40 [Gemma]

329K 11.6K 2.5K
                                    

/GEMMA/

***

"Oh my God. Bakit nagkaganyan 'yung arena?" tanong ni Kelsey at kitang-kita sa mukha niya ang panic.

Then all of a sudden ay biglang yumanig 'yung paligid, at nung tinignan ko 'yung tinatapakan namin ay nagkakaroon na 'yun ng cracks. Biglang nagsigawan 'yung ilan at 'yung iba ay nag-unahan sa pagbaba sa hagdanan. Kami naman ay nagtinginan at mukhang pare-pareho kami ng iniisip.

They are planning to collapse the spectator's area at kapag nangyari 'yun...diretso kaming lahat sa chasm.

Napatingin ako sa right side namin at nakita kong nagcollapse na 'yung lower part nun at napasigaw ako nung may mga nalaglag doon. Hindi ko na naatim na tumingin sa baba dahil ayokong makita ang pagkahulog nila sa ibaba.

"Hold onto us. Pwede naming gamitin ang attributes namin para makarating tayo sa arena," biglang sabi ni Gust at nagready ang mga kasama niya.

"We can take care of ourselves," sagot naman agad ni Krystal.

"Okay, if that's what you think. But we need some explosion to serve as driving force."

"Yun lang ba?" sabi naman ni Miles at pinaikut-ikot niya sa kamay niya 'yung twin guns niya habang tumitingin siya sa paligid. Then napahinto siya nung nakita niya 'yung parang generator at switch area sa itaas.

Lumapit agad ako kay Kelsey dahil for sure ay gagamitin niya ang whip niya para makapunta doon sa kabilang side.

"Wait, Tanda! Baka hindi kayanin ng whip ko kung tayong dalawa! Ang bigat mo kaya!"

"No worries. Magkasinggaan lang tayo," then humawak ako sa chainwhip niya at nagreready na siya sa paghook nun sa arena sa baba.

Sina Ash at Krystal naman ang magkasama. Nakaready na si Ash para ihagis ang throwing knives niya sa arena para rin magserve as hooks. Si Rae ay nasa tabi ni Miles at mukhang siya ang tutulong sa kanya. 'Yung Phantom Breeze naman ay nilabas ang weapons nila at naramdaman ko 'yung hangin sa iba't ibang direksyon.

Tumingin ako kay Miles sa likuran at nakita kong binaril niya 'yung outlets...and the explosion occurred. Halos hindi ko na narinig 'yung sigawan at tulakan ng iba dahil nabingi ako sa lakas ng pagsabog. Parang domino effect dahil sunud-sunod pang pagsabog ang nangyari. Nung malapit na sa amin ay hinagis ni Kelsey 'yung whip niya papunta sa arena at naramdaman ko 'yung init at force ng pagsabog. Sa lakas ng force ay tumilapon kaming lahat mula sa bleachers.

"Shit shit shit! Tatama tayo sa gilid!"

"H-Hindi ko kayang kontrolin!"

Hindi ako nakahinga nung tumilapon na kami papunta sa arena habang nakahawak kami ni Kelsey sa whip niya. Pero hindi ko akalain na sa edge mahohook 'yung dulo ng whip at pwede kaming tumama sa mismong side ng arena or worse, babagsak kami sa chasm. And the worse is about to happen.

Naunahan na ako ng instinct ko at agad kong kinuha 'yung bokken mula sa bewang ko. Nung babangga na kami sa gilid ng arena ay naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mata ko and I willed it to turn into navy blue—ang pinakamataas na kulay na naattain ko sa training. After that ay nabalot ng ice sheets ang bokken ko at mas kumapal 'yung ice blades and I immediately thrusted it to the stone-edged arena at bumitaw ako sa whip.

Hindi kami nakapagsalita ni Kelsey after that at nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakahawak lang ako sa bokken ko and I am dangling over the chasm habang si Kelsey ay nakahawak naman sa whip niya. Buti at ginamit niya 'yung binti niya para mapigilan 'yung collision niya sa bato. Then all of a sudden ay nakaramdam kami ng hangin at alam kong sa kanila galing 'yun. Biglang lumakas 'yung hangin to the point na parang may ipu-ipo na nakapaligid sa amin. Hinatak ko 'yung bokken ko kahit na kapag ginawa ko 'yun ay mahuhulog ako sa chasm...which didn't happen. Pumalibot sa amin 'yung hangin at tumilapon kami sa taas. Pagtingin ko, nasa pinakagilid ng arena sina Krystal pati na ang Phantom Breeze.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon