Chapter 35: Playing Tag

52 1 1
                                    

Third Person.

Mabilis na umayos ng tayo si Mario nang makita nya si Nathan na lumabas ng building. She's just wearing her usual style, black oversized hoodie and ripped jeans and complete her look with her black high converse.

Bahagyang kumaway si Mario sa dalaga para mapansin sya nito, nang nakita sya ni Nathan ay agad itong naglakad palapit sa direksyon ng binata.

Tulad ng palaging nangyayare kay Mario sa tuwing nakikita nya si Nathan. Parang bumagal ang paligid, parang slowmo na nangyayare ang lahat sa paligid ni Mario, maging ang paghawi ng buhok ni Nathan habang nakapasok sa bulsa ng hoodie ang dalawang kamay nito ay sobrang ang bagal ng galaw. Pero kabaligtaran ng slowmo nyang paligid ang tibok ng puso nya habang nakatingin sa dalaga

" Mario " tawag nito " Mario.. are you okay? " tanong ni Nathan na nag-snap pa sa harap ni Mario para lang kunin ang atensyon ng binata

" What? h-huh? " naguguluhang tanong ni Mario nang sa wakas ay nahila na sya palabas sa imahinasyon nya.

" Sabi ko tara na " pag-uulit ni Nathan sa sinabi na hindi narinig ni Mario kanina

" Ahh  o-okay " ani Mario na agad pumunta sa pinto ng shot gun seat para buksan yun pero natigilan sya at agad na tinawag si Nathan nang lagpasan sya nito

" What? " takang tanong nito na hinubad pa ang earphone na nasa kaliwang tenga. Ngayon lang napansin ni Mario na may earphone parang suot ang dalaga.

" Sumabay ka na sakin.. Ihahatid na lang kita pau---"

" No need " yun lang ang sinabi ni Nathan saka naglakad palayo pero agad syang hinawakan ni Mario sa pulsuhan af hinigit papunta sa tapat ng kotse. Kunot noong tiningnan ni !Nathan si Mario pero hindi man lang iyon inintindi ng binata.

" Get in " ani Mario nang mabuksan ang pinto ng passenger seat

" I can't.. " mahinang sabi ni Nathan

" I'll hold your hand.. Don't worry " assurance ni Mario sa dalaga

Hindi na lang nagsalita si Nathan. Nakikita ng dalaga na hindi papayag si Mario sa gusto nya kaya naman  pumasok na lang sya sa bukas na pinto at naupo sa passenger seat. Umikot naman si Mario saka sumakay na sa driver seat.

" Wear your---" natigilan si Mario nang makita na maayos nang nakakabit ang seat belt ni Nathan nang akma nya sanang aayusin ito para sa dalaga. Palaging hindi ito nagsusuot ng seatbelt kaya nasanay na si Mario na ikabit yun para kay Nathan pero ngayon.

Napabuntong hininga na lang si Mario. Alam nya na iisipin ng iba na maliit na bagay lang yun, pero para kay Mario, ang mga bagay na yun ang senyales kung gaano na kalayo ang distansya sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. Binuhay na ni Mario ang sasakyan saka nagmaneho palayo sa building

Walang nagsasalita na kahit sino, pareho lang silang tahimik. Nakatingin lang si Nathan sa labas ng bintana habang si Mario naman ay pasulyap-sulyap sa dalaga kung ayos lang ba ito.

May kung anong kumurot sa puso ni Mario nang makita ang usual na kalagayan nito kapag nasa ganitong sitwasyon " here.. Like I promise, you can hold my hand " inalok ni Mario ang kaliwang kamay like usual.

Nathan shook her head saka umiling " N-No thanks.. I-I can handle " her voice is shaking and it brings an undeniable pain in his heart.

Naikuyom na lang ni Mario ang kamay na inalok nya saka tinutok ang atensyon sa daan. He's mad, pero sa sarili nya. This is all his doing, bakit nga naman kukunin pa ni Nathan ang kamay nya kung siya na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak nun mula pa nung umpisa? He's an idiot para isipin na hahayaan pa sya nitong maging katulad sila ng dati.

Casanova Prince Met Gangster PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum