4 [Kelsey]

477K 15.3K 1.3K
                                    

/KELSEY/

***

Bakit ba hinahabol pa rin nila ako?! Hindi ba sila napapagod?!

"YOU BRAT! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAHULI KITA! I'LL FREEZE YOU TO DEATH!" Kinilabutan ako sa pagsigaw nung babaeng kinuhanan ko nitong...ewan ko kung ano 'to!

Buti na lang at expert na ako sa pagtakbo at pagtakas sa mga tao. Simula nung 7 years old ako, nabuhay ako sa pagnanakaw ng mga gamit ng iba at binebenta ko sila sa Black Market. Seven years na rin ang nakakalipas at magaling na ako sa pagnanakaw. Kaso may mga tao talagang masyadong persistent...

Tulad ng dalawang babaeng 'to! Paano ko ba sila matatakasan?! At bakit ba galit na galit siya? Parang kahoy na espada lang naman 'tong kinuha ko! Panigurado, mura lang 'to sa Black Market!

Lumiko ako doon sa isang eskinita at umakyat ako sa mga drums at barrels na pinagpatung-patong doon. Binilisan ko ang kilos dahil mukhang malapit nang lumiko sa eskinitang 'to yung dalawang babaeng humabol sa akin.

Umakyat ako doon sa pader at tumalon sa kabilang side. Diniretso ko yung takbo ko hanggang sa makita ko yung bakal na gate. Pero bigla kong naalala na sinarado na nga pala kahapon yung gate na yun! Shit! Dead end! Hindi naman ako pwedeng bumalik dahil baka makasalubong ko sila!

No choice!

Nag-iba ako ng ruta at kumaliwa na lang ako kahit maraming nagkalat na gang members dito. Teritoryo kasi 'to ng Black Sparrow. Tsk! Bahala na nga! Kaya ko naman siguro silang takbuhan. Tsaka kung mapapalaban man ako, baka may pag-asa naman ako kahit papaano.

Papalapit pa lang ako sa teritoryo nila, may nakikita na akong mga lalaking nakatingin sa akin. Sino ba namang hindi mapapatingin sa akin?! Tumatakbo ako tapos may dala pa akong weird na kahoy!

Nilakasan ko na lang ang loob ko at pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo kahit dumadami na yung nakatingin sa akin. Nasa kalahati naman na siguro ako ng teritoryo nila at makakaya ko namang tumakbo doon ng walang nangyayaring masama. Napalingon ako sa likuran para tignan kung nasundan pa rin ba ako ng dalawang babaeng humahabol sa akin. Pagtingin ko, wala namang tumatakbo. Ibig sabihin, nakalayo na ako sa kanila! Yes! Hah! Ang galing ko talaga—

"OUCH!"

Tumalsik ako at naunang bumagsak ang pwet ko sa lupa. Ang sakit nun! Ugh! Nakakainis! Sino bang bumangga sa akin—

"Uh oh." Napakagat ako sa labi ko dahil may nakatayong lalaki sa harapan ko at nakatingin sa akin.

"Natatandaan ko yang pagmumukha mo, bata." Bigla niyang hinawakan yung leeg ko at tinaas niya ako. Shit! Ang lakas niya! Isang kamay lang ang hawak niya sa akin pero naitaas niya ako hanggang sa height niya! Patay ako nito!

"Bitawan mo nga ako!" sisipain ko sana siya kaso hinawakan naman niya yung kanang paa ko gamit ang isa niya pang kamay.

"Ikaw yung nagnakaw ng baril ko nung nakaraang araw!" tapos hinigpitan niya yung hawak sa leeg ko kaya napahawak ako sa kamay niya, habang hawak-hawak ko pa rin yung kahoy na ninakaw ko kanina.

Tinignan ko ulit yung itsura niya. Sobrang laki ng katawan niya at malalaki ang muscles niya sa braso. Natatandaan ko nga siya. Siya yung tangang lalaki na nakatayo lang doon sa eskinitang dinaanan ko nung nakaraang araw.

Nakita ko yung baril na nakasabit sa bewang niya at mukhang kakaiba yung itsura kaya ninakaw ko sa kanya yun. Balak ko sanang ibenta sa Black Market kasabay ng mga mananakaw ko ngayon.

"Hindi kita kilala! Anong baril yang pinagsasabi mo?!" saka ko pinaghahampas yung kamay niya gamit 'tong kahoy pero mukhang walang epekto sa kanya. Ugh! Ang sakit na ng leeg ko!

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon