45 [Gemma]

354K 12.6K 4.5K
                                    

/GEMMA/


***

"Dad!"


Niyakap ko si Dad nang mahigpit dahil sobrang namiss ko siya. Ni hindi ko nagawang magpaalam sa kanya nung umalis ako kaya nakaramdam ako ng guilt ngayon. Naramdaman ko naman na niyakap din ako ni Dad at after that ay tinignan niya ako.


"I'm glad you're okay, Gemma." Dad smiled at me kaya lalo akong naguilty.

"Dad, sorry. Hindi ko naman—"

"Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Sa ngayon, kailangan ko muna silang tulungan," sabay tingin ni Dad doon sa mga taong nag-eevacuate papunta sa train. Niyakap niya ulit ako at tumakbo siya papunta doon.


Pagtingin ko doon sa apat ay nakatulala lang sila sa akin at alam kong marami silang gustong itanong. Sa totoo lang, marami rin akong gustong itanong kay Dad pero wala kaming oras para makapag-usap.


"So you got your swordmanship skills from your dad," biglang sabi ni Krystal.

"And you two have the same attributes," dagdag ni Ash.

"Teka anong itatawag natin sa tatay ni Tanda?" tapos tumingin si Kelsey kay Miles.

"Hmm...Tanda Senior," seryosong sabi naman ni Miles.

"Seriously girls," then I sighed. Akala ko magiging seryoso sila dahil nagkita kami ng Dad ko pero ganun pa rin sila. Oh well, what did I expect?


Then I suddenly realized na lahat kami ay either wala nang parents o nahiwalay sa kanila. Pero mas naaawa ako doon sa dalawang Nene. Si Kelsey, bata pa lang siya ay wala na siyang magulang at halos sa daan lang siya nakatira dati. Ang naaalala kong kwento niya ay tinutulungan siya ng isang matandang lalaki na nagpapatakbo ng kainan at bilang kapalit ay nagnanakaw siya ng ilang weapons para ibenta sa black market, at 'yun ang ipinambabayad niya dahil nahihiya siyang tumanggap ng libre. Si Miles naman, ni hindi niya nakilala ang totoo niyang magulang dahil lumaki siya sa ampunan. Pero may kumupkop sa kanya na merchant at siya ang nagpalaki sa kanya. Kaso hindi rin nagtagal 'yun dahil pinatay siya ng gang members ng Flame Spectre.


Naalala ko rin ang kwento ni Ash. Her father and grandfather was attacked by government officers. Hindi niya alam kung ano nang nangyari sa kanila dahil dumiretso siya sa Black East during that time. Kay Krystal naman, wala akong alam. Narealize ko kaagad na wala kaming masyadong alam tungkol kay Krystal—ang pagkatao niya, parents niya, at background niya. All we know is that she's from the White Division and she has a grudge towards Flame Spectre.


"Gemma, let's go."


Bumalik naman ang focus ko sa nangyayari nung tinawag ako ni Krystal. Hindi ko napansin na naglalakad na sila papunta sa sentro habang ako ay nakatulala pa rin. Tumingin ako sa side ni Papa pero wala na siya doon at nakapasok na 'yung mga tao sa loob ng train. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.


"Tanda!" Dahil sa sigaw ni Kelsey ay tumakbo na ako papunta sa kanila.


Habang tumatakbo kami papunta sa sentro ay napatingin ako sa paligid. Halos nagbabagsakan na ang ilang buildings at parang may bagyong dumaan dito. Idagdag pa na puro sigawan at labanan ang naririnig ko sa halos lahat ng direksyon.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon