48 [Ashley]

290K 11.3K 3K
                                    

/ASHLEY/


***

Damn it! I never thought na ganito ang kahihinatnan ko. I am wounded and exhausted but these two are too tough.

"Give it up. You're no match to us. Babae ka lang," sabi ni Bolt at umakyat ang dugo sa ulo ko.

Ito ang pinakaayaw ko sa mga lalaki. They think they are superior dahil lalaki sila. Hindi ko naman nilalahat. May mga ungas lang talaga na masyadong mataas ang tingin sa sarili nila, like these two.

"Alam kong babae ako. Ikaw? Lalaki ka ba talaga?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng expression niya. Tss. Pikon.

Nakita kong inangat ni Rogue ang bow niya kaya alam kong aatake siya. Pati si Bolt ay mukhang aatake na rin dahil nagccrackle na ang mga miniature lightning sa kamay niya. Nasa gilid ko silang pareho kaya wala akong takas.

Hinawakan ko nang mahigpit ang throwing knives ko at huminga ako nang malalim. Kahit anong oras ay pwede akong mamatay rito. I can fight with one of them pero hindi ko sila kayang pareho. I need someone...

"Tandash!"

"Ash Tanda!"

Saktong napalingon ako sa boses nina Kelsey at Miles pero nagulat ako nung biglang natuon sa kanila ang atensyon nina Bolt at Rogue. Oh no!

'Stop! 'Wag kayong lalapit dito!' Ginamit ko ang inner voice ko para balaan silang dalawa at nakita ko sa peripheral vision ko na napahinto at napahawak sila sa ulo nila.

Ginamit ko ang oras na 'yun para humarang sa daan nila at hinagis ko ang knives ko sa direksyon nina Bolt at Rogue. My knives were covered with thick and sharp ice crystals at nung nagkaroon ng contact sa pagitan nun at sa lightning arrow ni Rogue ay naground at namanhid ang kamay ko. Pero at the same time ay nakita kong nasugatan ko sa braso si Bolt at bago niya pa mahawakan ang kutsilyo ay hinatak ko na 'yun pabalik sa akin.

'Stay where you are. Hindi niyo sila kaya. They will kill you both kapag lumapit kayo rito. Assist the others.' Kahit hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod ako sa kanila ay alam kong hindi gumagalaw sina Kelsey at Miles.

'Pero paano ka, Tanda?'

'Oo nga. You're wounded. Hindi mo rin sila kaya. We need to help y—'

'No,' matigas kong sabi. 'I can handle them. Umalis na kayo.'

Pero ang totoo, hindi ko kaya. Ayoko lang silang masali sa laban na 'to. Una, dahil may personal akong galit kay Bolt. Kasama siya sa mga sumugod sa bahay namin at baka may alam siya kung ano nang nangyari kay Papa at Lolo. Pangalawa, Rogue is the worst criminal in West Black, according to Squall. Kaya alam kong hindi siya magdadalawang-isip na patayin sina Kelsey at Miles oras na lumapit sila rito. At hinding-hindi ako makakapayag na gawin niya 'yun.

Damn. My right arm is numb. Hindi ko maigalaw dahil doon sa lightning arrow na tumama sa kutsilyo ko. And I think I have two or three broken ribs from the fights earlier. Hindi tuloy ako makahinga at makagalaw nang maayos. I wish I can do something awesome just like Gemma's huge icicles.

Wala pa ako sa tamang pag-iisip nang biglang sumugod sa akin si Bolt. Shit! Naabot din ba ang utak ko nung electric shock mula sa lightning arrow? Hindi ako makapagreact kaagad!

Nilagay ko sa harapan ko ang dalawang kutsilyo para magform ng ekis at nagkaroon ng ice blade extensions sa dulo para madepensahan ko ang sarili ko. I heard the hissing sound of Bolt's lightning at saktong lumitaw siya sa likuran ko kaya tumalikod ako at mukhang hindi niya inaasahan na nalaman ko kung saan siya manggagaling. I sliced his arm in a swift motion at naramdaman kong malalim ang nagawa kong sugat dahil sa dami ng dugong tumalsik at dumaloy. Napasigaw siya kaya ginamit ko ang oras na 'yun para umatake ulit. This time, tinarget ko ang kabilang braso pero naging mabilis ang reaksyon niya. Nahawakan niya ako sa braso at naramdaman ko ang pagdaloy ng electricity sa buong katawan ko.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon