16 [Gemma]

345K 12.5K 1.1K
                                    

/GEMMA/

***

Pagtingin ko sa orasan, 2 AM na. Hindi pa rin ako makatulog dahil ang active ng isip ko ngayon. Kung anu-ano nang pumapasok sa utak ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yun. Napatingin ako sa kabilang kama at mukhang tulog na tulog na si Krystal.

'I will get my revenge. I'll let them suffer.'

Napabangon ako bigla nung narinig ko 'yun. Damn. Hanggang sa pagtulog ba naman, may maririnig pa rin ako sa isip ko?! Pero wait, bakit nababasa ko ang isip niya kahit tulog siya? At nananaginip ba siya? Bakit parang ang dark ng nangyayari sa panaginip niya?

Bago pa ako tuluyang masiraan dito, lumabas muna ako sa kwarto namin at pumunta sa sala. Uminom muna ako ng tubig para kumalma yung pakiramdam ko. Pero nagtataka talaga ako kung paano ko biglang nagawa 'yun. Bakit nakakapagbasa na ako ng isip ng iba like Krystal?

"I told you, we're different from them. Mararamdaman mo rin 'yan kapag dumating ang tamang panahon."

Biglang nagflashback yung sinabi sa akin ni Dad nun. Ito ba 'yung sinasabi niyang mararamdaman ko? Ibig sabihin ba, siya rin? Ang alam ko lang dati ay kakaiba ang weapon na ginagamit namin. Hindi ko naman akalaing may kakaiba rin sa amin.

Naalala ko rin bigla yung lalaking nakita namin kanina. Ang sabi ni Kelsey, siya raw yung nagbigay sa kanya ng whip niya. Sinasadya niya bang magpakita sa amin o nagkataon lang?

Ugh! Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip! Naman oh! Gusto ko na matulog eh!

Nahagip naman bigla ng mga mata ko yung weapons na kinuha namin sa bahay ni Miles at nakakalat lang yung bags dito sa may sala. Saan kaya namin pwedeng ilagay ang mga 'to? Idedecorate din ba namin sa buong bahay?

"Bakit gising ka pa?"

"Oh shi—"

Muntik na akong atakihin sa puso nung may narinig akong boses sa likuran ko! Pagtingin ko, si Krystal lang pala! Bakit ba napakatahimik niya maglakad? Wala man lang siyang presence! Nakakatakot tuloy!

"Still thinking abou that?" tapos umupo siya sa kabilang dulo ng sofa. Tumango naman ako.

"Kelan mo nalamang nakakabasa ka ng isip?" Natahimik naman siya at tumingin nang seryoso sa akin.

"When I was fifteen."

"Nashock ka rin ba?"

"Not really."

Tss. Buti pa siya. Baka kasi may idea na siya? O sadyang 'di lang siya madaling magreact sa mga bagay-bagay? Samantalang ako, ngayon ko lang narerealize 'yung mga pinagsasabi sa akin ni Dad nung bata pa ako.

"Oo nga pala, mukhang masama panaginip mo kanina. Kaya ka ba nagising?" pagkasabi ko nun, biglang nag-iba yung expression ng mukha niya. I mean, expressionless pa rin pero mas naging seryoso.

"Yeah. So...nabasa mo?" bigla akong kinilabutan sa titig niya sa akin. Her stare was deadly.

"S-sort of. Pero lumabas rin naman ako kaya konti lang yung narinig ko. Promise." After that, bumuntong-hininga na lang siya.

"That's okay. Now we're even," sabay tayo niya.

Hindi ko naman na-gets nung una kung anong ibig niyang sabihin dun pero narealize ko rin after. Kung nabasa ko kanina yung panaginip niya, ibig sabihin, pati yung akin, nababasa niya. Pero wait, ibig sabihin simula nung first day na magkita kami, nababasa niya na yung isip at panaginip ko?!

Bigla akong nanlumo at nahiya at the same time. Napatayo rin ako sa couch at lumapit ako sa kanya.

"Krystal!"

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now