Chapter 23: Gangsters of McQueen Academy

91 4 4
                                    

Steal.

" so nagawa mo na ba yung pinagagawa ni Dad? " tanong ni Archie sa kabilang linya.

" yea. sige na may pupuntahan pa ko " sabi ko sakanya.

" Argel.. Mom is worried about you.. hindi namin alam kung ano bang tumatakbo sa utak mo at bigla kang nag-request na umuwi ng Korea, ano bang nangyayare? " kung kanina ay nakasinghal si Archie saken, ngayon ay naging seryoso na yung pagsasalita niya

" tell her she doesn't have any rig---"

" Argel.. please.. wag ka namang ganyan sakanya.. kung alam mo la----"

" tama.. kung alam ko siguro yung rason kung bakit natanggap nyo sya na parang wala syang kasalanan saten, baka sakaling medyo galangin ko pa sya.. but you guys are keeping it from me kaya anong ine-expect nyo? " i nonchalantly said.

Narinig kong napabuntong-hininga si Archie sa kabilang linya. I don't want my sister to feel this way, ayokong nahihirapan sya but I can't bring myself to do what they want, dahil hindi ko pa rin kayang kalimutan ang nagawa samin ng babaeng yun

" I'm sorry.. I know it's hard for you too.. but Mom has her reason kung bakit nya tayo iniwan noon at kung bakit hindi nya yun sinasabi sayo ngayon.. sana maintindihan m---"

" I understand kaya sana maintindihan nyo rin ako kung bakit ganito ko sya tratuhin.. bye Archie " narinig kong magsasalita pa sana sya pero pinutol ko na ang tawag. I don't need to talk to her about that topic dahil lagi kaming humahantong sa pagtatalo at ayoko nun.

bzzzt bzzzt bzzzt bzzzt

kinuha ko ang cellphone ko saka sinagot ang tawag mula sa numerong pamilyar saken.

" nakuha mo na ba? " tanong ko

" oo, magkita na lang tayo sa usual place mamayang 10.. " matapos yun ay pinatay nya na ang tawag.

Muli akong nahiga sa kama at pumikit. alas-siyete pa lang naman kaya pwede pa ko maidlip.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas pero nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

" why? " antok na tanong ko sa kung sino man yun

" Young master handa na po ang hapunan " tugon ng taong nasa kabilang bahagi ng pinto.

Napadilat ako. Oo nga pala, hindi nga lang pala ako ang nandito dahil pinatawag ni Dad ang isa sa katiwala namin dito sa Korea para asikasuhin ako.

" Sige po bababa na lang ako " sagot ko

" Sige po " rinig ko ang papalayong yabag nito kaya naman tumayo na ko sa higaan. Inayos ko muna ang sarili ko saka lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina kung saan naabutan ko ang katiwala na nag-hahain.

" young master! magandang gabi po.. handa na po ang makakain nyo " ani nito saka inalok akong umupo sa stool

" salamat po " sabi ko " ay oo nga po pala.. pagkatapos nyo po sa mga kailangan nyong gawin pwede na po kayong umuwi.. " sabi ko na ikinagulat nya naman

" po? pero---"

" ayos na po ako.. bukas din po ng umaga uuwi na ko kaya ayos lang.. ako na po magsasabi kay Dad.. " nakangiting sabi ko.

" kayo po ang masusunod young master.. salamat po " nakangiting sabi ni Manang.

" salamat din po sa pag-asikaso saken " ani ko.

Casanova Prince Met Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon