CHAPTER 41: Life Without You

59 2 1
                                    

Nagising si Steal sa walang tigil na tunog ng cellphone nya pero hindi yun ang unang hinanap ng kamay nya, his hand is searching for someone beside him, he wants to feel the same warmth last night. kunot noong napadilat sya nang bigo sa hinahanap. he sat up and sighed when realization hits him.

' she really is gone huh, di man lang sya nagpaalam ' nasabi nya sa sarili saka tumayo mula sa kama at nagtungo sa maliit na kusina ng bahay.

natigilan sya nang makita ang kung anong nakatakip sa lamesa. kinuha nya ang nakadikit na papel sa takip.

' i made you breakfast, it looks gross but it's edible. take care '

" kahit sa sulat she's still cold " nakangiting napailing si Steal saka binuksan ang nakatakip na pagkain.

" Is this really edible? " natatawang sabi nya saka kumuha ng tinidor at tinusok ang halos hindi na makilalang hotdog. Kahit ang sunny side-up na itlog ay hindi nya rin makilala dahil mukha itong scrambled egg na tinusta.

Kinuha nya ang basong may takip at halos mapangiwi nang makita ang itim na itim na likidong nanduon.

Nakangiting nailing na lang sya at nagtungo kung nasaan ang heater. He pour all the black liquid inside the heater and started to heat it. After a minute he put it back on its mug and went to the table again.

" itadakimasu " he uttered those words while thinking about Nathan saying that. It's her thing na napapansin nya bago ito kumain. He start digging his food. He devour everything, 'cause Nathan made him breakfast for the first time or maybe that will be the last time? He doesn't know.

---

" How about this? bagay ba saken? " tanong ni Archie kay Steal na busy lang sa kung anong kinakalikot nito sa hawak na cellphone

Napabuntong hininga na lang ang dalaga saka tumayo sa harap nito at nagpamewang " Dude! nakikinig ka ba? " sigaw ni Archie kay Steal na sa wakas ay nag-angat ng tingin sakanya

" Everything suits you, bakit ba nagtatanong ka pa? " Steal said nonchalantly saka muling bumaling sa cellphone nito pero agad yung inagawa ni Archie sa kamay ng binata " Hey! ano ba? akin na nga yan! " pilit na inaagaw ni Steal ang cellphone sa kamay ni Archie pero hindi yun binigay ng dalaga

" I need to know kung ano ba itong pinagkakaabalahan mo " ani Archie na pilit na iniiwas sa kapatid ang cellphone habang nag-scroll sa screen

Natigilan si Archie nang mabasa kung ano ang pinagkakaabalahan ng kapatid. Tumayo sya ng maayos saka tiningnan si Steal na agad naman inagaw ang cellphone mula sa pagkakahawak ni Archie

" Hindi ka pa rin tumitigil na hanapin sya? Argel, don't waste your time searching for her whereabouts dahil wala kang makikita " ani Archie

" I know but I still want to try, malay mo di ba?..Kapag nalaman ko kung nasaan sya, I'll not waste any second to go after her " ani Steal

" I wish you luck with that bruh " ani Archie na tinapik ang balikat ng nakababatang kapatid

It's been 3 weeks mula nang lumipad si Nathan papuntang Japan. At tatlong linggo na rin si Steal nagse-search at bumibisita sa kung ano-anong gangster site sa Japan, nagbabakasakali na makita nya dun si Nathan. Tulad ng sinabi ni Archie, batid ni Steal na imposibleng makita nya si Nathan sa mga sites na yun pero anong masama sa pagbabakasakali di ba?

Sa tatlong linggo na wala si Nathan naging mailap na rin si Angela sakanya, palagi nya itong inaabangan tuwing matatapos ang klase para sana mamalita pero wala itong kahit na anong sinasabi, maging ang gang mates ni Nathan tulad nila Kurt Michael at Eggie ay nananatiling tikom ang bibig. Maging si Anna na kapatid ni Nathan at kinakapatid ni Steal ay natanungan nya na rin pero wala rin itong alam, ang sabi nito ay subukan ni Steal na tanungin si Mario pero as if naman na kakausapin nya ang lalaking karibal nya di ba?

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon