CHAPTER 33: Weird

57 4 1
                                    

" Lahat naman may gawain naka-assign di ba? " tanong ni Janet na kasalukuyang nakatayo sa harap ng malaking white board.

Nakasulat sa white board ang mga gawain at ang mga nataong naka-toka sa mga gawain na yun. ilang araw na lang ay mag-uumpisa na ang pinaka-hihintqy na foundation day ng nga estudyante kaya naman nag-hahanda na ang section nila para sa gawin ang booth na napili nila para sa darating na school event

" teka, bakit wala si Nathan at Steal sa listahan? " tanong ng isang kaklase nila.

" Oo nga no.. " pag-sang-ayon naman ng isa pa nilang kaklase na sinundan din ng iba pa.

" guys, tahimik. hindi ko na nalagay dyan pero may naka-assign na gawain para sakanila.. don't worry lahat tayo may ganap dito " paliwanag ni Janet.

Hindi na nag-usisa pa ang mga kaklase nila at sumang-ayon kay Janet. kaya naman nagpatuloy na sila sa meeting kung ano pang mga dapat na pag-usapan bilang bahagi ng paghahanda nila.

Sa kabilang banda naman ay sabay na lumabas ng detention room si Steal at Nathan matapos ang halos tatlong oras na pagkakakulong nila sa nakakaburyong kwarto na yun. Sa halos tatlong oras na nagkasama sila ay wala ni kahit na sino ang nagsalita sakanila. Pareho lang silang tahimik na nakaupo sa magkabilang sulok ng silid habang hinihintay na matapos ang oras ng parusa nila.

" Mr. McQueen and Ms. Jimenez.. kamusta? nagreflect na ba kayo sa mga ginawa nyo? " yan ang agad na tanong ng guidance counselor ng paaralan na si Ms. Yadan nang makalapit kina Steal at Nathan.

Kung nagtataka ang lahat kung bakit sila nadetention? Yun ay dahil sa inis ng English teacher nila sa walang humpay nilang pagbabangayan kahit pa nasa harap lang ang nasabinh teacher.

Walang naging sagot ang dalawa kundi tango na halata namang ginawa lang nila para masatisfy ang ginang.

" Mabuti naman kung ganun.. oo nga pala.. heto " inabot nito kay Steal ang isang maliit na kudradong papel

Nagtatakang kinuha naman yun ni Steal. Napansin yun ng ginang kaya muli itong nagsalita " Binigay yan saken ng class president nyo.. pumunta daw kayo dyan " ani nito

" Huh? para saan? " tanong ni Steal

" Hindi ko alam pero sundin nyo na lang.. at Mr. McQueen, wag kalimutang mangupo " paalala nito kay Steal saka tuluyan na silang iniwan ni Nathan.

" Sandali! Anae! " natigilan hindi lang si Nathan, maging si Steal ay natigilan sa ginawa nyang paghawak sa pulsuhan ni Nathan para pigilan ito sa tangkang pag-alis.

" Umm.. I-I'm sorry " mabilis na tinanggal nya ang pagkakahawak sa dalaga na as usual ay walang emosyon lang na nakatingin sakanya.

' this is so awkward' ani Steal sa sarili.

Hindi nya alam pero dama nya talaga na parang galit sakanya si Nathan. Ang huling usap nila ay yung naghiwalay sila after ng deal fight ni Nathan sa D.A kaya ngayon, sobrang naa-awkward-an si Steal

" what? " cold na tanong nito

" Wag ka munang umalis.. may dapat pa tayong gawin.. " tinaas ni Steal ang papel na hawak nya " Janet wants us to pick up something " paliwanag ni Steal

Sandaling tinitigan ni Nathan ang card na hawak ni Steal saka tumango " kukunin ko lang yung mga gamit ko " as usual ay walang kagana-ganang sabi nito saka naunang maglakad.

Nang makuha na nila pareho ang gamit nila ay sabay na silang nagpunta sa parking.

Pansin ni Steal na parang kanina pa hindi mapakali si Nathan, siguro dahil alam na ng dalaga na malaki ang posibilidad na sasakay na naman sya sa kotse ni Steal na ayaw na ayaw nito.

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now