Chapter 40: さよなら

42 1 1
                                    

Note: This is unedited chapter. please do expect wrong grammars and spellings

Steal.

Tumagal ng halos dalawang oras ang biyahe nang sa wakas ay makarating ako sa destinasyon ko. Itinabi at pinarada ko ang kotse sa gilid ng pasilyo saka bumaba rito.

Tiningnan ko ang papel na hawak ko saka ang tiningnan ang malaking sign kung saan nakasulat in cursive ang salitang " Mi Casa ".

Lumapit ako rito. Dahil full glass window ang tindahan ay kita ko kung gaano kaabala ang mga tao sa loob. Inabot ko ang hawakan ng pinto at tinulak yun.

Nang makapasok ako sa loob ay sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at ng malumanay na musika mula sa mga speaker na nakakabit sa sulok ng kisame ng shop.

" Bienvenido " nakangiting bati saken ng babaeng sumalubong nang pumasok ako.

Isang ngiti lang ang isinagot ko sakanya at nagtungo na sa nakita kong bakanteng pwesto na nasa gilid sa tabi ng bintana.

Nang maupo ako ay nilapitan ako ng isa sa mga crew at inabot saken ang menu. Tinanong nya ko kung may napili na ko at nung sinabi ko na wala pa ay nakangiting tumango sya at sinabi na magtawag lang ako kung sakaling meron na bago sya tuluyang umalis.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong cafe. Sa totoo lang ay nagdududa na ako dahil sa mga nakikita ko, mukhang imposible na nasa lugar na ito si Anae. Baka niloloko lang ako ni Gelay? Baka hindi totoong nandito si Anae.

Pero agad na nawala ang mga iniisip kong iyon nang makita kong niluwa ng maliit na kahoy na pinto ang pamilyar na babae. Tulad ng mga crew ay nakasuot din ito ng brunette na Beret hat, White button up long sleeve, black slacks at nakapatong ang brunette apron na may maliit na " Mi Casa " na nakaburda sa maliit na bulsa na nasa bandang kaliwanag dibdib nito. She's wearing her usual poker face habang nag-seserve sa mga customer.

" she's really here " bulong ko sa sarili ko habang hindi pa rin maalis ang tingin kay Anae na abala sa ginagawa nya

" Excuse me sir? may napili na po ba kayo? "  nabali ang tingin ko kay Anae nang may marinig ko yun. Yung babae kanina

i smile at her saka tumango " Ummm.. yea.. a café solo and apricot croissant " inilista nya naman sa maliit na notebook ang sinabi ko saka nag-paalam na umalis.

I waited for less than 10 minutes bago dumating yung inorder ko.

" Thank you " sabi ko sakanya.

Nang tuluyan na itong makaalis ay nag-umpisa ko ng basahin ang librong kinuha ko kanina. Paminsan-minsan ay tinatanaw ko ang direksyon kung nasaan si Anae. I really didn't expect na nasa ganitong lugar sya. She's the kind of person na hindi gustong nagsisilbi sa iba pero ngayon she's serving those customers.

Third Person.

" Here " inabot ni Roma kay Nathan ang isang brown na sobre " Salamat sa pagtulong mo ah. Kung wala ka baka nagkagulo na " ani nito

" Tsk. ang OA mo " naiiling lang na sabi ni Nathan saka nilagay sa buksa ng bag nya ang sobre " Sige na uuwi na ko " paalam nya rito

Akma na sanang tatalikuran ni Nathan si Roma nang biglang may sumigaw sa likod nito at mula sa bukana ng kusina ay lumabas ang tumatakbong si Dolly

Kunot noong tiningnan lang ito ni Nathan pero hindi naman yun nasindak sa halip ay lumapit pa ito sa kinatatayuan ni Nathan at inakbayan ang dalaga

" Get off me " as usual ay cold na sabi ni Nathan

Casanova Prince Met Gangster PrincessWhere stories live. Discover now