46 [Gemma]

304K 11.2K 1.8K
                                    

/GEMMA/


***

"Krystal..."


Lumapit 'yung babae sa amin at nakatulala lang sa kanya si Krystal. Kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina, this woman is her sister. I think her name is Winter Alveria. Pero hindi ko akalaing may kapatid si Krystal. Kaming apat ay nagtinginan at for the first time ay may nalaman kami about kay Krystal. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit sinabi niyang dapat ay patay na ang kapatid niya.


Habang nasa harapan namin 'yung sinasabi niyang Winter ay para talagang winter ang pakiramdam ko. Hindi ako makahinga nang maayos dahil parang nagyelo ang lalamunan ko. Hindi pa rin ako makagalaw at alam kong dahil 'yun sa presence niya. Grabeng pressure ang nararamdaman ko ngayon to the point na nakakasuffocate na.


"Mamaya na tayo mag-usap. For now," sabay tingin ni Winter doon sa direksyon ng members ng Flame Spectre, "I need to fight these guys."


Pagkasabi niya nun ay bigla siyang nawala sa paningin ko at hindi ko alam kung paano nangyari 'yun. Mas mabilis pa siyang kumilos kay Gramps at mas nakakatakot siya kay Krystal. Naniniwala na akong siya ang leader ng rebellion kahit na kakakita ko lang sa kanya at kahit na wala pa siyang masyadong ginagawa dahil 'yung presence pa lang niya ay proof na.


Narinig ko naman 'yung pag-inhale nina Kelsey at para silang hingal na hingal. Mukhang naexperience din nila 'yung naramdaman ko kanina. 'Yung parang nagyelo ang lungs mo at hindi makapagsalita dahil sa matinding pressure.


"K-kapatid mo ba talaga siya?" tanong ni Ash kay Krystal at napatingin din kaming tatlo nina Kelsey at Miles sa kanya.

"Yes," then her expression hardened. "I thought she was dead."

"What do you mean?"


Napabuntung-hininga siya at alam namin kaagad na nagdadalawang-isip siya kung magkukwento o hindi. Pero nasagot agad 'yun nung biglang may sumabog sa harapan namin. Mukhang hindi namin malalaman kaagad ang tungkol sa pamilya niya.


Pagtingin ko ay naghiwa-hiwalay ang members ng Flame Spectre at ganun din 'yung mga Huntres na kasama ni Winter. Tinulungan nila 'yung allies namin at iba't ibang attributes ang nakikita ko sa ngayon. Napatingin ako doon sa harapan ng government mansion at nakita kong naglalaban sina Winter at Pierre habang inaassist siya ni Gramps.


May sumugod din sa amin kaya pumosisyon kami para lumaban. Pero nahagip ng mata ko ang lalaking sumugod kay Krystal at naalala ko siya base sa kwento nina Ash. Nakita kong tinutok niya ang sword niya kay Krystal kaya agad akong sumugod sa kanila. Bago niya pa simulan ang atake niya ay sinangga ko kaagad ng bokken ko ang sword niya.


"So you're a swordsman. That means ako ang kalaban mo," then I pushed his sword with mine away from me.

'I knew you would like to duel with him.' Narinig ko ang boses ni Krystal sa isip ko at napangiti ako habang nakatalikod ako sa kanya. Naramdaman kong lumayo siya sa amin at nakita ko sa peripheral vision ko si Rage. Mukhang sila ang magiging magkalaban.

"So you have the most powerful Ice sword," sabi niya sabay ngiti. Napahawak tuloy ako nang mahigpit sa bokken ko at naramdaman ko na naman ang vibration galing doon.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon