CHAPTER 3: Mario James Gonzales

284 11 8
                                    

Third person.

" you sure about this? " tanung ni bryan sa dalagang nakaupo sa stool katapat nya.

" yeah " as usual ay walang kaamor-amor na sagot ng dalaga saka hinithit ang sigarilyong hawak nito sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo.

" we both know na hindi yun ang lugar para sayo.. elite school yun, mas mataas ang posibilidad na---" hindi natuloy ni bryan ang sasabihin nang umayos ng upo ang dalaga at pinatay ang baga ng sigarilyo nito sa ash tray na nasa harapan nila.

" I can protect myself bry.. at isa pa, si gelay nandun din, ikaw, si michael tas si eggie.. nandun kayong lahat kaya bakit ako mangangamba di ba ?" cold na sabi nito.

Hindi na nakapagsalita pa si bryan, tama naman ang dalaga, halos lahat nga sila ay nandun sa eskwelahan na yun, pero batid nilang lahat kung gaano kadelikado para sa rito na pumasok sa paaralan kung saan anak ng mga kilalang tao sa labas at loob ng bansa ang mga estudyante duon. Ang paaralan na nangungunang hindi sang-ayon sa mga tulad nilang gangster, ngunit tulad ng sinabi ng dalaga, marami sa kasamahan at kaibigan nila ang duon nag-aaral.

" naayos na ni eggie ang mga papeles mo, sa susunod na martes ang schedule ng exam mo. Kung gusto mong makapasok sa MQA, kailangan mong---"

Walang emosyong tumingin ang dalaga kay bryan na natigilan sa kung anong sasabihin nito " wala ka bang tiwala sa kung anong nalalaman ko? " walang emosyong tanung nito

" alam kong kaya mo yun,ang gusto kong sabihin ay dapat maging conscious ka sa mga kilos mo----" paliwanag ni bryan na agad naman na pinutol ng dalaga.

" I know, and I will make sure na hindi nila ko makikilala " paninigurado ni nathan kay bryan na wala ng nagawa kundi ang sumang-ayon sakanya.

--

Nagising si nathan dahil sa walang tigil na pag-ring ng cellphone nya kaya hindi pa man naimumulat ang mga mata ay agad na hinanap ng kamay nya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag.

" good morning princess, time to wake up " maisglang bungad ng taong nasa kabilang linya

" who's this?" walang ganang tanung ni nathan sa kausap.

" ouch! Ang sakit naman na hindi mo kilala ang gwapong nilalang na to my princess " dahil sa biro nito ay napagtanto ni nathan na si michael ang nasa kabilang linya na siguradong nakahawak pa sa dibdib nito nang sabihin ang mga linyang yun.

" tsk. Wag mo kong artihan mike, you know that I'm too tired to memorize all your voices " naiiling na sabi nya rito

" aish! Oo na, oo na.. sige na bumangon ka na dyan. Baka mamaya ma-late ka pa sa first day mo e " sabi nito.

" yes mom babangon na ko " pang-aasar nya dito na ikinatawa naman ng binata.

" o sige na anak, ako'y mag-aayos na rin... mag-iingat ka ah. Wag kalilimutan ang mga bilin ko sayo .. bye iloveyouuuuuu " paalala pa ni Michael kay nathan bago tuluyang patayin ang tawag.

Naiiling na tiningnan ni nathan ang cellphone nya para tingnan kung anong oras na. 5:30 ang nakarehistrong oras sa screen nito. Mahaba pa ang oras nya para mag-ayos kaya naman sandali nya munang tinitigan ang litratong nasa lock-screen ng cellphone nya.

" I'm one step closer to you... see you later " sabi nya rito saka muling umidlip ulit.

Hindi namalayan ni nathan na halos isang oras na ang lumipas mula nang umidlip sya kaya naman halos hindi na sya magkanda uga-uga sa pagmamadali para makaabot pa sa oras ng kanyang pasok.

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon