Chapter 31: Death Area

62 3 1
                                    

" Pa.."

" Bakit hindi mo pa rin pinababalik ang anak mo? Alam mong hindi pwedeng kung saan lang sya nakatira.. pano kung may mangyare sakanya? "

" It's her choice .. and don't worry about her safety, may mga tao ako na nagbabantay sakanya " Paliwanag ni Norman sa ama nya

" Those guards are not enough.. Gusto kong ibalik mo ang apo ko sa puder naten " maawtoridad na sabi ng matandang si Napoleon.

" I can't do that.. She needs more time to finally accept Anna and Mario "

" I don't care.. Ibalik mo ang apo ko sa puder naten. use all the means kung ayaw mong ako mismo ang magbalik sakanya "

--

" okay.. I'll be there. Maliligo lang ako " ani Nathan sa taong kausap nya sa kabilang linya saka muling binalik ang atensyon nya sa laptop na nasa harap nya.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang marinig nya ang walang tigil na pag-buzz ng door bell nya. Napabuntong hininga si Nathan saka tinatamad na tumayo at nagtungo sa pinto para buksan ito.

" Gelay sinabi kong-----What the hell are you doing here? " mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Nathan nang makita kung sino ang taong nakatayo ngayon sa tapat ng pinto nya

" Hindi ka ba masayang makita ako? " nakanguso at parang bata na tanong nito.

" Walang dahilan para maging masaya ako " walang pagdadalawang isip na sagot ni Nathan.

" Ouch Anae.. It hurts " pag-arte ni Steal na humawak pa sa dibdib para ipakitang nasaktan ang puso nito

" tsk. tigilan mo ko.. ano bang ginagawa mo dito? at paano mo nalaman kung saan ako nakatira? " sunod-sunod na tanong ni Nathan dahil hindi nya natatandaan na sinabi nya kay Steal kung saan sya nakatira. At isa yun sa iniiwasan nya kaya hindi kahit kailan sya nagpahatid sa binata.

" Let's go on a date.. tsaka I have my source Anae " nakangiting sabi ni Steal na tumataas-taas pa ang kilay.

" tsk.. and no, hindi ako pwede kaya umalis ka na " malakas sinara na ni Nathan ang pinto

" AHHH! " nabigla si Nathan sa pagsigaw ni Steal kaya naman awtomatikong nagmadali ang dalaga para muling buksanli ang pinto

" What happen? damn! bakit naman kasi hinarang mo yung paa mo? bobo ka ba? " inis na usal ni Nathan

" Grabe Anae.. nag-aalala ka ba o nilalait ako? " tanong ni Steal. bakas kasi ang pag-aalala sa mukha nito pero panlalait ang lumalabas sa bibig ng dalaga

" ewan ko sayo.. pumasok ka nga " tila suko na sabi ni Nathan.

Kahit naipit ang paa ay ngiting tagumpay naman na pumasok si Steal sa unit ni Nathan, hinubad nya ang suot na sapatos at inayos yun sa shoe rack na nanduon. Nang tuluyang makapasok ay agad na nilibot ni Steal ang paningin nya sa buong unit. The interior screams Nathan's whole personality. Sobrang simple lang ng unit, it was painted by nothing but white, black and gray. maliit lang yung unit compare sa unit ni Steal pero halatang magaling na architect ang nagdisensyo kaya sobrang na-maximized ang espasyo ng buong unit.

" Patingin ng paa mo " sabi ni Nathan na naupo sa black leather sofa at pinatong ang first aid kit sa lamesitang naroon " Asero " tawag nito kay Steal na tila nagulat pa.

" Don't worry, I'm fine.. hindi naman ganun kasakit e " ani Steal

" Lalapit ka dito o lalapit ka dito? " may bahid ng pagbabanta ang tono nito kaya naman naglakad na palapit si Steal at naupo sa sofa katabi ni Nathan.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now