10 [Gemma]

381K 13.4K 1K
                                    

/GEMMA/

***

Nanlamig ako sa nakikita ko. Ang daming bumagsak na katawan at halos pula na ang lupa dahil umaagos yung dugo nila. Alam kong magulo rito sa Black Division. Sabi nga ng ilang officials, 'barbarians' ang mga nakatira dito. Pero hindi ko akalaing ganito kabrutal ang aabutan ko.

"Sino yun?!" biglang bulong sa amin  ni Kelsey habang nakatingin siya sa babaeng tumalon kanina.

"A bounty hunter, I think," sagot naman ni Krystal.

"Eh? Hunter? Kasamahan niya ba yung nakita natin sa may palengke, Tanda?"

Tsk. Napakawalang-galang talaga ng batang 'to. Feeling ko tuloy ang tanda ko na talaga. Kinalma ko muna yung sarili ko dahil sa sight na nakita ko.

"No. Ang Huntres, part sila ng government sa White Division, pero ang bounty hunters, independent. Kapag may nahuli sila na nasa wanted list, dadalhin nila yun sa White Division at bibigyan sila ng pera base sa level ng nahuli nila.

Napatingin ulit kami doon sa babae habang nakatayo siya sa harapan nung dalawang leaders. Nagulat rin ako kanina nung tumalon siya mula dito sa may puno at di man lang namin napansin ang presence niya. Habang nagkakagulo yung members, yung leaders ay nakatingin lang doon sa babae, tapos tumawa yung leader ng Hawk Eye.

"Are you alright, kiddo? Anong pinagsasabi mo? May tama ka na ba sa ulo?" sabay tawa niya ulit.

"Hay. Mga matatanda talaga, bingi," then hinugot ulit nung babae yung dalawang baril niya mula sa side kaya humugot rin yung dalawang leaders.

"Don't mess with us, kid," seryosong sabi nung lalaking may mahabang peklat sa braso. Napailing naman yung babae sabay bumuntong-hininga pa.

"Bingi na nga, paulit-ulit pa. Wala—"

Halos mapasigaw rin kami nung biglang nagpaputok si Mr. Peklat doon sa babae pero iniwas niya lang yung ulo niya at hindi siya natamaan sa kahit saan.

What the hell? Don't tell me alam niya kung ano yung path na tinravel ng bala at iniwasan niya lang yun? O baka naman sinwerte lang siya?

"Ohh. Taurus PT92! Nice gun!" sigaw nung babae. Gun freak ba siya? Bigla namang nagpaputok ulit si Mr. Peklat ng sunud-sunod kaya natakot ako para doon sa babae. Pero para lang siyang sumasayaw at tumatalon dahil iniiwasan niya lang yung mga bala na papunta sa kanya.

"Abnormal ba siya?!" bulong ni Kelsey habang mahigpit niyang hawak yung whip niya.

"Nagsalita ang hindi abnormal," sabi ko kaya tinignan niya ako nang masama. Aba totoo naman eh. Hindi siya normal no. At maging kami rin ni Krystal. Kung makapagsabi ng abnormal sa isang tao eh.

"Tsk. Tsk. Mister, nagsayang ka ng fifteen bullets," then tumingin yung babae doon kay Mr. Peklat. "Two more," sabay takbo niya nang sobrang bilis sa direksyon niya.

Napansin ko naman na parang nagpanic si Mr. Peklat dahil sa pagtakbo nung babae papunta sa kanya kaya nagpaputok ulit siya ng dalawang beses.

"You little—" Biglang tumalon sa ere yung babae at mabilis niya ulit na hinugot yung baril niya sabay nagpaputok ng isang beses kay Mr. Peklat. Natamaan siya sa may bandang tagiliran kaya napaluhod siya.

"You're holding a gun but you can't even hit me. Sinayang mo lang lahat ng bala mo, Mister."

Bigla namang hinugot nung leader ng Hawk Eye yung dalawang baril niya at saktong nakatalikod yung babae sa kanya kaya hindi niya nakikita. Sisigaw na dapat ako pero bigla na lang tumalon si Kelsey at napatingin na lang ako sa kanya. Pinigilan naman ako ni Krystal sa pagtalon at tinignan niya na lang rin si Kelsey. Para lang siyang lumilipad dahil hindi pa rin siya bumabagsak at malayo na yung natravel niya. Ginawa niya ring foothold yung ulo ng mga naglalabang members. What a sadist. Nung malapit na siya, sinigawan niya yung babae.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon