52 [Gemma]

289K 10.7K 1.1K
                                    

/GEMMA/


***

I'm pretty sure Krystal is pissed. Pagkasabi kasi niya nun kay Rage ay tumindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang takot. Sa lahat ng oras na nakita ko siyang seryoso, ngayon ang pinakaseryoso.

Sinugod nilang dalawa ni Hale si Rage at gaya kanina ay may exchange of ice and fire attacks sa kanilang tatlo. Lumayo naman agad kami doon at inalalayan ako ni Kelsey habang si Miles naman ang nakaalalay kay Ash. Dahil nakatalikod sila sa amin ay nakikita ko 'yung wound na finreeze ni Ash para huminto ang pagdugo. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong malalim at masakit ang sugat na 'yun dahil maging 'yung yelo ay nagkukulay pula na. Para tuloy may ruby stone sa likod niya.

Huminto kami nung medyo malayo na kami kina Krystal. Hingal na hingal ako kahit ilang meters lang ang nilakad namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagiging pabigat ako ngayon. Ni wala akong matulong sa kanila kahit gusto ko.

'You're not the only one.' Narinig ko naman ang boses ni Ash at alam kong may halong inis at guilt ang tono niya.

Bigla naman kaming nahagip ng explosion at dumapa kaming apat. Muntik pa akong mapasigaw dahil nadaganan ni Kelsey 'yung likod ko at dumikit ng todo ang jacket sa balat ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sakit at alam kong nagdudugo na 'yun dahil nalalasahan ko ang dugo.

"Okay ka lang ba, Tanda?!"

Tinignan ko si Kelsey at nagnod ako. Tumingin din ako sa direksyon ni Papa at nakita kong halos nadominate na nila lahat ng allies ng Flame Spectre. Ilan na lang ang nakikita kong may Fire, Lightning, Poison, Light at Dark attributes dito sa sentro kaya alam kong kaunti na lang ang natitira sa kanila.

Biglang may sumabog ulit sa side nina Krystal at pagtingin ko ay bumagsak siya sa lupa pero bago ang impact ay may malaking yelo na sumalo sa kanya at nasakto siya doon sa dent. Tumayo agad siya na parang walang nangyari at sumugod ulit kay Rage na kasalukuyang nakikipaglaban kay Hale.

Kahit papaano ay nasusundan ko ang mga galaw nila though hindi ko madilat nang maayos ang kaliwang mata ko dahil sa cut sa baba ng kilay ko. Nakuha ko 'to nung nakipaglaban ako kay Allen. Speaking of Allen, nasaan na kaya ang damuhong 'yun? At naglalaban pa kaya sila ng mayabang na 'yun?

'My, my. Ang dali pala talagang magbasa ng isip kapag nasa peak of exhaustion.' Nilingon ko kaagad si Ash at nakuha niya pang ngumiti nang nakakaloko kahit puro cuts din ang mukha niya.

'Mukhang kailangan kong magtraining sa pagsasara ng isip pagkatapos nating makasurive dito,' sabi ko na lang.

'Make sure to close it tightly, like Krystal.'

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sabagay, si Krystal laging sarado ang isip. Kapag magkakasama kaming lima, siya lang ang hindi namin mabasa ang isip. Siguro dahil maaga niyang natutunan ang tungkol doon kaya kaya niyang i-block ang isip niya. Ngayon alam na namin kung bakit at dahil 'yun sa past niya. She doesn't want any of us to know her background and her thoughts. But I'm really curious about her family. Bakit akala niya patay na si Winter? Bakit hindi niya sinabi na ang parents niya ang dating head ng Huntres tribe? Alam niya kaya na lolo niya talaga si Gramps? At bakit parang kilalang-kilala siya ni Hale?

Noong unang kita pa lang namin kay Hale doon sa eskinita sa East Black, naramdaman ko kaagad na malakas siya. Hindi ko rin alam kung bakit sinusundan niya kami.

"Gotcha."

Nagulat naman ako nung biglang hinagis ni Ash 'yung throwing knives niya papunta sa harapan namin at tumigil sa ere atmas lalo akong nagulat nung biglang may nag-appear na lalaki doon, duguan at tuluyan nang bumagsak sa lupa. Napatingin kaming tatlo kay Ash dahil sa ginawa niya.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon