6 [Kelsey]

491K 15.3K 3K
                                    

/KELSEY/

***

Hindi ako makatulog. Ang sakit rin ng katawan ko.

Napatayo na lang ako sa sofa. Siguro dahil na rin sa hindi ako sanay matulog sa malambot na higaan at hindi rin ako sanay na nasa loob ako ng bahay. For seven years, kung saan-saan lang ako natutulog. Minsan nga hindi na ako natutulog dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ng mga tao rito. Kilala pa naman ang East Black Division dahil sa lawless areas at sa mga nagkalat na gangs, delinquents at iba pang masasamang tao.

Nandito nga pala ako ngayon sa isang bahay. Bahay ata ni ate...err, hindi talaga ako sanay na tumawag ng ate. Bahala sila. Krystal at Gemma ang itatawag ko sa kanila!

Ayun nga, nandito ako ngayon sa bahay ni Krystal. Dinala ko kasi sila kahapon sa isang masarap na kainan. Kakilala ko naman yung manong doon dahil tinutulungan ko siya kapag may mga customers siyang hindi nagbabayad ng kinakain nila. Ninanakaw ko lang naman yung pera nila. Kasalanan naman nila. Kung nagbabayad sila ng tama, eh di sana hindi ko sila nanakawan. Ayan tuloy, mas malaki pa ang nawalang pera sa kanila.

After naming kumain, sapilitan nila akong sinama rito. Oo, sapilitan! Ayoko kasing sumama sa kanila kahit na gusto ko sila. Hindi ko pa rin naman sila ganun pinagkakatiwalaan. Mahirap na magtiwala sa kung sino-sino ngayon. Pero nagulat na lang ako nung biglang inagaw sa akin ni Gemma yung chain whip ko at pinulupot niya yun sa akin!

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako nakapalag! Tapos bigla niyang inangkla yung kahoy na sword na hawak niya sa chain whip ko at binuhat niya ako gamit yun, tapos pinatong niya sa balikat niya yung kahoy.  Ang kinalabasan tuloy ay parang akong baboy na kakakatay pa lang dahil sa way ng pagbuhat niya sa akin!

"Ibaba mo nga ako! Hoy! Ano ba!" nagwawala na ako pero parang wala lang sa kanya! At bakit hindi napuputol yung kahoy?! Ganun ba katibay yun?!

"What? Sabi mo gusto mo siya kaya ito na lang ang natitirang paraan. Mukhang di natin siya madadaan sa pakiusap eh," rinig kong sabi ni Gemma. Mukhang kausap niya si Krystal.

"There are other ways..."

"Ehh? Hayaan mo na! Exercise ko rin 'to kasi mabigat siya."

"Hoy! Narinig ko yun! Di ako mabigat!" Kainis na Gemma yun! Kanina niya pa ako iniinis ha! Tsaka hindi naman talaga ako mabigat eh!

"Aba hinohoy-hoy mo lang ako ha. Mas matanda ako sa'yo!" narinig kong sabi niya.

"Eh di tanda na ang tawag ko sa'yo! Matanda ka na pala eh!" Pagkasabi ko nun, bigla akong huminto sa paggalaw kaya alam kong huminto siya sa paglalakad. Kinabahan ako bigla. Teka, sobra na ba yung sinabi kong yun? Shit! Ayokong mabugbog!

Nagulat na lang ako nung bigla akong bumagsak sa lupa at nauna pa ang pwet ko! Ang sakit nun ha! Bakit niya ako binitawan?! Napalingon agad ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama.

"Krystaaaal! Tinawag niya akong tanda! Mukha ba akong matanda?! Hindi naman 'di ba?!" sabay lapit niya kay Krystal tapos para siyang iiyak na ewan. Seriously? Totoo bang nineteen na siya? Para siyang ten-year old kid! Parang mas mature pa akong mag-isip sa kanya eh.

"A-ano ba! Get off! Get off!" nakayakap na kasi si Gemma kay Krystal at ngumangawa. Na-offend talaga siya sa pagtawag ko ng 'tanda?' Ibang klase! Ang lakas-lakas niya kapag lumalaban pero asal-bata siya kapag normal na usapan lang.

Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ko at seryoso yung mga mata niya. Oh no...

At yun ang dahilan kung bakit masakit ang katawan ko. Kinaladkad niya kasi talaga ako papunta rito sa bahay at hindi na ako nakapalag. Baka kasi gamitin niya pa sa akin yung kahoy niya kapag pumalag pa ako. Hindi lang sakit ng katawan ang aabutin ko doon, baka mamatay pa ako.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon