Chapter 39: Stay with me

48 3 1
                                    

Steal.

" I will promise to protect you "

" Promise? " tanong ng batang babae sa batang lalaki na nakaupo sa tabi nito. Pareho silang nakaupo sa ilalim ng malaking puno.

" I promise " nakangiting sabi ng batang lalaki and after that they sealed their pinky promise to each other.

" No! Let her go! Let us go! " sigaw ng batang lalaki.

Natigilan ako nang magbago ang paligid. Ang kaninang puno ng halaman at damo ay biglang napuno ng mga nagkalat na tao na naliligo sa pulang likido.

' Am I dreaming again? ' tanong ko sa sarili ko

" Aseal.. " napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It's her. that kid who always appears on my dream.

I walked towards her pero natigilan ako nang itutok nya saken ang baril na hawak nya. and without any hesitation she fires it. I can feel the bullet inside my chest. Hindi ako makahinga, I cough blood and I felt dizzy..

' Wait, am I going to die? this kid bakit nya ko binaril? '

Minulat ko ang mga mata ko at nagmamadaling hinabol ang hininga ko. That dream again.

Tiningnan ko ang paligid at agad na napaupo ' What the hell is going on? ' sabi ko sa isipan.

" Aseal.. Are you okay? " napalingon ako sa pamilyar na boses and there, I saw her worried face habang nakatingin saken.

" Argel.. oh my gosh! " napalingon kami sa biglang nagsalita. Tumakbo sya palapit saken at mahigpit akong niyakap " I'm glad you're alright " sabi ni Archie habang nakayakap pa rin saken

Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nya saka sya hinarap saken " Stop crying, sobrang pangit " asar ko sakanya

Agad nya naman akong sinuntok sa dibdib saka lumayo saken at pinunasan ang luha nya.

" Why did you do that huh? bakit ka pumunta sa Trese? alam mo ba kung gaano kami nag-aalala? Hindi ka dapat pumunta dun! Lalo na hunting season! Paano kung may mangyareng masama sayo? paano kung hindi ka naka-survive? huh? paano?" umiiyak pa rin na sabi nya.

I reached for her face and wiped away her tears " Sorry for worrying you.. " yun lang ang nasabi ko.

So what happened yesterday is not a dream. Talagang nakita ko nga si Anae at nangyare talaga yung mga nasaksihan ko? Pero paanong nandito na ko? Si Anae? nasan sya?

" Archie.. Paano ako napunta dito? Si Anae? Kasama ko sya kagabe.. nandito rin ba sya sa hospital? " sunod-sunod na tanong ko.

Wala akong maalala kung paano ako napunta rito. Basta ang alam ko lang nawalan ako ng malay pagkatapos ako batiin ni Anae.

Napansin kong natahimik si Archie at si Amara. Tsk ano pa bang ginagawa ng babaeng to dito.

" Hey.. Archie I'm asking you "

Pilit na ngumiti si Archie saken " Sila Kurt ang nagdala sayo rito.. they are the one who contacted us na pumunta dito sa hospital " paliwanag ni Archie

" Then how about Anae? magkasama kami... ibig sabihin ba nandito rin sya? " tanong ko.

Ilang segundo bago sumagot si Archie " Wala sya dito.. Ang sabi ni Kurt samin ikaw lang daw mag-isa ang nakita nila.. hindi mo kasama si Nathan "

Napakunot ang noo ko " What? you're lying.. Magkasama kami kagabe.. imposible na wala sya. Sigurado ako na nandun sya, if Kurt found me ibig sabihin kinontact sila ni Anae, kaya anong sinasabi mo na wala dun si Anae, imposible naman na iwan nya ko dun mag-isa " depensa ko.

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon