Chapter 34: Safe place..

71 5 2
                                    

⚠️⚠️⚠️ Read at your own risk. It contains Rape| violence| drugs

PS: NOT EDITED. SPARE MY TYPOS AND MISSPELLED AS WELL AS WRONG GRAMMAR

Third person.

Abala ang lahat ng estudyante ng McQueen sa kanya-kanyang nilang gawain. Ilang araw na rin mula nang mag-umpisa ang bawat section at club sa paghahandang ginagawa nila para sa Foundation day ng kanilang paaralan kinabukasan.

" Dagdagan nyo pa ng flowers sa right side, hindi sya pantay sa kabilang side e " suhesyon ni Janet - presidente ng klase nila Steal- habang matiim na pinagmamasdan ang arkong ginawa ng klase nila

" Pres! pinapatawag ka ng SC President " ani ng isa sa mga kaklase ni Janet

" Sige " tugon ni Janet saka pinuntahan ang mga kaklase nyang nasa loob ng tent na ginawa nilang dressing room " Aries, make sure na kumikilos ang lahat ah. mamayang 4pm magpabili ka na ng miryenda naten, pupunta lang ako sa meeting " paalala ni Janet sa Auditor ng klase nila

" Yes pres " nakangiting sumaludo pa ito saka muling bumalik sa ginagawa

Naglakad na si Janet palayo kung nasaan ang booth nila. Karamihan sa mga booth ay nasa malawak na quadrangle ng school nila at yung iba ay madadaanan mo pagpasok sa Main gate ng McQueen. Sinadyang ilagay dun ang ilan sa mga booth para magkakalapit lang ang mga ito at madaling mapuntahan ng mga taong nais maglibot.

ilang minuto lang ay nakarating na rin si Janet sa SCR - Student Council Room na nasa 5th floor ng Phase 4 building.

Kumatok muna si Janet ng tatlong beses bago tuluyang buksan ang pinto at pumasok sa loob ng silid. Natigilan sya nang makita ang pamilyar na pigura na nakatalikod sakanya.

" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko nga. Bakit ba mapilit ka? "

" Kahit isang gabi lang, hindi ka naman mamatay sa isang gabi "

" How sure are you? makita ko lang mukha----" natigilan ang pigurang nakatalikod sa direksyon ni Janet sa pagsasalita nang magsalita ang kausap nito

" Janet ikaw pala.. Sorry kung ang ingay namin " ani nito saka tumayo mula sa kinauupuan sa likod ng magarang lamesa.

" Ayos lang, tsaka sorry din if may naistorbo ako. I knocked three times bago pumasok baka hindi nyo lang nadinig " nakangiting sabi ni Janet

" tsk. ang ingay kasi ng gorilla kaya hindi namin narinig " anas ng pigurang nakatayo kanina na ngayon ay nakaupo na sa receiving chair.

" Shut up Argel! sinong gorilla? Ang ganda ko namang gorilla " inis na depensa naman ng Presidente ng Student Council na si Archie.

" Sino naman nagsabi na maganda ka? "

" Shut up! Umalis ka na nga dito " inis na sabi ni Archie

" Wow ha! Makapagpaalis ka e ikaw nga tong istorbo na pinapunta ako dito " ani Argel na tumayo na sa kinauupuan nito

" Sinong istorbo? As if naman na may ginagawa ka? " bumaling si Archie kay Janet na nakatayo pa rin sa tapat ng pinto " tell me Janet, may ginagawa ba tong babaero na to? "

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Janet sa magkapatid na kapwa nakatingin din sakanya na nag-aantay ng sagot.

Napabuntong hininga si Janet. sobrang pamilyar na ng ganitong eksena sa pagitan ng magkapatid na McQueen, simula pa grade school sila hanggang sa Junior High at ngayon kahit sa Senior high nila ay parang aso't pusa pa rin kung magbangayan ang magkapatid. At sa mga ganitong oras, palaging si Archie ang nananalo pero ngayon...

" Busy ang buong section namin ngayon and that includes Steal, tumutulong sya sa mga gawain even sa pagbubuhat ng mga dapat buhatin " kita ni Janet kung paano mawala ang ngisi sa mukha ni Archie. kung paano unti-unting lumingon ito sa kapatid na tila hindi makapaniwala.

Casanova Prince Met Gangster PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz