5 [Kelsey]

459K 16K 2.4K
                                    

/KELSEY/

***

Nakatingin lang ako sa baba habang nandito ako sa may bubong ng bahay at hawak-hawak ko yung flag na nandito. Hindi ko maalis yung tingin ko sa dalawang babaeng yun dahil ang lakas nila. Mukha ngang hindi pa sila seryoso at nag-uusap pa sila habang pinapatumba nila yung mga lalaking nakapalibot sa kanila.

"Nagugutom na talaga ako!" sabi nung may hawak ng kahoy at tinutok niya yun sa leeg nung matabang lalaki at bigla na lang siyang tumumba. Akala ko nga nalaslas na yung leeg nung lalaki pero nagulat ako nung makita kong parang nagyeyelo yung part na yun.

His neck was frozen.

Bigla akong napahawak ng mahigpit sa chain whip ko. Nakaramdam rin ako ng pagkakilabot dahil doon.

"Eh di bilisan mo para makakain na tayo," sabi naman nung isang babae at bigla siyang tumalon. Nagpaikut-ikot siya sa ere at naglanding yung paa niya sa ulo ng dalawang lalaki. Whoa! Pusa ba siya?! Tapos parang ako yung nasaktan para sa dalawang lalaking yun dahil nakatakong yung babae. Feeling ko bumaon sa bunbunan nila yung takong niya! Aray ang sakit nun! Bigla rin tuloy akong napahawak sa ulo ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod kong nakita. Bigla na lang nanigas yung buhok ng dalawang lalaki at sumisigaw na sila.

OH SHIT! So hindi nga ako namamalikmata kanina sa nakita ko?! Kaya nilang magfreeze ng tao?!

Habang busy sila sa pagpapatumba doon sa mga lalaki sa baba, na dumadami na ngayon dahil nagtawag ata sila ng reinforcement, napatingin ako doon sa kabilang direksyon nila at parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan.

Nakita kong papalapit sa kanila ang isang lalaki na may sigarilyo pa sa bibig. Napakapit ako ng mahigpit sa flag na hawak ko pati na rin sa chain whip ko. Sino ba namang hindi matatakot at kakabahan...

Papalapit sa kanila si Cal, yung leader ng Black Sparrow.

Kilalang-kilala siya rito sa eskinitang 'to ng East Black Division. Kaya wala ring masyadong tao ang naglalakas-loob na pumunta dito ay dahil sa kanya. Oo, lawless area ang Black Division at sa East side na ata ang pinakamaraming gangs and delinquents, pero sa street na 'to ang pinaka-lawless dahil sa kanila. Naririnig ko lang sa ibang tao 'to pero ang sabi nila, nakakatakot daw talaga si Cal. Bukod sa malaki niyang katawan, may machine gun pa siya na hawak.

"BOSS!" halos sabay-sabay na sigaw nung mga lalaki habang nakatingin sa boss nila na naglalakad palapit. Napahinto rin yung dalawang babae sa pakikipaglaban at nilingon yung tinawag ng mga kalaban nila na 'boss.'

Uh oh.

Anong gagawin ko? Alam kong kasalanan ko 'to at nadamay lang sila dahil hinabol nila ako, pero bakit pa kasi nila ako hinabol?! Napaka-persistent kasi nila eh! Kaso...kung hindi dahil sa kanila, baka deds na ako ngayon.

"Who the fuck are you?" Halos matumba ako sa pagkakaupo ko nung narinig ko yung boses ni Cal. Shit! Nakakatakot! Para siyang galing sa ilalim ng takot!

"Oohhh, scary," tapos nagshrug yung babaeng may hawak na kahoy. Halata namang sarcastic yung pagkakasabi niya. Ni hindi man lang siya naintimidate kay Cal! Grabe!

"You're the boss?" sabi naman nung isa tapos tinignan niya si Cal mula ulo hanggang paa. Bigla naman siyang tumalikod, "Hoy Gemma, sa'yo na yan," saka niya pinagpatuloy yung pagpapatumba sa mga underlings ni Cal.

"Huh?! Bakit ako?! Ikaw ang leader ah? Krystal!" tapos tumalikod rin siya at pilit na kinakausap si yung babaeng kasama niya.

So Gemma at Krystal pala ang pangalan nila. At yung Krystal yung leader? Wait, gang rin sila? Pero bakit dalawa lang sila?

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon