Chapter 32: It's always you..

66 4 1
                                    

Ang malakas na hiyawan ng mga tao ay awtomatikong humupa nang marinig nila ang buzzer na syang nagsisimbolo na umpisa na ng laban.

Parehong nagsusukatan ng tingin ang dalawang babae na nasa gitna ng atensyon ng lahat. Lahat ng tao ay nakaabang sa kung ano ang gagawin ng dalawa pero nanatili lang ang dalawang dalaga na nakatigin sa isat-isa habang paikot na naglalakad paikot sa loob ng floor arena.

" What are they doing? bakit hindi pa sila nag-uumpisa? " tanong ni Steal.

" ganyan talaga, you need to know your opponent's movement and way of thinking para may advantage ka. Sa ngayon they're both measuring each other's strength " paliwanag ni Angela " Ang unang umatake.. siguradong talo " dagdag pa nito.

Matiim na tiningnan ni Steal ang nangyayare sa ring. Halos mapatayo sya sa kinauupuan nang bigla na lang mabilis na lumapit si Red at sinuntok si Nathan sa sikmura pero mabilis na nakaiwas si Nathan.

Kita ni Steal na may kung anong sinabi si Nathan kay Red bago nito mabalis na hinawakan ang kamay ng dalaga saka tila papel lang na binalibag ito na ngayon ay nakahiga na.

Lahat ng tao ay naghiyawan. Mabilis naman na tumayo si Red, pumorma ito saka ngumisi at nilabas ang matalim na bagay mula sa suot nitong sapatos.

" Teka? that's cheating! " kunot noong binalingan ni Steal si Angela pero nanatili lang itong kalmado habang nakatingin sa ring " Why are you so calm? hindi ka ba nag-aalala kay Anae? " hindi makapaniwalang tanong ni Steal

" Hindi.. why would I? mas nag-aalala pa ko kapag ikaw ang kasama nya " prangkang sagot ni Angela

" As if naman kaya kong saktan si Anae ng ganyan " bulong ni Steal pero hindi yun nakaligtas sa pandinig ni Angela kahit na maingay ang paligid dahil sa pagsuports ng mga manunuod sa dalawang naglalaban sa loob ng ring

" You will surely hurt her someday.. not physically tho " ani Angela

Steal was about to rebut pero natigilan sya nang maghiyawan ang mga tao

" Whoa! This is fvckin' inase! " sigaw ng announcer

Hindi alam ni Steal ang nangyare pero mabuti na lang at may slowmo na replay ang ipinakita sa malaking screen.

Makikita sa malaking screen kung paano sinabunutan ni Red ang buhok ni Nathan saka pilit na iniikot ang dalaga. Nakatalikod man ay nagawang hawakan ni Nathan ang pulsuhan ni Red saka hinila paunahan ang dalaga dahilan para tila papel na lumipad ito sa ere at malakas na bumulagta sa sahig ng ring na kinaroroonan nila.

Makikita na akma sanang tatayo si Red pero hindi na yun hinayaan na mangyare ni Nathan. Agad na tinadyakan ni Nathan ang sikmura ni Red gamit ang boots na suot nito saka walang kahirap-hirap na kinuwelyuhan ang dalaga para itayo

Walang kahit na sino ang nakakarinig sa kung anong sinabi ni Nathan dahil ang tanging tinitukan ng mga tao ay ang sunod na nangyare. Habang hawak sa isang kamay ay lumipad naman ang kamao ni Nathan sa mukha ni Red at kasunod nun ay malakas na tinadyakan nito ang dalaga dahilan para lumipad ito sa kabilang bahagi ng ring, mabuti na nga lang at may harang ang ring kaya hindi ito bumalandra sa mga taong nanunuod.

Mula sa pagkakahandusay ay pilit na bumangon si Red. Sa kabilang bahagi naman ng ring ay unti-unting naglakad si Nathan palapit sa duguan ng dalaga. Kita ng lahat kung paano sinubukan pang pumalag ni Red nang hawakan ni Nathan ang buhok nito saka muling binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Pulit-ulit na ginawa yun ni Nathan hanggang sa may kung anong tumalsik mula sa bibig ni Red.

Mariin na napalunok ng sariling laway nya si Steal habang pinanunuod ang nangyayare. Hindi nya kahit kailan naimagine na ganito kadugo makipaglaban si Nathan. May hula na syang malakas ito dahil isa ng patunay dun na ito ang gang leader nila pero ang hindi nya akalain ay kung gaano ito kawalang-awa dahil kahit na bugbog at duguan na ang kalaban ay hindi pa rin tumitigil si Nathan.

Casanova Prince Met Gangster PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin