CHAPTER 5: KISS AND WAR?

225 9 1
                                    

Third person.

" I told i don't want to go home " ilang ulit ng sinasabi ni steal ang mga salitang yan sa taong nasa kabilang linya.

" Argel, minsan ka na lang umuwi dito sa bahay.. please kahit ngayon lang umuwi ka dito.."

mariin na napapikit si steal, iniisip kung ano pa bang palusot ang sasabihin nya kay Archie " I---"

" please... for me~~ " pakiusap nito.

napabuntong hininga na lang si Steal saka napailing. Ito ang isa sa ayaw nya, kapag seryosong nakikiusap na sakanya ang ate nya ay hindi nya na magawang matanggihan.

" fine.. i'll be there in 15 " suko na sabi ni Steal

" okay.. we'll wait for you hmmm? "

" hmmm.. " wala sa loob ay tumango si Steal. sandali pang nagpaalamanan ang magkapatid hanggang sa tuluyan na nilang pinutol ang tawag.

Muling bumalik si Steal sa loob ng bar kung saan sila nalagi ng mga kaibigan nya. Sabado ngayon kaya nagpasya silang magkakaibigan na uminom.

Nang makarating si Steal sa lamesa kung saan sila nakapwesto ay agad na napansin ng mga kaibigan ni Steal ang pagbabago sa mukha nya kaya nang maupo ang binata sa upuan nya ay agad syang pinukol ng tanung ng mga ito.

" oh? anong mukha yan? akala ko ba magsasaya tayo ngayon? " agad na tanung ni renz

" oo nga bakit? may nangyare ba? " tanung din ni edward

seryosong tumingin si steal sa mga kaibigan " Archie called me, she wants me to go home " malamyang sabi ni Steal

" And hindi mo sya matanggihan " ani jeremy na ikinatango ni Steal.

" yeah. wala na kong nagawa when she pulled out her sister card " paliwanag ni Steal.

" yun lang, so kailan ka uuwi? " tanung ni edward

" ngayon na " maikling sagot ni Steal saka tumayo na sa kinauupuan nya

" what?! e hindi pa nga dumarating sila Andrea, she's expecting you here " ani renz

" gusto ko rin naman magtagal but Archie insisted na umuwi na ko and i told her that i will be home in 15 " paliwanag ni Steal

" aish, o sigesige na, ako ng bahala magpaliwanag sakanila pagkadating nila " sukong sabi ni renz

" thank you brod. sige mauna na ako " matapos magpaalam ay agad na dumiretso si Steal kung saan nakaparada ang kotse nya. nang makasakay rito ay agad nya yung pinaharurot palayo.

halos labing-limang minuto ang tinagal ng biyahe bago tuluyang marating ni Steal ang bahay nila. kaagad na binuksan ng security ang malaking gate nang makita ang kotse nya kaya dire-diretso syang nakapasok sa loob.

" Magandang gabi young master " yan ang agad na bati ng isa sa mga kasam-bahay nang makita si Steal na bumaba mula sa itim nitong kotse.

" good evening " ganting bati nya sa kasam-bahay " nasan si Archie? " tanung nya rito

" nasa study room nya po young master " sagot nito

" okay.. thank you " nakangiting sabi ni Steal saka tuluyan ng iniwan ang dalagang kasam-bahay. Umakyat sya sa pangalawang palapag ng bahay at tinungo ang study room ng kapatid na nasa kabilang dulo kasalungat ng study room nya.

huminto sya sa kulay puting pinto kung saan magarang nakasulat roon ang pangalan ng kapatid. akma nya na sanang pipihitin ang door knob nang bigla itong bumukas at bumungad sakanya ang pamilyar na mukha.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now