Chapter 20: The Princess and The Knight

108 4 1
                                    

Third Person.

" oh? hindi mo dala yung princess mo? " tanong ni Angela na bigla na lang sumulpot sa tabi ni Nathan

" tch. bat sumasabay ka sakin? " as usual ay walang ganang sabi ni Nathan na hindi man lang tumitingin sa direksyon ni Angela

" masama bang sabayan ko ang bff ko? " nakangising ani Angela na pinulupot pa ang kamay sa kaliwang braso ni Nathan

" Gelay. gusto mo bang putulin ko yang----"

" Sinabi mo nung nakaraan you will now act as Nathan Jimenez not the nerdy girl.. anong problema na dumikit ako sayo? " mataray na sabi ni Angela na nakalingkis pa rin kay Nathan

" Ayos lang sana kung hindi ka kilala sa paaralan na to e.. alam mong---"

Nagulat si Nathan nang biglang bumitaw sakanya si Angela. Kunot noong tiningnan nya ang kaibigan na huminto sa paglalakad, nakatayo lang ito habang nakahaba ang nguso na halos humalik na sa lupa, nakakrus pa ang dalawang braso nito sa dibdib habang masamang nakatingin sakanya.

" are you aware na ang panget mo sa itsura mong yan? " asar ni Nathan kay Angela on her usual cold tone. hindi natinag ang dalaga sa panlalait na ginawa nya.

" Ano naman kung kilala ako, ginusto ko ba yun? tsaka ako yung kaibigan mo kaya bakit binabawalan mo kong lumapit sayo? Si Steal okay, tapos ako hindi? " parang batang reklamo nito

Nagpapasalamat si Nathan na maaga siya pumapasok kaya wala pa gaanong mga estudyante na pwedeng makakita ng ginagawa ni Angela.

" Gelay.. alam mong---"

" Wala akong paki.. hindi mo ko underdog okay? didikit ako sayo hangga't gusto ko at wala kang magagawa dun " singhal nito.

Napabuntong hininga na lang si Nathan " may magagawa pa ba ko? Wag ka lang kumuha ng atens-----"

" Oh my gosh.. si Angela yun di ba? "

" oo nga, bakit kasama nya si Nerdy girl? "

" Magkaibigan ba sila? "

" Never imagine na magkakilala pala sila "

Napairap si Nathan. Bakit nya pa nga ba sinabihan si Angela na wag umagaw ng atensyon e kahit naman na wala itong gawin ay siguradong maaagaw nito ang atensyon ng kahit na sino.

" Don't mind them.. okay honey? " pa-sweet na sabi ni Angela kay Nathan na ngayon ay nakalingkis na ulit sa mga braso nya.

" Tch " yun lang ang sinabi ni Nathan saka tuluyan na silang naglakad papasok sa McQueen Academy.

Tulad ng inaasahan ay naging usap-usapan ng mga estudyante ang biglaang pagiging close ni Angela at Nathan, yung literal na closeness dahil hindi na maalis sa tabi ni Nathan si Angela. Hinatid sya nito sa klase at hinantay lumabas nung tumunog ang bell hanggang sa cafeteria ay nakabuntot ito sakanya. Hindi nya alam kung ano bang trip ng kaibigan nya, sweet si Angela oo pero hindi aabot sa punto na hanggang sa banyo ay bubuntot ito.

" Spill it " napalingon ang tatlo- Nathan, Joy at Dianne nang biglang magsalita si Angela. Mukhang hindi na-gets ng mga ito ang ibig nyang sabihin kaya naman muli syang nagsalita " Alam kong kanina nyo pa gustong mag-tanong.. you guys can ask me " nagde-quatro si Angela saka sumandal sa upuan na kinauupuan nya. that's her usual posture lalo na kapag naupo. mukha itong supistikadang bratinela, she's intimidating as fvck jaya sobrang nagtataka si Nathan sa kung paanong madami pa ring umiidolo sa kaibigan nya.

Casanova Prince Met Gangster PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora