30 [Miles]

352K 11.7K 2.6K
                                    

/MILES/

***

"Whoa! Whoa! Gramps! Dahan-dahan naman!"

Panay lang ang iwas ko sa ice crystals na ibinabato niya sa amin. Ilang beses na rin akong natamaan kanina at kahit maliliit na yelo lang ang binabato niya ay pakiramdam ko, bala 'yung tumatama sa akin.

Pagkatapos kasi niya kaming paghiwa-hiwalayin kanina ay pumwesto siya sa gitna at sinabi niyang ang kailangan naming gawin ay iwasan 'yung atake niya. Like Scarystal, kaya niya ring magproduce ng ice at 'yung crystals na 'yun ay binabato niya sa amin. And I'm telling you, hindi halatang matanda na si Gramps dahil sa lakas at bilis ng pagbato niya!

"Ouch! Ang sakit!" sigaw ni Dumbsey doon sa kabilang dulo.

Maski 'yung tatlong tanda ay hindi nakaligtas sa kanya at ilang beses din silang natamaan. Confident pa naman din ako sa skill ko sa pag-iwas pero hindi ko masundan 'yung crystals kaya wala sa timing 'yung pag-iwas ko at dahil ang bigat ng katawan ko! Nakakabit pa rin kasi sa amin 'yung bracelets. Hindi rin namin pwedeng gamitin 'yung weapons namin kaya mas mahirap.

"Labinlimang beses niyo lang namang gagawin ang pag-iwas. Bakit hindi ninyo magawa?" inosenteng tanong pa ni Gramps.

Paano namin maiiwasan kung hindi kami makagalaw nang maayos?! Nakakainis naman 'tong bracelets na 'to oh! Kung hindi lang 'to nakakabit ay may pag-asang maiwasan ko 'yung binabato niya.

"Hindi pwede 'yan," biglang sabi ni Gramps kay Scarystal.

"Tsk."

Paano kasi, finreeze ni Scarystal 'yung upper body niya pati 'yung kamay niya. Siguro para hindi masakit 'yung impact nung pagtama ng crystals. Pero dahil hindi raw pwede ay inalis niya rin agad.

After three or four hours ay natapos na kami sa training na 'yun at nagcollapse kami sa sahig. Feeling ko puro pasa na 'yung katawan ko dahil sa dami ng tama na nakuha ko. Tapos si Gramps, hinihingal lang. 'Yung totoo? Matanda ba talaga siya? Tao ba siya?

"Ang sakit. Natamaan ako sa boobs," sabay tingin ni Gemmatanda sa chest niya.

"Parang lumubog ah?"

"Weh?"

"Medyo lumiit."

Napafacepalm na lang ako sa usapan nina Tandash at Gemmatanda. Hindi ko alam kung seryoso ba sila o ano. Si Scarystal mukhang nag-iimage training. Si Dumbsey naman, hindi na gumagalaw doon sa pagkakahiga niya. Natuluyan na ba 'to?

Pinagpahinga kami ni Gramps for thirty minutes at naglakad ako papunta doon sa lamesa para uminom ng tubig. This time, fifteen minutes na lang ang inabot ko sa paggawa nun. Medyo nasasanay na ako sa bigat ng bracelets pero ang sakit ng katawan ko kaya ang bagal ko pa ring kumilos.

After that ay pinatayo niya ulit kami sa dati naming posisyon at kailangan naman naming umiwas for twenty times sa ice crystals niya. Inabot kami ng gabi dahil doon at knockout kaming lahat sa kama pagkatapos.

***

Four days na ang nakakalipas nung unang isuot sa amin 'tong bracelets at nakakagalaw na kami ngayon ng normal. Namimiss ko na rin 'yung twin guns ko. Pinagbawalan kasi kami ni Gramps na gamitin 'yung weapons namin kaya nasa basement lang ang mga 'yun.

Buong week ay tinrain niya mostly ang stamina namin. Araw-araw ay ubos ang energy ko after ng training at pagkagising naman namin ay maninigas kami sa lamig dahil nagffreeze ang kwarto namin kapag hindi kami nagising nang maaga. Nasanay na rin ako. Kaya nga nagigising agad ako kapag naramdaman ko na nag-iba na 'yung temperature.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon