7 [Gemma]

463K 14.9K 1.3K
                                    

/GEMMA/

***

"We're here!" sigaw ko kaagad nung makauwi kami ni Kelsey sa bahay.

Dumiresto siya sa kusina habang bitbit yung mga pinamili namin. Ang cute cute niyang asarin! Pikod kasi siya. Haha!

Nakita ko naman si Krystal sa sala kaya dumiretso ako doon.

"We saw a huntress," sabi ko kaagad kaya nabaling yung atensyon niya sa akin.

"Saan?"

"Sa palengke mismo."

"We have to be careful."

"Yeah."

Natahimik kami pareho. Napag-alaman ko kasi mula kay Krystal na illegal ang pangongolekta ng insignias ng gangs kaya pwede kaming hulihin ng mga huntress kapag nakita nila kaming nangongolekta. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina. That huntress is so strong. Napatumba niya yung limang yun tapos siya lang mag-isa ang naghatak sa kanila kahit sobrang malalaki sila.

Umupo na lang ako doon sa isang couch at pinunasan ko yung bokken ko. Tapos naalala ko yung parang kadena na ginamit ni Kelsey nung nakipaglaban kami sa isang gang noong nakaraan.

"Krystal, sa tingin mo si Kelsey..."

"I think so."

Nagkatinginan kami at alam kong pareho kami ng naiisip. Nung time kasi na nakikipaglaban kami at humarang si Kelsey nung ginamit ng boss ata ng gang yung machine gun, nagkaroon na ako ng hinala na may kakaiba sa kanya. Lalo pang lumakas yung kutob ko nung hinawakan ko yung kadena niya. Naalala ko kasi yung naramdaman ko nung unang beses kong mahawakan yung bokken ko.

Tahimik lang kami na naghintay sa may sala. Hindi naman awkward kahit hindi kami nag-uusap dahil sanay naman akong walang kausap. Sa bahay kasi namin dati, hindi naman ako kinakausap nung malditang stepmom at stepsister ko unless may ipapautos sila, at hindi ko rin naman sila pinapansin. And halata naman kay Krystal na hindi siya ganun kakomportable sa mga tao.

"May breakfast na!"

Napatingin naman agad ako kay Kelsey na nakasilip sa may kusina. Bigla kong naramdaman yung pagkalam ng sikmura ko nung narinig ko yung salitang 'breakfast' at nung naamoy ko yung niluto niya.

"Ang bango! Sinangag?" tanong ko kaagad nung nakalapit ako sa kanya at nakasunod naman sa likuran ko si Krystal.

"Yeah. Kain na Leader, Tanda," sabay upo niya doon sa isang upuan. Aba talaga naman! Kinarir niya yung pagtawag sa akin ng Tanda ha! Masakit! Hindi pa naman ako matanda ah?! Teenager pa lang ako, though patapos na.

Naupo rin naman agad kami ni Krystal at nagsimulang kumain. In fairness, masarap nga. May nakahalo pang itlog at hotdog doon sa may sinangag kaya ang sarap. Grabe, buti marunong siyang magluto! Ako hanggang pagbuhos lang ng mainit na tubig sa instant food ang kaya kong lutuin. Yung stepmom ko kasi yung nagluluto at di naman niya ako tinuruan. Kung buhay lang siguro ang Mommy ko...nevermind.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kaming tatlo sa sala.

"Kelsey, can I see your  whip?" Pareho kaming napalingon ni Kelsey nung sinabi yun ni Krystal.

"N-no!" sigaw ni Kelsey tapos hinawakan niya ng mahigpit yung kadena na nakasabit sa may bandang bewang niya.

"Don't worry, I won't get hurt," sabay lahad ni Krystal sa kamay niya. Nung una, nag-aalangan pa si Kelsey na ibigay sa kanya pero after ilang seconds, nibigay niya na rin yun. Nanlaki pa ang mga mata niya nung nakita niyang ayos lang si Krystal after hawakan yung kadena niya.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon