43 [Gemma]

305K 11.5K 2.3K
                                    

/GEMMA/

***

"Gramps!"

Narinig ko ang pagsigaw ni Kelsey at Miles kaya napalingon ako sa direksyon ng boses nila. Pagtingin ko ay may tumalon mula doon sa ruins ng bleachers at nakita ko si Gramps.

"Sir Isaz!" sigaw ni Gust tapos hinatak niya ako papunta doon sa pinaglandingan ni Gramps.

Napansin kong lahat ng member ng Phantom Breeze pati sina Ashley, Krystal at Hale ay lumapit doon kay Gramps. May humarang sa aming lalaki pero sabay naming inislash ni Gust ang swords namin at may naform na ice crystals doon sa harap ng lalaki at nagpaikut-ikot siya sa ere. Binilisan namin ang pagtakbo at nakarating kami doon sa pwesto nila pero ang problema ay napalibutan na kami ng mga kalaban.

'Holding hands pa, ha?' Narinig ko ang boses ni Ash sa isip ko at saka ko narealize na nakahawak sa kamay ko si Gust. Tinanggal ko kaagad ang kamay ko sa kanya tapos tumabi ako sa kanya.

'Hinatak niya lang ako.'

'Yeah, right.'

Tinignan ko nang masama si Ash pero 'di niya ako pinansin. Lakas mang-asar ng isang 'to. As if namang papatulan ko ang Gust na 'yun. Lagot ka sa akin Ash kapag nahuli rin kitang may kasamang lalaki!

"Why are you here?" tanong naman bigla ni Krystal kay Gramps.

"Saka na natin pag-usapan 'yan. Ang mahalaga ngayon ay makaalis kayo rito."

"Bakit Gramps?" sabay sulpot ni Kelsey sa pagitan nila.

"Dahil sa sentro ng White Division nangyayari ang totoong labanan—"

Napahinto sa pagsasalita si Gramps at napahinto rin kami sa pakikinig nung biglang sumabog ang paligid ng arena. Biglang may lumabas na apoy doon sa chasm at napatingin kami sa Flame Spectre pero nawala na sila doon sa gilid ng arena. Napatingin kami agad doon sa pwesto ni Pierre at nakita naming nandoon na ang members at hindi ko alam kung paano sila napunta doon.

"You're still a fool, Isaz. Mamamatay ka rito habang pinapatay ko ang mga kasamahan mo sa White Division."

Pagkasabi nun ni Pierre ay lalong lumiyab 'yung apoy sa chasm at napapaligiran na 'yung buong arena. Maging 'yung allies nila ay confused sa nangyayari. Tumingin si Pierre sa allies niya at ngumiti siya.

"You can use the secret passage to get out of here, after you kill our enemies. I am counting on you, my dependable allies." Pagkatapos nun ay sabay-sabay silang umalis ng members ng Flame Spectre.

And now we're trapped.

Napapalibutan kami ngayon ng iba't ibang gang members na may attributes like Lightning, Poison and Dark pero ang Water at Earth, hindi na alam ang gagawin. Sabagay, ang manalo sa labanang 'to ang pakay nila pero ngayon ay nagkagulu-gulo na. Pero mukhang nakapagdecide na ang ilan sa kanila dahil nakaharap na rin sila sa amin.

"Gramps, 'yung mga may Lightning, Poison at Dark attributes ang allies ng Flame Spectre. Pero 'yung iba, independent gangs. Anong gagawin natin?" tanong ko at pumosisyon ako sa harapan niya para protektahan siya.

"We have no choice but to fight them," sabi naman ni Krystal.

"I told you, we already made our move."

Pagkasabi nun ni Hale ay tumingin nang masama sa kanya ni Krystal at halos hindi ko naramdaman 'yung init ng paligid for a second dahil sa tension sa kanilang dalawa.

"What do you mean?" seryosong tanong sa kanya ni Krystal.

Hindi naman nakasagot si Hale dahil sabay-sabay na sumugod sa amin ang mga kalaban. Pinangunahan namin sila ni Ash sa pagsugod at nakasunod 'yung dalawang Nene pati na 'yung Phantom Breeze sa likuran namin. Pero napatigil kami nung may sumabog sa bleachers.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon