20 [Ashley]

347K 12.1K 639
                                    

Sorry nawalan kami ng internet nitong week eh. Haha!

---

/ASHLEY/

***

"L-like us? Anong ibig mong sabihin, Pa?" Mas lalong gumulo 'yung isip ko dahil sa sinabi niya.

"Makinig ka. Pinagbabawal na ng gobyerno ang paggamit ng mga armas na 'yun at lalong mas pinagbabawal na pag-usapan ang tungkol doon pero..." huminto sa pagsasalita si Papa at nagtinginan na naman sila ni Lolo. "Mukhang panahon na para sa malaking pagbabago."

"H-huh?"

"Apo, hindi ba may kinuha kang libro doon sa kwartong 'yun?"

"A-alam niyong kinuha ko?" Whoa. Akala ko pa naman hindi nila mapapansin 'yun.

"Kabisado ko lahat ng nakalagay sa kwartong 'yun, apo. Alam kong marami kang gustong itanong sa amin ngayon pero kailangan mo nang umalis," sabay bigay sa akin ni Lolo ng malaking bag.

"Sige na, Ashley," tapos ni-lead ako ni Papa palabas doon sa shop.

"Huh ? Wait. A-anong nangyayari? Teka, bakit niyo ako pinapaalis? Papa? Lolo? Teka anong meron?"

"Tumakbo ka na!"

Dahil masyado akong nagulat sa pagsigaw sa akin ni Papa ay napatakbo ako. And at the same time, biglang may mga sumugod sa shop namin pero hinarap sila nina Papa at Lolo habang ako ay nagtago doon sa likod ng poste at hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari.

Pinaligiran sina Papa at Lolo sampung lalaki at gusto ko silang tulungan pero feeling ko ay magiging hindrance lang ako sa kanila. Confident naman ako sa lakas ko pero kung icocompare kina Lolo at Papa ay wala pa ako sa kalingkingan nila.

'Ash, tumakas ka na! 'Wag mo kaming alalahanin ng lolo mo dahil kayang-kaya namin sila!'

Sobrang nagulat ako nung narinig ko bigla 'yung boses ni Papa sa loob ng ulo ko. What the heck? Paanong...paanong nangyari 'yun? Masyado na ba akong nasstress at kung anu-ano na ang naririnig ko?

'Tumakbo ka na!'

Dahil masyado nang gulung-gulo ang utak ko ay tumakbo na ako palayo doon. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang alam ko ngayon—pinatakas ako nina Papa at Lolo mula sa mga lalaking 'yun. Nag-aalala ako sa kanila ngayon pero alam ko namang kaya nilang patumbahin ang mga 'yun.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makakita ako ng abandonadong bahay. Pumasok agad ako doon dahil sobrang pagod na rin ako sa kakatakbo. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagcollapse na ang binti ko at napasandal na lang ako sa pader.

Agad-agad ko namang kinuha 'yung backpack ko at tinignan ko 'yung laman nun. Pagtingin ko, mga instant food, iba't ibang weapons na pwedeng magkasya dito, ilang damit pati na rin 'yung mga lumang libro doon sa kwarto. Whoa. So alam talaga nila na pumupunta ako doon sa kwarto? Tss. Hindi ko talaga sila maiisahan kahit kailan.

Bigla naman akong may nakitang sulat doon sa bulsa kaya nilabas ko kaagad at binasa.

Ash,

Pasensya na at hindi namin maipaliwanag sa'yo ang sitwasyon. Minomonitor kasi kami ng Lolo mo ng White Division government kaya kailangan ay maingat kami sa kilos namin. Pero dahil mukhang unti-unti mo nang nalalaman, kailangan na naming kumilos. Pumunta ka sa East Black Division at hanapin mo 'yung hidden village malapit sa Black Market. Sa pagkakaalam ko ay doon ang hideout ni Leo. Kahit na wala na siya ay paniguradong nandoon pa rin ang collection niya. At paniguradong may mga nakolekta siyang special weapons. Magagamit mo rin 'yung mga libro. Alam kong mahahanap mo 'yung mga sagot na hinahanap mo.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon