Chapter 50: Reasons

14 1 1
                                    

Hinayaan lang ni Nathan na hatakin sya ni Mario hanggang sa huminto ito at bitawan sya.

Nasa bahagi na sila ng beach kung saan wala masyadong tao. Nanggaling na si Nathan sa lugar na ito, ngunit hindi si Mario ang kasama kundi si Steal.

" Anong dapat nating pag-usapan? " basag ni Nathan sa katahimikan.

Ilang segundo munang nanatiling nakatalikod sa dalaga si Mario. Inayos ang sarili bago pumihit paharap kay Nathan.

" Why did you do that? " tanong ni Mario.

" Do what? " pagmamaang-maangan na tanong ni Nathan.

" Alam mo kung anong tinatanong ko Nath... Bakit mo ginawa yun? " muling tanong ni Mario but this time, he's pleading.

" The kiss? Renz dared me to kiss Asero kaya---"

" Do you like him? Gusto mo na sya kaya hinalikan mo sya? " Mario doesn't want to hear her answer. Natatakot sya, natatakot sya na baka talagang gusto na ni Nathan si Steal.

" What do you think? Sa tingin mo hahalikan ko ba sya kung hindi ko sya gusto? " balik na tanong ni Nathan.

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Mario nang marinig yun mula kay Nathan.

" You can't like him " ani Mario habang naiiling

" At bakit hindi? It's impossible for me not to fall for him.. He likes me at palagi nyang pinatutunayan na gusto nya ko " saad ni Nathan

" Kahit kanino.. you can like anyone wag lang sya.. paano kung---"

" I don't care.. I can't just like anyone else Mario.. I like Aseal.. you married Anna before I knew it kaya bakit ako... hindi pwedeng gustuhin si Aseal? " tanong ni Nathan

" You.. did you just call him Aseal? Nathan.. Did you somewhat----"

Sabay na napalingon ang dalawa nang biglang may sumigaw sa di kalayuan. Mabilis silang tumakbo kung saan nila narinig ang malakas na pag-sabog at duon ay ang umiiyak na babae ang nakita nila

" Are you okay? What happened? " tanong ni Mario na inalalayang makatayo ang babae mula sa pagkakaupo.

Si Nathan naman ay dali-dalung kumuha ng bagay na pwede nyang paglagyan ng tubig at tumakbo papunta sa pangpang para sumalok ng tubig at binuhos sa nagliliyab na maliit na stall ng tindahan.

May mga taong nakakita sakanila na ang ilan ay tumulong na rin sa pagpuksa ng apoy habang wala pa ang tinawagan na staff. Masyadong abala si Nathan na hindi napansin ni Nathan na kasama na pala sa mga tumutulong ay si Steal at ang mga kasama nila.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga staff kasama ang ilang bumbero na tuluyang pumuksa sa apoy ng nasusunog na stall.

Napag-alaman nila na nag-umpisa ang sunog sa sumabog na gasul na pinaglulutuan ng babae. Mahigpit na pinagbabawal ang pag-gamit ng gasul sa mga tindahan sa resort dahil iniiwasan ang aksidenteng pagsabog nito kaya naman kahit na nasunugan ay pinatawag pa rin ang babaeng nagmamay-ari ng nasunog na tindahan para imbestigahan ang nanguareng insidente.

" Anae " hindi pa man nalilingon ni Nathan ang tumawag sakanya ay naramdaman nya nang may humigit sakanya at kasabay ng pagbalandra nya sa matigas na bagay ay ang paglingkis ng mga baro sa katawan nya. Kahit hindi nakita ni Nathan alam nyang si Steal ang yumakap sakanya dahil sa amoy ng binata.

" Are you okay? nasaktan ka ba? galos? paso? " sunod-sunod na tanong ng binata nang makahiwalay ito kay Nathan.

" Calm your ass down.. I'm fine " sagot ni Nathan para pakalmahin ang nag-aalalang si Steal

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now