Epilogue

593K 17.7K 12.1K
                                    


/ASHLEY/


---

"Whoa. Ito ba talaga ang bahay natin? Bakit ganyan na?" tanong ko nung makita ko ang natira sa bahay namin dito sa North Black.

"Sisihin mo ang tatay mo. Dahil sa pakikipaglaban niya, nasira ang buong bahay," dagdag ni Lolo habang pailing-iling pa. Alam kong natalo nila lahat ng officers na sumugod dito sa amin, kasama na si Bolt, pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang magiging damage. Nawala ang bubong namin at puro butas ang pader ng bahay kaya halos macover na ng snow ang loob.

"I don't have a choice. Kung hindi ako lumaban ay ikukulong at ihaharap nila tayo sa White government."


Pumasok kami sa loob ng bahay at nagulat ako nung nawala ang storage room namin. Wala na rin ang weapons na nakaimbak doon. 'Yun pa naman ang pinaka-importanteng kwarto para sa amin. Pero nagtaka ako nung wala man lang reaksyon sina Lolo at Papa. Magtatanong na sana ako pero biglang hinawakan ni Papa ang isang side ng dingding na hindi pa nagcocollapse at napanganga na lang ako sa nakita ko.


Nag-open ang sahig at may lumabas na hagdan pababa, katulad nung sa base namin sa East Black. Tinignan ko sina Lolo at Papa para sa explanation.


"Halos lahat ng upper members ng rebellion force, ganito ang itsura ng bahay; may basement sa baba," sabi ni Papa habang bumaba sa hagdan kaya at nakasunod sa kanya si Lolo kaya sumunod na rin ako.


Hindi ako makapaniwala na may basement din kami. Sa tinagal-tagal ko sa bahay na 'to, ni hindi ko man lang nadiscover ang part na 'to.


Nung nasa baba na kami ay mas lalo akong nagulat dahil naka-imbak doon ang weapons na dapat ay nasa storage room, at hindi ko alam kung paano 'yun nangyari. Pero ang kaibahan ay parang nawala halos kalahati ng nandoon.


"Elevated part ng basement na ito ang storage room natin at may ginawa kaming mechanism ng Lolo mo na kapag may umatake sa bahay na 'to, mapupunta sa basement ang storage room."

"Pero bakit ang daming nawala?" tanong ko.

"Dahil ang mga armas na kinokolekta namin ay veinas na pwede lamang gamitin ng kapwa nating Huntres," dagdag naman ni Lolo. "Noong nagsimulang mamuno ang Flame Spectre, nagdesisyon kami ng Papa mo na kolektahin lahat ng veinas na naiwan sa labanan."

"Kasama rin sa nangolekta si Leo," sabi ni Papa.


Naalala ko kaagad 'yung panahon na pinapunta niya ako sa East Black para hanapin ang hideout ni Leo. Doon ko rin nakilala sina Gemma at Miles at nalamang foster parent siya ni Miles.


"Ang ilang armas na gamit ng rebellion force nung nakaraan ay galing sa'tin. At nung umalis kayo sa base niyo ay kinuha ni Hale ang ilang armas na nakaimbak sa basement."

"What?!"


Hindi pa ulit kami nakakapunta sa basement kaya hindi namin alam pero nagulat ako nung malaman ko ang ginawa ni Hale. Paano niya naman nalaman na nasa basement ang weapons na galing sa hideout ni Leo? Is he really stalking us?


Naglakad sina Papa at Lolo papunta sa weapons kaya naman ginamit ko ang pagkakataong 'yun para ilabas ang throwing knives ko. Dahil sa nangyaring war, parang naging dull na ang blades nito at marami ring bakas ng dugo. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero sa tingin ko ay dahil 'to sa nangyari sa akin. Sabi ni Gramps, nakadepende raw ang effectiveness ng veinas sa lakas ng gumagamit dito. Siguro ganun din ang effect kapag na-injure o detrimental ang lagay ng may-ari.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon