya namin.

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon