Chapter 47: Deal

43 1 1
                                    

A/N: Unedited chapter

****

Third Person.

" Here " inabot ni Joy ang libro nyang ipinangakong ipahihiram kay Dianne

" Whoa! Thank you Cassie!!! " tuwang sabi ni Dianne na niyakap pa ang braso ni Joy na wala na lang naging reaksyon. Masyado ng sanay ang dalaga sa pagiging clingy ng best friend nya.

" Sige na bumalik ka na sa pwesto mo.. nagawa mo na ba yung assignment sa chem? " tanong ni Joy

" Yup.. it's all thanks to Nathan kaya nagets ko na rin yung balancing na halos umikot-ikot ang utak para lang intindihin" pout na sabi ni Dianne na naupo na sa pwesto nya na nasa likod ni Joy

" Speaking of Nathan.. wala naman syang sinabi na aabsent sya di ba? "

Umiling si Dianne " Wala naman.. ang alam ko papasok sya ngayon e.. Tawagan ko ba? " tanong ni Dianne.

" No need na tawagan " napalingon ang dalawang dalaga sa nagsalita. It was Renz na nakangisi sakanila

" Hindi tamang makinig sa usapan ng iba, Romero " inis na sabi ni Dianne

" Hay nakuu.. sinasabi ko lang naman na sayang lang load mo kung tatawagan mo pa si Nathan.. maya-maya lang nandito na yun " nakangiting sabi ni Renz na cool na nilapag sa lamesa nito ang bag na dala at nakadequatrong naupo sa upuan

Kunot noong nagkatinginan naman si Joy at Dianne. Parehong walang ideya sa kung anong sinasabi ng binata

" Alam mo ika---yuck! anong ginagawa mo? " Diring sabi ni Dianne na napatayo pa

" the fvck.. wag kang feelingera.. I'm not asking for a kiss, si Gelay ka ba? " agad naman na lintaya ni Renz

Umirap naman si Dianne " E bakit ngumunguso ka? Tsaka FYI ah, as far as I know ayaw ni Angela sayo? " mataray na sabi ni Dianne

" Owwww! ay grabe naman yun! " sigaw ni Edward at ang ilan pa nilang mga kaklase ay gumatong pa sa pangangasar kay Renz

" Ay! ampapanget nyo! Wala kayong alam kaya shut up na lang " mataray din na sabi ni Renz saka binalingan si Dianne " At ikaw.. yung nginunguso ko ung pinto.. wag kang boba "

Nag-irapan na man ang dalawa na akala mo e nasa contest sila ng patarayan. Nagpatuloy pa ang pag-aasaran ng dalawa na ginagatungan din ng mga kaklase nilang tuwang-tuwa sa pukulan nila ng linya.

* blam *

natigil ang lahat nang bumukas ng malakas ang pinto ng classroom nila at niluwa nun ang dalawang pigura ng tao na pamilyar na pamilyar sakanila.

Lahat ng mata ng mga taong nasa loob ng silid ay nasa dalawang taong parang wala lang na pumasok at naglakad papunta sa pwesto nila.

Nathan and Steal sat down on their respective seat na magkatabi lang naman. Pagkaupong-pagkaupo ay agad na nagsilapitan ang mga kaibigan nila at binombard sila ng mga tanong

" bati na kayo? "

" Parang nung isang araw lang hindi kayo nag-iimikan ah "

" Yieee.. bati na sila " yan ang mga tanong at halong pang-aasar ng mga kaibigan nila. Na maging ang ilan sa mga classmates nila ay nakisali na rin sa pangangasar kaya hindi na napigilan ni Nathan na ilibot ang paningin sa buong silid.

Natahimik naman ang lahat nang makita nila ang ginawa ni Nathan. At saktong tumunog na rin ang bell kaya nagsibalikan na sa kanya-kanyang pwesto ang mga kaklase nila at nagsitahimik nang pumasok na sa loob ng classroom ang 1st subject teacher nila.

" That's all for today.. wag kalimutan na mag-review ah " kinuha na ni Mr. Kim ang librong nasa lamesa

" Yes Mr. Kim " sabay-sabay na sabi ng klase

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now