36 [Gemma]

306K 12.5K 2.7K
                                    

/GEMMA/

***

Great. Just great. Within a few seconds ay napalibutan na kami rito ng dalawang Nene na kasama ko habang sina Ash at Krystal ay nasa kabilang dulo na.

"Hindi nababagay ang mga babae sa labanang katulad nito," sabay ngiti nung isang lalaki sa amin.

Seriously? Katawan lang ba nila ang malalaki at ang utak nila ay walang laman? Kailan pa pinagbawal ang mga babae sa ganitong labanan?

"Wag kang mag-alala, Manong. Hindi rin nababagay ang mga katulad mong mahihina rito!" and then Kelsey slashed her chain towards him.

Napasigaw 'yung lalaki nung nagkaroon ng contact ang whip ni Kelsey sa braso niya—a sign that he's just an ordinary person, a humdrum, ayon doon sa librong nadecode namin. Ibig sabihin, tama ang hinala ko kanina. Magkakahalo ang humdrums at Huntres dito.

"I need a playmate, too!" sigaw naman ni Miles at pinagbabaril niya 'yung mga lalaking nakapalibot sa amin. May naligaw pa ngang ice bullet sa direksyon ko kaya ginamit ko kaagad 'yung bokken ko para mabago 'yung trajectory nun papunta sa lalaki sa gilid ko at narinig ko na lang siyang bumagsak.

"Oops. Sorry!" sabay peace sign sa akin ni Miles habang nakapoker face.

"Funny."

"Yuko!" sigaw niya bigla kaya napayuko naman ako at tinutok niya 'yung baril sa direksyon ko. Pagtingin ko sa likuran ko ay bumagsak na lalaki at may tama siya sa dibdib.

"You're welcome, Gemmatanda! Bye!" tapos tumakbo siya sa kabilang direksyon pati na rin si Kelsey.

Those brats. Wala talagang galang ang mga 'yun. Dapat na ba akong mag-ala-Krystal para katakutan nila? Kaso hindi ko kaya 'yung walang ngitian at fixed lang ang expression.

"Anong tinatayu-tayo mo dyan, Miss?! Akin ka!" Napatigil ako sa pagpapractice ng cold expression nung narinig ko 'yun. Napatingin ako doon sa isang lalaki na tumalon papunta sa akin habang may hawak siyang sword. Bigla akong naexcite dahil gusto ko talagang makipagduel sa lahat ng swordsmen dito.

I concentrated on my bokken and I felt a tugging sensation inside my body. I can tell that my eye color changed from black to purple just like before.

"Sorry pero hindi ako sa'yo," then I slashed my sword at him.

Pareho kaming nagulat nung biglang nagsnap 'yung metal sword niya into two pieces. Pero ginamit ko kaagad 'yung moment para patumbahin siya. I shoved my sword into his legs at napasigaw siya siya sabay bagsak sa lupa. Of course, bago pa magdugo 'yung wound na 'yun ay nabalot na agad ng yelo. After that ay napatingin ako sa sword ko at alam kong nakatingin din sa akin 'yung ibang malapit sa akin. Sino ba namang mag-aakala na mapuputol ng isang wooden sword ang isang metal sword?

Napangiti ako bigla. Nacocover na ng iced blade 'yung halos buong parte ng bokken ko. And I am really impressed na mas matibay pa 'yung ice kaysa sa metal. Damn, Gramps was right! Makikita talaga namin ang improvement namin after that rigorous training. At nakadepende rin sa lakas ng user ang effect ng attribute niya sa weapon.

"Maybe I should also have some fun," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood ko 'yung apat na atake lang nang atake sa mga nakapaligid sa kanila.

Tsaka ko naman narealize na unti-unti nang lumalamig tapos ang lakas pa ng hangin. Mukhang nasasanay na rin ako sa cold temperature dahil laging nagyeyelo doon sa base namin. At for sure ay dumbfounded na 'yung iba dahil may fragments of ice na kung saan-saan.

Tumakbo ako doon sa side nung apat dahil magkakasama na sila. Pagdating ko doon ay mas dumami lalo 'yung pumaligid sa amin at mas lalong lumakas 'yung hiyawan ng mga nanonood na gang members sa taas.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon