27 [Gemma]

333K 11.7K 2K
                                    

/GEMMA/

***

Naghiwa-hiwalay kami habang pinalibutan naman kami ng gang members. Ngayon ko lang narealize na sobrang dami nila. Mukhang desperado na talaga sila sa pagkumpleto ng insignias at nagkampihan pa sila. Siguro kulang-kulang isangdaang tao ang nandito ngayon.

Napatingin naman ako bigla sa direksyon ni Ash dahil ang daming nakapalibot sa kanya at mukhang siya ang una nilang target.

'Ash! Sa likod mo!'

'Huh?!'

Pagkasabi ko nun ay pati ako ay nagulat. Holy shit. Nakausap ko siya. Sumagot din siya. Pati yata siya nagulat dahil sa nangyari. I mean, si Krystal lang naman ang nakakausap ko nang ganito pero kahit hindi ko naman sinasadya ay nakausap ko rin si Ash sa isip ko.

'Fuck. Anong nangyayari?! Bakit kita naririnig din? Bakit tayo nakakapag-usap?!' biglang sigaw ni Ash sa isip ko at pati tuloy ako ay nagpapanic na rin.

'Malay ko rin!'

Bigla namang may sumugod sa aking dalawang lalaki kaya doon ko muna finocus ang utak ko. I swung my sword at them and I attacked them simultaneously. I unsheated my other sword while they are still distracted. Bigla namang nag-iba 'yung sensation na nararamdaman ko. Ewan ko pero parang ganito rin 'yung feeling nung lumaban kami sa may Black Market. I can see my enemies' movements and I can move my body easily.

Sumugod ulit sila sa akin pero this time, may dalawa pa sa likuran ko at pinapalibutan nila akong apat habang may hawak rin silang swords. Sabay-sabay silang sumugod sa akin at hinawakan ko naman nang pabaligtad sa hilt 'yung dalawang swords ko at nagfull-turn ako and I wounded two of them. Ginamit ko 'yung chance at tumalon ako doon sa likod ng isa and I slashed his back. May namuong icicles doon habang namimilipit siya sa hapdi.

"Last one," then I smirked at him.

This time, ako naman ang sumugod sa kanya at nasangga niya 'yung atake ko. Nakita ko naman na may kinuha siyang kutsilyo sa gilid niya habang dinedepensahan niya ang sarili niya kaya bago niya pa 'yun masaksak sa akin ay umiwas ako at umikot ako papunta sa likuran niya. Binitawan ko rin 'yung metal sword ko at ginamit ko 'yung left hand ko para pilipitin 'yung kamay niyang may hawak ng kutsilyo at nabitawan naman niya 'yun. Tinutok ko sa leeg niya 'yung bokken ko at nakita kong unti-unti nang nagfrefreeze 'yun.

"Aa...ugh!"

Nagulat naman ako nung biglang may narinig akong bumagsak sa likuran ko at pagtingin ko ay may nakahiga nang lalaki sa lupa at may ice bullets sa likuran niya.

"You're welcome, Gemmatanda." Nakita ko namang nakangiti si Miles mula sa malayo at hinipan niya pa 'yung baril niya.

Napatingin naman ako sa side ni Ash at namangha na lang ako sa lakas niya. She's throwing her knives and maneuvers them using those strings. Napatumba niya agad 'yung limang lalaking nakapalibot sa kanya na parang wala lang.

Marami ring nakapalibot kay Krystal na nasa likuran ko lang banda at kasama niya doon 'yung dalawang Nene. Naglakad siya papunta doon sa direksyon nung dalawang leaders pero hinarangan siya nung gang members kaya naman pumosisyon din sa harapan niya sina Miles at Kelsey.

Nagkatinginan kami ni Ash at mukhang pareho kami ng iniisip.

Tumakbo kami pareho sa direksyon nila dahil pinapalibutan na sila ng halos lahat ng members ng dalawang gangs. Nakita kong tumingin sa amin si Kelsey at alam ko na kung anong balak niyang gawin kaya hinanda ko na 'yung sarili ko.

Hinagis niya 'yung whip niya sa direksyon namin habang tumatakbo kami at sinalo ko naman 'yung dulo, at ganun rin si Ash. Naenclose 'yung kamay ko sa isang chain at hinatak 'yun ni Kelsey kaya para kaming lumilipad sa ere. Naglanding kaming pareho sa gitna and I immediately slashed my swords at ganun rin ang ginawa ni Ash.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon